Chapter 1.1

7.2K 97 3
                                    

LUMAKAD si Stefie papasok sa loob ng kuwarto niya habang hawak-hawak ang laylayan ng gown na suot. Dahil ang maliit na lampshade lamang ang nagsisilbing ilaw doon ay hindi niya gaanong maaninag ang paligid. Hindi na siya nag-abalang buksan ang switch ng ilaw dahil balak niya lang naman kunin ang cell phone na nasa ibabaw ng kama.

Inabot niya ang aparato at tiningnan ang ilang mga mensaheng naroroon. Akmang pipihit na siya patalikod nang mapatigil pagkaramdam sa init ng isang katawan na nakatayo doon. Bumilis ang tibok ng puso ni Stefie dahil sa pag-usbong ng kaba.

“S-Sino—” napatigil siya nang biglang magdilim ang buong paligid. Marahil ay ini-off ng lalaki ang lampshade na nasa bedside table.

Gusto nang tumakbo ni Stefie palabas ng kuwarto subalit hindi naman magawang mai-galaw ang katawan. Sino naman ang papasok sa loob ng kuwartong ito gayong may nagaganap na party sa ibaba?

Sinubukan niyang pumihit paharap at tinangkang kapain ang taong nasa likod. Agad na lumapat ang mga kamay niya sa dibdib ng isang lalaki. Nararamdaman niya sa mga palad ang texture ng business suit na suot nito.

“K-Kenneth?” banggit niya sa pangalan ng nobyong si Kenneth Abiera. Ito lang at si Kuya Martin ang maaaring magtungo sa kuwarto niyang ito.

Naramdaman ni Stefie ang mga kamay na humawak sa kanyang mga kamay para mailayo iyon sa katawan ng lalaki. Napasinghap siya nang maisip na hindi ito ang nobyo. She knew Kenneth’s touch.
Napuno ng takot ang kanyang buong pagkatao nang maisip na masamang tao ang nasa harap. “P-Pakawalan mo ako,” garalgal na wika niya. “A-Anong—”

Napatigil si Stefie sa pagsasalita nang lumipat ang mga kamay ng lalaki sa kanyang mukha. Animo’y nanigas ang kanyang buong katawan nang maramdaman ang paglapat ng mainit na mga labi sa kanyang mga labi.

Inuutusan siya ng isipan na itulak palayo ang kung sinomang nangahas na humalik sa kanya subalit hindi naman nagawang sumunod ng kanyang katawan. Sa halip ay awtomatikong pumikit ang kanyang mga mata at tinanggap ang kauna-unahang halik na natikman sa buong buhay.

The feel of the man’s soft, warm lips was incredible. Hindi rin magawang maunawaan ni Stefie ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso gayong hindi naman alam kung sino ang lalaking nasa harap. The kiss was just a gentle pressing of their lips but it still sent an electrifying wave of heat all over her body.

Akmang itataas niya ang mga kamay para ikawit sa leeg ng lalaki nang bigla na lang maramdaman ang paglayo ng katawan nito. Stefie was dazed. Tinangka niyang abutin sa kadiliman ang kung sinomang lalaking iyon subalit wala na siyang maramdamang tao doon.
Biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod kaya pabagsak na napaupo sa gilid ng kamang naroroon. Anong nangyari? Bakit bigla na lang nawala ang lalaking iyon? Nagha-hallucinate ba siya?...

Naputol ang panaginip na iyon ni Stefie nang makarinig ng malakas na pagtunog ng telepono. Hindi niya na namalayan na nakatulog na pala siya sa couch habang nanonood ng palabas sa T.V. Tinatamad pa siyang tumayo at lumakad patungo sa kinalalagyan ng telepono.

Sinagot niya iyon at nalamang ang kaibigang si Janice Perez ang tumatawag. “Napatawag ka?” tanong ni Stefie at muling bumalik sa couch. Inabot niya ang remote para i-off na ang T.V.

“May gagawin ka ba ngayon?” tanong ng kaibigan. “Gusto ko sanang manood ng sine, wala lang akong makakasama.”

Sumulyap si Stefie sa wristwatch na suot. Pasado alas-sais na ng gabi. “Pasensiya ka na, Jan,” tugon niya. “Pauwi si Kuya Martin ngayong gabi at kanina ko pa siyang hinihintay.”

Napabuntong-hininga si Janice sa kabilang linya. “Ganoon ba?” nanghihinayang ang tono nito. “Sige, hihintayin ko na lang ang mga kasamahan ko dito sa apartment, baka sakaling may nais sumama.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon