Chapter 40.1

4.5K 105 3
                                    

NAPATAYO si Stefie mula sa pagkakaupo sa sariling kama nang sa wakas ay sagutin na rin ni Bernard ang tawag niya. Akala niya ay hindi na makakausap ang nobyo nang gabing iyon. "Bernard."

"H-Hello? S-Stefie?" boses ng isang babae ang sumagot niyon.

Pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang kanyang puso ng mga oras na iyon. "S-Sino 'to?" nangangatal na tanong ni Stefie. Bakit babae ang sumagot ng phone ni Bernard? Akala niya ba ay trabaho ang inaasikaso nito?

"Oh, thank God," wika ng babae sa kabilang linya. "Tatawagan na sana kita. Si Ren 'to."

Mahigpit na ikinuyom ni Stefie ang mga kamay. Bakit sinagot ng babaeng 'yon ang cell phone ni Bernard? Magkasama ba ang mga ito? "Nasaan si Bernard?" mariing tanong niya.

"Nandito ako sa unit niya, Stefie. Puwede ka bang pumunta dito? Lasing na lasing si Bernard," ani Ren, may pag-aalala na sa tono. "Hindi ko na alam kung ano pang gagawin sa kanya. Kanina pa siyang nagwawala dito."

Napalitan ng pag-aalala ang paninibughong nararamdaman ni Stefie. "B-Bakit? A-Anong nangyari?"

"Hindi ko alam, tatawagan nga sana kita para itanong kung anong nangyari. Puwede ka bang pumunta dito? Please," nagmamakaawa na ang boses ng babae. "I can't handle him, Stefie. Ngayon ko lang siya nakitang nagkakaganito."

Mabilis pa sa kidlat na pumayag si Stefie. Hindi na siya nagpaalam sa babae at dali-daling tinapos ang tawag para lumabas ng bahay. Pagkarating sa sasakyan ay agad niya na iyong pinatakbo patungo sa condominium place ni Bernard. Humihiling siya na sana ay maayos lang ang nobyo. Ano bang nangyari dito?

Pagkarating sa unit ni Bernard ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Ren. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Stefie nang makita ang mga bote ng alak na nakakalat doon, maging ang mga basag na gamit. Agad niyang natanaw si Bernard na nakahiga sa kama nito, tila nakatulog na.

"Be careful," narinig niyang wika ni Ren. "Maraming bubog sa sahig. Pasensiya ka na kung inabala kita—"

"Anong ginagawa mo dito?" putol ni Stefie sa sinasabi ng babae bago ibinaling ang tingin dito. Pinasadahan niya ito ng tingin. Gusto niyang malaman kung paano nakapasok sa lugar na ito ang babae.

Bumuntong-hininga si Ren. "Tinawagan ako ni Bernard kanina, lasing na siya at gusto raw ng makakausap. Pero wala naman siyang sinabi sa akin simula nang dumating ako. M-May nangyari ba sa inyo? He kept on mentioning your name and that... that Kenneth."

Natigilan siya sa sinabi ng babae. "S-Si Kenneth?"

"Hindi ko alam kung anong nangyari," napailing pa si Ren, puno na ng pag-aalala ang mukha. "Ang alam ko lang ay pupunta siya sa'yo kanina. Ngayon ganito na siya, wala ka ba talagang alam?"

Ini-iling ni Stefie ang ulo bago maingat na humakbang palapit sa kama kung saan naroroon si Bernard. Gusto niyang gisingin ang lalaki at itanong kung anong nangyari. Bakit ba ito nagkakaganito?

"Kukuha na lang ako ng—"

"Ako nang bahala dito," muling putol ni Stefie sa nais sabihin ni Ren. "Ako ang girlfriend niya, puwede ka nang umuwi. Salamat." Hanggang ngayon ay may paninibugho pa rin siyang nararamdaman dahil sa babae.

Mukhang napansin naman iyon ni Ren kaya tumango na lang ito at magalang na nagpaalam. Pagkasara ng front door ay maingat na naupo si Stefie sa gilid ng kama. Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang buhok ng nobyo.

Nagulat pa siya nang tabigin ni Bernard ang kanyang kamay. "Sinabi nang huwag mong akong hawakan," wika nito sa lasing na tono.

