Chapter 32 (presko)

1.4K 72 1
                                    

Nakangiti si Gavin habang pinagmamasdan ang unti unting pagbuo ng mga kinuhang manggagawa, sa kubo na ni request ni Elena. Mabilis at pulido gumawa ang anim na kataong pinatawag ng kanyang Papa. Ilang araw na lang at maaari na silang mag overnight ni Elena sa kubo.

Dahil sa naisip na makakasama si Elena sa loob ng magdamag ay uminit ang pakiramdam ni Gavin. Sinaway nya ang sarili.  Naglakad lakad siya hanggang sa magawi ang mga paa sa sapa... sa sapa!

Nanatili ang mga mata ni Gavin sa lugar na kinatatayuan ni Elena ng makita nya, ng makita niya ang halos hubo't hubad na katawan ni Elena. Lalong uminit ang pakiramdam ni Gavin kaya naipasya niyang lumusong sa sapa upang mapaalpas ang nararamdamang pananabik.....

Salita ng salita si Letlet habang inaayos ni Mameng ang mga dadalhin nila sa picnic at pag o overnight. Excited na excited na ang bata. Yakap yakap nito ang rugdoll nyang scarecrow na pinangalan niyang Mimi.

Lalo namang natataranta si Mameng. Natatawang lumapit ang Senyor sa dalawa.

"Apo, wag mong tarantahin si Yayay mo at baka malito sya. Sige kapag may nakalimutan siya matatagalan tayo makapag picnic dahil may babalikan pa dito sa bahay. Gusto mo ba mangyari yon?", tanong panakot ng Senyor.

Panay na iling ang ginawa ni Letlet. Nagmostra pa ito na parang isiniper ang mga labi kaya sumesenyas na lang. Natawa si Mameng at ang Senyor. Nagaya na nito ang gawi ni Elena. Ganun ang ginagawa nito kapag sinaway na wag maingay. Si Gavin man na kanina pa nakatayo sa may pintuan ay natawa rin.

Napakalaki na ng pinagbago ni Letlet mula ng dumating sa Hacienda Hermosa. Dati ay tahimik lang ito at malulungkutin. Pero ngayon ay makulit na ito at laging nakatawa. Nahawa na kay Elena na madalas nitong kasama. Manang mana na ang anak niya kay Elena.

Mana kay Elena?... anung pinagsasabi mo Gavin! Anak ba nya si Letlet? Asawa mo ba si Elena?.... tanong ni Gavin sa sarili.

Tumalikod na si Gavin at naglakad palabas. Isa isa na niyang isinakay sa owner ang mga dadalhin papunta sa sapa. Inaaya rin niya ang mga magulang ni Elena subalit may mga gawain daw ang mga ito na di maiiwanan kaya hindi na makakasama. Ang Senyor, si Mameng at Letlet ang makakasama ni Gavin at Elena sa pagpipicnic.

Ilang minuto lang at nakita na ni Gavin ang paparating na si Elena. Nakasakay ito sa kabayo. Ito rin ang kabayong ginamit ni Elena nung gabing matagpuan nya.

Napakaganda ni Elena sa paningin niya. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na maluwag. Di kagaya ng lagi nitong suot na pantalon at kamisonchino.

Bahagya pa ngang nakalilis ang damit nito kaya  kita ang mahahaba at makinis nitong binti pati ang tuhod. Nakasuot din ito ng malapad na sumbrero na nakatali paikot sa gilid ng pisngi at nakabuhol sa ilalim ng baba. Preskong presko tignan ang itsura ni Elena.

Nakangiti ito ng bumaba sa kabayo. Bumati lang  sa kanya at pagkatapos ay dumirecho na papasok sa sala ng kanilang bahay. Nakasunod lang siya dito ng tingin.

Maya maya ay lumalabas na ito kasama si Letlet. Masayang nag uusap ang dalawa habang naglalakad na magkahawak ang kamay. Kasunod nito ang Senyor, si Mameng at si Narding na may buhat ng mga dadalhing pagkain. Ito rin ang magmamaneho ng owner papunta sa sapa.

Nang makasakay na ang tatlo sa sasakyang maghahatid sa sapa ay inalalayan naman ni Gavin si Elena sa pagsampa sa kabayo nitong dala.

Pagkaraang makasakay si Elena ay sumampa na rin si Gavin kay Brutus ay sabay na nilang pinatakbo ang kanya kanyang kabayo at sinundan ang papalayong owner.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon