Chapter 12 (cute na sanggol)

1.5K 78 0
                                    

Habang dumadaan ang mga araw ay nakakasanay na ni Gavin ang buhay Hacienda. Natutunan na niya ang maraming bagay tungkol sa pagpapatakbo nito. Ang buong maghapon ay tila kulang pa para sa kanya. Sinasadya niyang pagurin ang sarili upang pagdating ng gabi ay madali siyang makakatulog dahil sa pagod.

Nakatayo na naman si Gavin sa veranda. May hawak na naman itong baso na may laman na paborito niyang alak. Iniisip niya ang tinanggap na balita kaninang umaga. Nagtagis ang bagang ni Gavin at mabilis na tinungga ang laman ng baso. Muli niyang sinalinan ang baso. Lumapit siya sa upuan at umupong pahiga. Ipinatong niya ang braso sa noo at pumikit. Malinaw na bumalik sa alaala niya ang nakaraan..............

"Ano pa ba naman ang gusto mong gawin ko ha, Gavin?...", paangil na hiyaw ng asawa niya.

"Inip na inip na ako dito sa bahay. Ayaw mo naman akong bumalik sa work ko!. Hindi ko kaya na maghapon tumunganga dito sa loob ng bahay at maghintay sayo!!.", sigaw parin nito.

"Okay hon, wag ka na magalit ha... kung gusto mong mag majong sa bahay ng kumare mo di kita pipigilan. Ang inaalala ko lang naman ay baka magkasakit ka. Puyat ka lagi tapos pag uwi mo ay lasing ka pa. Baka humina ang katawan mo.", malumanay na paliwanag ni Gavin sa asawa.

"Ayan ka na naman!... bakit di mo pa ako diretsahin na sugarol na ay lasengga pa ang babaeng pinakasalan mo!.", padabog na sagot nito at binirahan ng talikod.

Galit na galit ang asawa niyang si Peachy dahil sa ginawa niyang pagsundo dito mula sa majungan. Umiling-iling nalang siya. Mahala na mahal niya ang asawa.

Upang walang away ay hinayaan na lang ni Gavin na gawin ng asawa ang gustong gawin. Nagbulag-bulagan at nagbingi- bingihan na lamang siya. Nang sabihin ni Peachy na buntis siya ay laking tuwa ni Gavin. Ilang araw ng sa twing uuwi siya galing ng opisina ay inaabutan niya ang asawa sa bahay. Naging malaking katuwaan sa kanya ang pagbabago ng asawa.

"Ang pagkakaroon pala ng anak ang makaka pagpa pirmi sayo sa bahay.", nakangiti niyang sabi sa natutulog na asawa habang hinihimas ang mukha nito. Naistorbo ata sa pagtulog ang asawa kaya tumagilid ito patalikod sa kanya. Napangiti si Gavin at ginawaran na lamang ng halik ang pisngi nito.

Lumipas ang siyam na buwan at nagsilang si Peachy. Isang malusog at napaka cute na sanggol na babae. Si Letlet. Ang akala ni Gavin ay tuloy tuloy na ang pagbabago ng asawa subalit nagkamali siya....

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon