Chapter 30 (suman)

1.4K 85 1
                                    

Kinabukasan...........

"Mameng, tawagin mo na si Gavin at ng makasabay na siya sa amin ni Letlet sa pag aalmusal.", utos ng Senyor habang inuumpisahan na ang pagbuklat sa pang umagang pahayagan.

"Maagang umalis si Gavin, Senyor. Pagdating ni Berto na may dalang sariwang gatas ay nagmamadali ng umalis.", sabi ni Mameng.

Nang makatalikod na si Mameng upang tawagin si Letlet ay nangiti ang Senyor. Humigit kumulang ay alam na niya kung saan pupunta ang kanyang anak.

Habang papalapit sa bahay nila Elena ay malakas na malakas na ang pagkabog ng dibdib ni Gavin. Hindi siya nakatulog ng maayos kagabi ng iwanan nya si Elena matapos maihatid sa kanilang bahay. Humihikbi pa ito ng kumaway sa kanya ng magpaalam na siyang aalis.

Naalala niya, ganun din ang paghikbi ni Elena ng papunta na siya ng maynila upang mag aral. Naengganyo siya ng mga pinsan na sa maynila mag aral para daw maiba naman ang paligid nya. Ayon sa mga ito ay napakaganda at moderno ang maynila, mas maraming oportunidad na mapaunlad niya ang kanyang sarili. Hindi daw gaya sa Hacienda na puro damo at mga hayop ang mga kasama at nakikita nya. Kaya lumuwas siya at sa mga pinsan nanirahan hanggang sa makatapos.

Natatandaan pa niya ng unang dating nya sa maynila ay namiss niya ang Papa nya at si Elena. Gusto na niyang bumalik sa Hacienda pero nilibang siya ng mga pinsan kaya kalaunan ay nakasanayan na nya.

Naputol ang pagbalik ala ala ni Gavin ng matanaw si Elena na nakatayo sa kulungan ng alaga nitong mga biik. Napangiti siya. Pinahinto niya si Brutus at isinabit ang tali sa nakatulos na kawayang nasa ilalim ng puno.

Lumakad na si Gavin palapit sa kinatatayuan ni Elena. Susupresahin nya ang dalaga.

"Muntik na kayong maulila kagabi. Akala ko ay mamamatay na ako. Wag na kayo magtampo ha... o sige na kumain na kayo ng kumain para tumaba kayo... oo na di na ako uulit... o kain na kayo.", kausap ni Elena sa mga biik.

Natatawa naman si Gavin. Maliit pa lang si Elena ay mahilig na ito makipag usap sa mga halaman, sa mga puno, sa scarecrow sa bukid, sa mga kabayo at kung anu ano pa.

"Mukang maayos na ang pakiramdam mo a,.", bati ni Gavin.

"Ikaw pala... oo", sagot ni Elena habang sa dalang gatas ni Gavin nakatingin.

''Para sa itay, o para sa akin?", nakangiting tanong ni Elena.

"Para sayo, ayaw mo ba?", nangingiti na ring tanong ni Gavin. Iniabot niya ang gatas na dala sa dalaga na agad naman nitong tinanggap.

Inaya ni Elena si Gavin na maupo sa papag na nasa ilalim ng puno.

"Salamat nga pala Gavin. Kung di ka dumating ay baka kung napano na ako.", seryosong sabi ni Elena.

"Kaya sa susunod ay wag kang masyadong lalayo. Sana man lang kung may kasama ka.", sabi ni Gavin habang inuumpisahan ng balatan ang suman na inihain ni Elena kasama ng mainit na tsaa.

"Eh wala nga akong maisama kahapon. May ginagawa sila Herminia at Monang. ", paliwanag ni Elena sa pagitan ng pag nguya.

"Kapag gusto mong mamasyal ay sabihin mo sa akin, sasamahan kita.", sabi ni Gavin.. iniinom na nito ang tsaa.

"Talaga!... totoo?", di makapaniwalang tanong ni Elena.

Tumango tango si Gavin.

"Walang bawian ha, sasamahan mo talaga ako mamasyal!", naniniguro si Elena.

"Oo sabi eh!.. ang kulit mo. O eto....", isinubo ni Gavin sa bibig ni Elena ang isang buong suman na binalatan.

Natigil ang pagsasalita ni Elena at nginuya na lang ang laman ng bibig habang nakatingin ng masama kay Gavin.

Natawa ng natawa si Gavin, nahinto lang ang pagtawa niya ng siya naman ang subuan ni Elena ng suman... kasama ang balat..

Nagtawanan narin pati si Oca at Estella ng sumenyas si Gavin sa mga ito na tila nagsusumbong.

Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon