Nag umpisang pumatak ang ulan, lalong natakot si Elena. Madawag at matataas ang mga damo sa kinalulugaran nila ng kabayo.
Nginingikig na sa ginaw ang dalaga. Malamig na nga ang hangin ay nabasa pa siya ng ulan. Pilit niyang isiniksik ang sarili sa isang punong nakapahiga ang tubo.
Panay ang linga ni Elena. Para kasing nararamdaman niyang may gumagapang sa bandang tagiliran nya. Minsan naman ay parang may nakatingin sa kanya. Magkasamang ginaw at takot kaya lalong nanginig ang dalaga.
"Inay, itay....Tulungan nyo ako dito.", umiyak na bulong ni Elena.
Parang nakarinig si Gavin ng halinghing ng kabayo. Hindi siya sigurado. Pinatakbo niya si Brutus papunta sa pinanggalingan ng narinig kaninang halinghing.
Huminto si Gavin at nagbakasakali na humalinghing uli ang kabayo.
"Sige na, kahit isa na lang..", bulong na hiling ni Gavin.
Humalinghing uli ang kabayo. Malapit na sa pandinig ni Gavin. Nabuhayan siya ng loob.
"Sabi ni Mang Oca ay nakasakay sa kabayo si Elena!", malakas ang kabog ng dibdib na bumaba ng kabayo si Gavin. Iginala nya sa paligid ang liwanag na nagmumula sa hawak na flashlight.
"Elena, nasaan ka?!!", paulit ulit na tawag ni Gavin kay Elena.
"Huh!.... Gavin!... nandito ako!.. Gavin!", sigaw ni Elena.
Nasilaw ang mata ni Elena sa liwanag ng dumarating kaya itinakip niya ang isang kamay upang masino ang papalapit sa kanya.
"Elena!..", tawag ni Gavin. Nagmamadali si Gavin na makalapit sa kinasisiksikang puno ng natagpuang dalaga.
Nang makita ni Elena si Gavin na papalapit ay tumayo siya at umiiyak na yumakap sa lalake.
"Salamat at ligtas ka.", sabi ni Gavin habang mahigpit din na yakap ang nanginginig na katawan ni Elena.
"Shhh… wag ka ng umiyak ha. Uuwi na tayo. Hindi kita pababayaan. Huwag ka ng umiyak.", pag aalo ni Gavin.
Tumango ang humihikbi pa ring si Elena. Kinuha ni Gavin ang makapal na balabal at ibinalot ito sa dalaga. Pagkatapos ay isinampa na ito kay Brutus. Nang maayos ng nakaupo si Elena ay paulit ulit na hinipan ni Gavin ang silbato na nakasabit sa kanyang leeg. Maya maya lang ay nagdatingan na ang iba pang tauhan ng Hacienda. Nasisiyahan din sila at ligtas na natagpuan ang dalaga ni Mang Oca.
Sakay na ng kabayong si Brutus, si Gavin at Elena. Nakayapos ang mga kamay ng byudo sa katawan ng nakaangkas sa harapan nya.
Hindi siya papayag na may mangyaring masama kay Elena!....
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...