Chapter 14 (pakikihalubilo)

1.6K 83 1
                                    

Mariing ipinikit ni Gavin ang mga mata. Hinayaang tumulo ang natitira pang likido na nandun. Inilapit niyang muli sa bibig ang baso at nilunok ang mapait na alak na laman nun. Maya maya pa ay wala ng namalayan ang lalake......

Habang pinagmamasdan ang anak ay di napigilan ng Senyor ang maiyak. Mag iisang taon na mula ng maganap kay Gavin ang mapait na karanasan. Alam niyang hindi pa rin lubusang nakakalimot si Gavin sa nakaraan. Ang gabi gabi nitong pag inom ng alak upang makatulog ay isang patunay.

Nilapitan ni Senyor ang anak, maingat na kinuha ang baso sa kamay nito na malapit ng malaglag. Pagkatapos ay nilagyan ito ng makapal na kumot.

''Nandito ako anak, nakahanda akong gawin ang lahat upang makalimutan mo ang pait ng iyong nakalipas.'', pangako ng Senyor.

Matapos halikan ang noo ng anak ay naglakad na ang Senyor pabalik sa kanyang silid.

Maganda ang naging ani ng Hacienda. Matapos magpasweldo at maipamahagi ang sako sakong palay sa mga tauhan ay nagdaos pa ng isang salu-salo ang Senyor bilang pasasalamat.

May nagkakantahan at nag iinuman. Ang iba ay nagkukwentuhan, kumakain. Malalakas ang tawanan ng mga nagkakatuwaang mga tauhan.

Katabi ni Senyor Fernando at Letlet si Oca, habang si Estella at Mameng naman ay nag aasikaso sa inumin at pulutan ng magkaibigan.

Lumapit si Gavin sa dalawang matanda at naupo sa tabi ng anak. Nakisali siya sa inuman at kwentuhan. Nasa kasarapan ng pagdiriwang ang mga kasama ng humiling ang mga ito na kumanta si Elena habang tumutugtog ng gitara. Pinagbigyan naman sila ng dalaga.

Isang maindayog na awit ang tinipa ni Elena na sinasabayan ng pagkanta. Nag umpisa ng magsayawan ang mga nag iinuman. Kaya lalong naging masaya. Maya maya ay may humila sa Senyor at kay Oca. Nakisayaw rin ang magkaibigan kasama ng mga tauhan. Pati si Letlet ay sayaw rin ng sayaw. Ginagaya ng bata ang pagsasayaw ng dalawang lolo sa gitna. Tawa ng tawa si Gavin, nagkanda samid pa siya sa pagtawa.

Maya maya ay si Gavin naman ang hinila ng mga kasama upang sumayaw sa gitna. Hindi naman siya tumanggi at todo hataw pa siya ng magsayaw. Tuwang tuwa ang mga nandoon sa pagiging cowboy ng batang senyor.

Sige rin sa pagtawa si Elena habang pinanonood ang mga nagsasayawan. Kaya ng makita niyang nakatawa si Gavin sa kanya ay tinanguan nya pa ito.

Naging masaya ang lahat. Ang mga tauhang dati ay naiilang kay Gavin sa pag aakalang suplado ito ay naiba na ang pakiramdam. Gaya ng matandang Senyor ay mababang loob din pala ito.

Sa narinig na bulungan ng mga katabi ay nangiti si Elena. Siya man ay natuwa sa ipinakita ni Gavin na pakikihalubilo sa mga tauhan ng Hacienda.



Hidden Agenda: Paibigin kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon