SOBRANG diin ng pagkakakuyom ng mga kamao ni Bernard sa manibela ng sasakyan habang nakamasid kina Kenneth at Stefie na magkayakap sa labas ng gate ng bahay ng huli. Nag-igting ang kanyang mga bagang dahil sa galit na nararamdaman.
Hindi niya magawang paniwalaan ang nakikita. Bakit magkayakap ang mga ito? Kitang-kita din niya ang kasiyahan sa mukha ng dalawa habang nag-uusap. Nangangatal ang kanyang buong katawan dahil sa pagkagulat at sakit. His heart seemed to crumble into tiny pieces at that very moment. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at nagdesisyong muling paandarin ang sasakyan.
Bernard gritted his teeth as he drove off. Pinigilan niya ang mga luhang nagbabanta sa mga mata pero tumulo pa rin ang mga iyon. Damn it! Why did it hurt so much? Gusto niyang pukpukin ang sariling dibdib dahil sa sobra-sobrang paninikip niyon. Ginawa niya ang lahat para protektahan ang relasyon nilang dalawa ni Stefie subalit ganito na lang ba kabilis na masisira iyon?
Ganitong-ganito rin ang naramdaman niyang sakit noong makitang magkayakap sina Kenneth at Stefie sa isang okasyon sa bahay nila sa Bulacan noong nasa kolehiyo pa siya. Gusto niyang lapitan ang babae subalit nakipag-sayaw na ito kay Kenneth at nakipagyakapan pa. Ganito rin ang paninibughong kanyang naramdaman noon!
"At ikaw, dapat pumunta ka na sa Stefie na 'yon para ipagtapat ang tunay mong nararamdaman. Huwag mo nang hayaang makuha na naman ng iba ang atensyon niya," naalala ni Bernard na payo ng kaibigang si Ren kani-kanina lamang.
Damn it! Malakas niyang pinukpok ang manibela. Nahuli na naman ba siya? Damn it! Sandali niyang itinigil ang sasakyan at isinubsob ang mukha sa manibela. Hindi. Hindi maaaring mangyari na naman ito. Hindi niya gustong magdusa na naman sa loob ng mahabang panahon. He couldn't live without her anymore. He could feel his heart breaking so much.
Gusto niyang bumalik at komprontahin sina Kenneth at Stefie. Gusto niyang itanong sa mga ito kung ano ang nagawa niya para makaramdam siya ng ganitong klase ng sakit. Subalit para saan pa? Kung nakipagkasundo na muli si Stefie kay Kenneth, wala na naman siyang magiging laban... katulad noon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...