Nangilid ang mga luha ni Stefie. Galit ba ito sa kanya? "B-Bernard..."

Tumagilid ng higa ang lalaki, nakapikit pa rin. "Hindi gusto ng girlfriend ko na..." he hiccuped. "N-Na may lumalapit sa aking ibang babae. S-Si Stefie lang ang gusto ko. Umalish ka na."

Hindi na napigilan ni Stefie ang mapaiyak ng tuluyan. Humiga siya sa tabi ng nobyo at niyakap ito ng mahigpit. Napahagulhol na siya sa likod nito. Akala niya ay galit sa kanya ang lalaki.

"Sinabi nang—" pumihit paharap sa kanya si Bernard. Iminulat nito ang mga mata at kumunot ang noo nang makilala siya. "Bakit si Stefie ang nakikita ko?"

Tumingala siya dito. Bakit ba nagpakalasing ng ganito ang nobyo?

Tumawa si Bernard at hinaplos ang pisngi niya. "Ang ganda-ganda talaga ng girlfriend ko," sambit pa nito. "Bakit ko ba siya nakikita?" marahas nitong ini-iling ang ulo. "Sinabi nang nandoon siya kay Kenneth. Magkasama na naman sila ni Kenneth. Palagi na lang si Kenneth!"

Nagulat si Stefie sa sinabi ng lalaki. Nakita ba nito sila ni Kenneth kanina? Binigyan ba nito ng ibang kahulugan ang pag-uusap nila ng dating nobyo? Iyon ba ang dahilan kaya nagpakalasing ito ng ganito?

Gusto niyang yugyugin ang nobyo at pagalitan ito sa pag-iisip sa kanya ng masama. Naiinis na lang niyang hinampas ang dibdib nito. "I hate you, Bernard!" iyak niya.

"I love you, Stefie," mahinang usal ng lalaki.

Her heart, her mind, her world seemed to stop at that moment. A-Anong sinabi nito? Tama ba ang kanyang narinig? M-Mahal siya ni Bernard?

Tumalon ang puso ni Stefie nang makitang nakatitig sa kanya ang nobyo. Nakatitig ito sa kanya na para bang siya ang nag-iisang babaeng nais makita sa buong mundo.

"H-Hindi ba puwedeng sa'kin naman?" tanong nito. "Sa akin mo naman ibigay ang pagmamahal mo kay Kenneth? Ako na lang ang mahalin mo, please. I-Ibibigay ko sa'yo lahat, Stefie. Sabihin mo lang sa akin," niyakap siya nito ng buong higpit. "Mahal na mahal kita."

Tuluyan nang napahagulhol ng iyak si Stefie sa dibdib ni Bernard. Mahal siya nito. Mahal siya ng lalaking tanging nilalaman ng puso simula pa noon. Patuloy ang paglipad ng kanyang puso dahil sa bagay na iyon.

Ini-angat niya ang tingin dito at hindi napaghandaan ang marahas na pag-angkin ng lalaki sa kanyang mga labi. He pinned her on the bed. Bahagya itong lumayo at pinakatitigan siya. The fire in his eyes was fiercer than before.

"Akin ka lang, Stefie," marahas na wika ni Bernard at walang sabi-sabing pinunit ang suot niyang blusa. "Hindi ko na kakayanin pang makita ka sa piling ng lalaking 'yon."

Dapat ay natatakot na si Stefie dahil sa pagiging marahas ng mga kilos ni Bernard. He was so drunk, hindi nito alam kung ano ang ginagawa. Subalit sa halip na matakot at tumakbo palayo ay mabilis na tinugon ng mga kamay niya ang haplos nito. Wala na siyang pakialam sa kahit na anong bagay.

Mahal siya ni Bernard. Iyon ang mga salitang matagal nang inaasam na marinig mula sa lalaki. Maraming mga babae ang nakapalibot dito subalit siya ang pinili, siya ang pinag-alayan ng puso. At mahal na mahal niya rin ito. Nakahanda siyang magpa-angkin dito sa kahit na anong paraan. Nakahanda siyang ibigay sa nobyo ang lahat-lahat.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon