NAIINIS na ibinagsak ni Stefie sa carpeted na sahig na kinauupuan nila ni Bernard ang hawak na game control nang matalo na naman siya ng lalaki sa video game na nilalaro nila. Narinig pa niya ang pagtawa ng nobyo na nakaupo sa likod. She was sitting in between his legs.
"You're cheating," naiinis niyang wika bago isinandal ang likod sa katawan nito. Buong mag-hapon ay inubos nila sa paglalaro ng X-box nito subalit ni minsan ay hindi man lang siya nanalo.
Hinalikan ni Bernard ang buhok niya. "Expert ako dito, sweetheart. Hinding-hindi ako nandaraya dito," natatawang sagot nito.
Puno pa rin ng pagkainis na nilingon ni Stefie ang nobyo. "Hindi mo man lang ako pinagbigyan na manalo kahit na isang beses lang?" patuloy na pagtatampo niya.
"Akala ko ba magaling ka rin dito?" panunukso pa ng lalaki.
Inirapan ni Stefie ang lalaki at lumayo dito. "I hate you," wika niya pa bago lumipat sa couch at doon na lamang naupo. Inabot niya sa mesitang malapit doon ang isang libro na hindi niya pa natatapos basahin.
Tumawa si Bernard at tumayo na. Inayos nito ang bahagyang nagusot na damit bago umupo sa tabi niya. "You don't hate me anymore, sweetie," bulong nito sa kaliwang tainga niya.
Stefie felt a chill down her spine. Biglang nag-init ang kanyang katawan subalit hindi naman tama ang oras. She was on period kaya dapat niya munang pigilan ang pag-iinit ng sariling katawan.
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili bago isinara ang hawak na libro. Tiningnan niya ang nobyo. "Really?" kunwa'y hindi naniniwalang tanong niya.
Ginantihan ng lalaki ang tingin niya bago tumango. "I want you. You want me, Stefie," bulong ni Bernard, nakatitig sa kanyang mga mata.
Napabuntong-hininga si Stefie. "Just pure lust," ganting bulong niya at pilit na ngumiti. Biglang may kalungkutan na bumalot sa puso niya ng mga oras na iyon.
Hindi sumagot si Bernard.
"Until when will you lust for me, Bernard?" lakas-loob na tanong ni Stefie sa lalaki. Gusto niya lang malaman.
Nanatiling tahimik si Bernard ng ilang sandali bago niya narinig ang pagsagot nito. "It's infinite, sweetheart."
Natigilan si Stefie sa sagot na iyon ng nobyo pero agad ding hinakot ang natitirang katinuan at pinanatili ang pilit na ngiti. Pabiro niyang hinampas sa balikat ang lalaki. "Tigilan mo na nga ako sa kabobola mo." Ginawa niya na lamang na biro ang patungkol sa bagay na iyon kahit na nasasaktan dahil hanggang doon lang ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya. "Siguradong kapag nakahanap ka na ng babaeng magugustuhan mo ay magsasawa ka na rin sa akin."
Akmang ibubuka pa ni Bernard ang bibig nito nang tumayo na siya at nagkunwang nag-iinat. "Oh," wika niya nang mapasulyap sa wristwatch na suot. "Pasado alas-singko na pala. Kailangan na nating maghanda ng hapunan."
Napatingin si Stefie sa nobyo nang makita ang pagtayo nito. "Kailangan ko munang mag-grocery," sabi ni Bernard. "Ano bang gusto mong iluto ngayon?" nakangiti na nitong tanong.
Ngumiti na rin siya at niyakap sa baywang ang lalaki. "Puwede ba akong sumama sa'yo?" malambing na tanong niya.
Kumunot ang noo ni Bernard. "Ayos lang ba sa'yo? Hindi na ba masakit ang puson mo?"
Tumango si Stefie at kinintalan ng mabilis na halik ang mga labi ng nobyo. "Hintayin mo 'ko, magpapalit lang ako ng damit," pagkasabi niyon ay tumungo na siya sa bedroom area para humanap sa closet na naroroon ng mga damit na naiwan niya pa dito.
Hindi naman ganoon kalayo ang mga malls sa lugar na ito ni Bernard kaya marami pa siyang magiging oras na magluto pagkatapos mag-grocery, huwag lang talaga sila maiipit sa haba ng pila ng mga nag-go-grocery.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...