Chapter 38 (modelo)

1.3K 86 1
                                    

Nagkakandaiyak sa inis si Elena. Hindi nya sinunod ang utos ni Gavin na pumunta sa gulayan. Dumirecho siya ng uwi at sa paglilinis ibinunton ang galit.

Sinisigaan na ni Elena ang mga tuyong dahon at damo na nawalis ng makarinig siya ng papalapit na yabag ng kabayo.

Nangiti si Elena. Naisip ng dalaga na hindi siya natiis ni Gavin. Siguro ay pumunta ito upang mag sorry sa kanya.

Nakangiti siya ng lingunin ang papalapit na si......

"Jerome?. Anong ginagawa mo dito?", tanong nya sa panauhin habang hinahanap ng mga mata si Gavin.

''Galing ako sa gulayan kaya lang wala ka, kaya nagtanong ako kay Gavin kung saan ka nakatira.'', paliwanag nito.

"At itinuro nya kung saan ako nakatira?", tanong ni Elena.

"Hindi nga ako sinagot kaya, sa isang tauhan ako nagtanong.", nakangiti nitong sabi.

Naiilang si Elena sa ginagawang pagtingin sa kanya ni Jerome. Hindi lang niya maitaboy ang binata tulak ng kagandahang asal. Isa pa ay bisita ito sa Hacienda Hermosa at kamag anak ng Senyor na kanilang pinaglilingkuran.

Maya maya ay may narinig silang ugong ng sasakyan. Nakita ni Elena at Jerome ang papalapit na si Gavin kasama ang mga pinsan at si Irish na laging naka kapit sa bisig nito.

Muling nakaramdam ng panibugho si Elena.

"Tama si Gavin, nandito ka nga. Hi! Elena.", sabi ni Robbie.

"Inaaya tayo ni Gavin na maligo sa sapa, tara na Jerome.", aya ni Luis.

"Sama ka Elena.", aya ni Jerome sa dalaga.

"Naku, marami pa akong gagawin. Kayo na lang, sa ibang araw na lang kapag wala na akong trabaho.", tanggi ni Elena.

"Oh, come on Elena. Wag ka ng magpakipot. Bakit marami ka bang peklat sa binti na itinatago kaya ayaw mo sumama?.", maarteng sabad ni Irish.

Natawa si Luis at Robbie sa sinabi ni Irish.

"Irish!", saway ni Gavin. Umirap lang ang babae at isang nang uuyam na tingin ang ipinukol nito sa dalagang nagpipigil ng galit.

"Sumama ka na Elena para mas masaya. The more the merrier.", pangungumbinsi ni Jerome.

"Pasensya ka na Jerome... ano kasi...", sabi ni Elena.

"Sumama ka na sa amin Elena.", mahinahong pakiusap ni Gavin.

Nang tumingin si Elena kay Gavin ay nakita nyang sinsero ang paanyaya nito sa kanya.

"Sige, hintayin nyo muna ako sandali at magbibihis lang ako.", paalam ni Elena.

Saglit lang at lumabas na uli ito. Nakasuot ito ng maigsing kulay puting sarong na may disenyong bulaklak na kulay pula. Nakabuhol ito sa may batok ng dalaga. Tinernuhan pa ito ng bandana na kulay pula. Naka rubber shoes ito na kulay puti na may pulang sintas.

Nawalan ng kibo ang mga taga maynila. Parang modelo ang nakatayo sa harapan nila. Isang simpleng ngiti ang pinawalan ni Elena sa titig na titig na si Gavin.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon