Chapter 40.2

5.3K 122 8
                                    

HINDI pa rin magawang ialis ni Bernard ang tingin sa nobyang nakahiga sa sariling kama. Pagkagising niya kanina ay nagulat pa siya sa lahat ng nakita sa loob ng unit. Tahimik niyang nilinis ang lahat ng kalat na nagawa bago nauwi sa pagkatulala.

Hindi niya mapaniwalaan na nagawa ang ganitong mga bagay, lalo na kay Stefie. Lasing na lasing siya kagabi at hindi magawang maalala kung nasaktan niya ba ang babae. Isinubsob ni Bernard ang mukha sa dalawang kamay. Sobra-sobra ang galit niya sa sarili pagkakita kanina sa mga red marks at bite marks sa katawan ng nobya, ganoon din sa mga marka ng daliri. Ano bang ginawa niya? Hindi niya mapapatawad ang sarili kung nasaktan niya ito kagabi.

"Bernard."

Nagitla siya nang marinig ang malambing na pagtawag na iyon sa kanyang pangalan. Nag-angat siya ng tingin at agad na nasalubong ang nakangiting mukha ni Stefie. Parang pinipiga ang puso niya dahil sa ngiting iyon.

"M-May masakit ba sa'yo? May hangover ka ba?" nag-aalalang tanong ng nobya at sinubukang lumapit sa kinauupuan niya subalit napangiwi dahil marahil sa pananakit ng katawan.

Mabilis na kumilos si Bernard at nilapitan si Stefie. "Nasaktan ba kita kagabi, Stefie? I'm sorry, baby," puno na ng pagsisising wika niya. "Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako kung nasaktan kita."

Lumabi si Stefie at tiningnan siya ng masama. "Hindi mo ako nasaktan," anito. "I-It was so good... l-last night," matingkad na pula na ang mukha nito. "Y-You were so rough."

Masuyong hinaplos ni Bernard ang pisngi ng nobya. Damn, lasing siya kaya hindi na nagawang kontrolin ang sarili. "I'm still sorry, siguradong nasaktan din kita."

Humalukipkip si Stefie sa harapan niya. "Hindi ka na naman ba maniniwala sa akin?" pagalit nito.

He couldn't understand what she said because his stare was focused on her bouncing breasts. Mabilis niyang pinigilan ang pag-iinit ng sariling katawan.

"Hindi ka rin naniwala noong sabihin kong nakalimutan ko na si Kenneth at hindi na makikipagbalikan sa kanya," pukaw ni Stefie sa kanyang isipan. "Ano bang inisip mo kagabi at naglasing ka ng ganoon? Si Ren pa ang tinawagan mo."

Napayuko na si Bernard. "Patawarin mo ako," bulong niya. "N-Nakita ko kayong magkayakap at hindi ko na napigilan ang pagseselos. H-Hindi ako nakapag-isip ng maayos dahil mas pinairal ko ang sakit at galit."

"Sinabi ko na sa'yo na hindi na kami magkakabalikan," ulit ni Stefie. "Nakipag-ayos lang siya sa akin kagabi at nais rin ni Kenneth na makausap ka. Ako ang dapat na makaramdam ng selos," lumabi pa ito. "Dahil sa Ren na 'yon."

Inabot ni Bernard ang nobya at niyakap ito ng mahigpit. "Kaibigan ko lang si Ren, sweetie. Huwag kang magselos sa kanya," hinalikan niya ang buhok nito. "Walang ibang babae na makakapalit sa'yo sa puso ko, tandaan mo 'yan." Kahit lasing siya kagabi, naaalala niya naman ang ginawang pagtatapat ng damdamin para sa babae. At wala na siyang pakialam kung anuman ang naging reaksyon nito. Ang mahalaga ay alam na ni Stefie kung gaano niya ito kamahal.

Minahal niya na ang babaeng ito sa loob ng mahabang panahon. Walang ibang babaeng nakakuha sa puso niya ng ganoon kabilis maliban kay Stefie.

Sinubukan niyang pigilan ang sarili. Sinubukan niyang ibaling ang lahat ng atensyon at damdamin sa ibang babae subalit hindi nagtagumpay. Alam niyang ang babaeng ito na ang nais makasama habang-buhay simula nang unang masilayan ito. Alam niya iyon...

"KUYA!"

Napatigil sina Bernard sa paglalakad patungo sa living area ng bahay ng kaibigan niyang si Martin Velasco nang marinig ang tinig na iyon ng isang babae. Tapos na ang kanya-kanyang klase nila sa unibersidad na pinapasukan kaya naisipan ni Martin na imbitahan silang dalawa ng isa niya pang kaibigan na si Kenneth Abiera dito sa bahay ng mga ito para maghapunan. Dahil wala naman siyang gagawin sa bahay nila ay sumama na rin siya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon