MAINGAT na lumabas si Stefie sa sasakyan ni Kuya Martin nang maiparada nito iyon sa parking area ng bahay ng mga Buenaventura sa Bulacan. Sumabay na siya sa kapatid dahil hindi niya naman alam kung paano pumunta sa lugar na ito. Alas-siete na ng gabi ng mga oras na iyon.
Inayos niya muna ang pagkakalapat ng itim na long gown sa katawan bago sumunod sa kapatid papasok sa loob ng magarang hall ng bahay. She wore a simple, elegant black gown and black stilettos for that formal party. Nababakat niyon ang hubog ng kanyang katawan. Itinaas niya rin ang mahabang buhok para ma-emphasize ang pagkaka-ayos ng mukha niya. Ginawa niya ang lahat para magmukhang disente at elegante sa gabing iyon. Hinihiling niya na sana ay magustuhan iyon ng pamilya ng nobyo, lalo na ni Bernard.
Lihim na napangiti si Stefie nang muling bumalik sa alaala ang unang beses na nakadalo siya sa isang selebrasyon sa lugar na ito ng mga Buenaventura. Ganito rin ang kabang nararamdaman niya, maging ang pag-asam na magustuhan ni Bernard ang ayos niya.
Nang makapasok sila sa loob ay hindi napigilan ni Stefie ang mapahanga sa kagandahan ng bahay. It was huge and had a Scandinavian design. Napahanga rin siya sa dami ng mga imbitado sa okasyon na iyon. Sigurado siya na mga high class na panauhin ang mga bisitang naririto.
Napatigil siya sa pagmamasid sa paligid nang makita ang paglapit ni Bernard sa kinatatayuan nila. Agad naman itong binati ng kapatid. Ginantihan ng nobyo ang bati ni Kuya Martin subalit ang tingin ay hindi inaalis sa kanya.
Kitang-kita ni Stefie ang paghangang nasa mga mata ng nobyo at nararamdaman niya na naman ang pag-iinit ng mukha dahil sa titig nito.
"Nasaan nga pala si Tita Mabel?" narinig niyang tanong ni Kuya Martin.
"Nandoon sila sa may buffet," tugon ni Bernard, bahagya lang sumulyap kay Kuya Martin. "Kumain na rin kayo."
Tumango ang kapatid niya. "Sige, babatiin ko lang siya," anito bago bumaling sa kanya. "Ikaw, Stefie?"
"Oh," tumingin siya sa kapatid at ngumiti. "Susunod na lang ako, Kuya."
Tumango na lang uli si Kuya Martin bago lumakad na palayo. Nanatili sila ni Bernard na nakatayo doon, nakatitig lamang sa isa't isa. Ramdam ni Stefie ang malakas na kabog ng puso dahil sa paraan ng pagtitig sa kanya ng nobyo.
"You're just stunning," Bernard breathed, puno ng paghanga ang mukha at mga mata nito.
Stefie's heart fluttered in her chest. "T-Thank you," mahinang wika niya. Tumikhim muna siya bago nginitian ang lalaki. "I... I think I should greet your mother."
Malawak na napangiti si Bernard bago iniaro sa kanya ang braso nito. "Come," masayang wika nito.
Hindi na nag-alinlangan si Stefie at ini-angkla na ang isang kamay sa braso ng lalaki. Sumunod lang siya dito hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng isang ginang na abala sa pakikipag-usap sa ilan sa mga bisita. Agad na namukhaan ni Stefie ang ina ni Bernard dahil sa mga mata nito, katulad na katulad iyon ng sa lalaki.
"Mama," tawag ni Bernard sa ina nito.
Lumingon ang ina ni Bernard at agad na napangiti nang makita ang anak. Sumulyap ito sa kanya at nakita ni Stefie ang tila pagkislap ng mga mata ng ginang. Sandali itong nagpaalam sa mga kausap para lumapit sa kanila.
"Anak," bati ng ginang kay Bernard. "Sino itong magandang binibining kasama mo? Nobya mo ba siya?" may panunukso na sa tono nito.
Natigilan si Stefie sa sinabi ng ina ng lalaki, naramdaman din niya ang pagkatigil ni Bernard. Tumingin sa kanya ang nobyo at ngumiti.
"Mama, siya po si Stefie Velasco," pagsisimula ni Bernard. "Kapatid siya ng kaibigan kong si Martin. Minsan na siyang nagpunta dito noon, matagal na panahon na nga lang 'yon."
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...