Chapter 11 (kaway)

1.5K 87 0
                                    

Rewind:

Napabalikwas ng bangon si Gavin. Naidlip siya habang binabasa ang ilang dokumento na pinag aaralan. Malakas kasi ang hangin sa veranda kaya dun nya naisipang maupo ng pahiga sa upuan nandun.

Nagmadali si Gavin. Saglit lang at nakaligo na siya. Mabilis din ang ginawa niyang pagbibihis. Naghihintay na si Brutus sa labas. Pagsakay na pagsakay sa likod ng kabayo ay agad na itong pinatakbo ni Gavin.

Buhat sa mataas na kinalalagyan nila ni Brutus ay malinaw niyang natatanaw ang dalawang naglalakad.

Napapangiti rin siya sa twing makikita na nagkakatuwaan ang mga ito. Masayang nagpapatalon talon pa ang kanyang anak habang ang isang kamay ay nakahawak kay Elena na ibang iba ang itsura.

Nang maalala ang itsura ni Elena kahapon ay napabunghalit na naman siya ng tawa. Natatandaan pa niya ang pamumula ng mukha nito sa galit. Ang sama ng tingin nito sa kanya. Kung nakakamatay lang ang matalim na tingin ay malamang na pinaglalamayan na siya, kahapon pa lang.

Nang makitang kumakain na ang nasa picnic ay nakasunod lang siya ng tingin. Nang tumugtog na si Elena at nagsimulang kumanta ay nakita pa nya ang anak na dumapa sa damuhan. Maya maya ay tumayo ito at sumayaw. Napangiti si Gavin.

"Sana ay makasanayan at magustuhan mo ang buhay dito sa Hacienda, anak...... Sana ay makalimutan na natin ang mapait na nakaraan.", naibulong ni Gavin. Pinatakbo na ni Gavin si Brutus papunta sa taniman ng mga gulay. Gusto niyang mapag aralang mabuti ang pasikot sikot sa Hacienda Hermosa.

Ilang linggo pa ang nakalipas......

Nakangiti at masisiglang nagsilusong sa bukid ang mga mang gagapas. Sa bandang gilid ng palayan ay nagluluto naman si Estella at ilang kasamahang babae ng pagkain. Ang lahat ay masaya at excited.

Si Oca at Elena ay nakalusong na rin. May pamahiin kasing sinusunod ang mag ama mula sa pagtatanim hanggang sa pag aani.

Nag umpisa na ang pag aani, siyang siya ang Senyor sa bilis at sigla ng sabay sabay na pagkilos ng mga tauhan. Pati si Gavin na nasa tabi niya ay napanganga sa nakikita. Nang luminga siya sa ama ay malapad ang pagkakangiti nito habang pinanunuod ang mga tauhan. Nakita niyang kumaway ito sa tinitignan. Nang sundan niya ng tingin ang tinitignan ng ama ay nakita niyang, ang mga tauhan pala ang ginagantihan nito ng pagkaway.

Kaway ng mga tauhan at pinaglilingkuran na puno ng respeto para isa't isa.


Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon