Chapter 27 (kapatid)

1.3K 76 0
                                    

Kahit malayo ang pagitan ng kinatatayuan ni Gavin kay Elena ay malinaw niyang nakikita ang mukha ng dalaga. Tumatawa ito habang namimitas ng kamatis kasama ang anak niyang si Letlet.

Nang bahagyang yumuko ang dalaga ay napalunok si Gavin, naalala niya ang dibdib nito na nakita niya sa sapa. Ang halos hubad nitong katawan'..

Nagulat si Gavin ng buhat sa likuran nya ay nagsalita ang kanyang Papa.

"Kasundong kasundo ni Letlet yang si Elena. Kung hindi taga Hacienda ang makakakita sa kanila ay mapagkakamalan pa sila na mag ina.", natatawang sabi ni Senyor Fernando na ang paningin ay nasa dalawang babae na masayang namimitas ng kamatis.

"Gavin, mag iisang taon ka ng byudo. Bakit hindi ka mag asawa muli?", suhestyon ng Senyor.

"Papa, wala nga akong girlfriend, asawa pa. Pinaaalis mo na ba kami  ni Letlet dito sa Hacienda kaya pinapag asawa mo na ako?", kunwaring nagtatampong sabi ni Gavin sa ama. Kay Letlet at Elena parin ito nakatingin.

"Aba hindi!.. ang gusto ko nga ay lagi ko kayong kasamang mag ama. ", maagap na sagot ni Senyor.

"Ang Papa talaga, ganyan naman ang plano ko. Dito na kami ni Letlet kasama mo at ng mga tauhan ng Hacienda. Kaya hindi ko na iniisip ang pag aasawa.", natatawang sabi ni Gavin.

"Maaari ka namang makahanap ng mapapangasawa na maaari mong makasama dito. Isang mabuting babae na magmamahal at mag aalaga sa iyo, kay Letlet at sa

Hacienda.", sabi ulit ng Senyor. Hindi lang niya madirecho ang anak.

"Gaya ni Elena Papa?. Si Elena ba ang babaeng tinutukoy mo?", tanong ni Gavin.

"Matagal na nating kilala ang pamilya ni Elena. Nakakasiguro ako na magiging mabuting asawa at ina ng iyong anak at magiging anak pa ang isang kagaya ni Elena.", sa wakas ay naisatinig din ang kanina pa gustong sabihin ng Senyor.

"Tama ka Papa, kaya lang ang parang kapatid ko na si Elena.", sagot ni Gavin.

Kapatid?.. kaya ba nabuhay ang pagkalalaki mo ng silipan mo siya sa sapa?.. kaya ba napanaginipan mo ang pagsiping sa kanya?...

Ipinilig ni Gavin ang ulo. Hinilot ang sumakit na sintido. Saglit lang at nagpaalam na si Gavin sa ama na pupunta ng manggahan.

Nagmamadali siyang sumakay sa kabayong si Brutus at pinatakbo ito papalayo sa nang aarok na tingin ng ama.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon