"Kawawa naman yang kahoy sa ginagawa mo eh..lamog na ay di mo pa mabiyak.", kantyaw ni Gavin.
Isang maasim na ngiti ang isinagot ni Elena sa bagong dating.
"Wag ka magyabang Senyor Gavin... baka ni palakol ay di mo magawang iangat!", pagtataray ni Elena.
Lumapit si Gavin at inagaw kay Elena ang hawak na palakol. Nagpagpag pa muna ang lalaki ng kanyang braso. At inangat ang palakol, pabagsak sa kahoy na sinisibak ni Elena.
Daplis!... inasinta uli ni Gavin ang kahoy... itinaga ang palakol.. Daplis na naman!...
Ang lakas ng tawa ni Elena. Hawak pa nito ang tiyan habang tumatawa.
Siyang paglabas ni Estella galing sa loob ng bahay. Kasunod si Oca. Nakita ng mag asawa ang pagpipilit ni Gavin na masibak ang malaking kahoy.
"Ang hirap naman palang magsibak nito'', sabi ni Gavin at napakamot pa ito sa ulo.
Natawa na rin ang mag asawa sa itsura ng batang Senyor.
Naupo sa kawayang upuan si Gavin at Oca. Nagdala naman ng mainit na chokolate si Estella sa dalawa. Nag uusap na ang dalawa ng magpaalam si Elena na bibisitahin ang taniman ng gulay. Pasimple itong umirap ng makitang nakatingin si Gavin sa kanya.
Natawa si Gavin.. nang makatalikod na si Elena ay humarap at nakinig na uli ang batang Senyor sa sinasabi ng kausap.
Matapos puntahan ang katiwala ay dumirecho na si Gavin sa kwadra ng mga kabayo. Nang malapit na sa pupuntahan ay biglang nagbago ang isip ng lalake.
Hinila nya ang renda ni Brutus papunta sa....... taniman ng gulay.
Nang makarating sa gulayan ay bumaba siya kay Brutus. Marami na ang bunga ng sitaw, okra, talong, kamatis at kung anu-ano pa. Nalibang sa pagtingin sa mga tanim na namumunga si Gavin. Nakita niyang nagdidilig ng mga tanim si Elena kasama ang ilan pa nilang tauhan. Nang makita siya ng pinaka namamahala sa mga gulay ay sinamahan siya na ikutin pa ang ilang pilapil na may iba pang tanim. Nasisiyahan na luminga linga si Gavin sa paligid. Naisip niyang magpaluto gulay sa kusinera para makakain ang anak na si Letlet. Isang araw ay ipagsasama niya ang anak upang makita ang mga gulay na nasa paborito nitong kanta na itinuro ng kanyang Papa. Ang bahay kubo. Tiyak niya na matutuwa ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Agenda: Paibigin ka
RomanceNaisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bum...