Chapter 23.1

4.1K 86 3
                                    

IGINALA ni Stefie ang paningin sa lobby ng Society Hotel habang nakaupo sa isang malaking couch na naroroon. Kagagaling lang niya sa isang mall dito sa Makati kaya naisipang dumaan sa hotel na ito para sandaling magpahinga. May ilang guests na naroroon, halos mga foreigners.

Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung bakit siya nagtungo dito. Siguro dahil sa sobrang pagka-miss sa nobyo kaya maging ang mga lugar na pinupuntahan nito at dinaraanan niya na rin. Kailan pa ba babalik si Bernard?

"Hi." Narinig ni Stefie na tinig ng isang babae mula sa harapan.

Ini-angat niya ang tingin at nakita ang babaeng sa pagkakatanda ay Ciarrah ang pangalan. Mabilis itong naupo sa tabi niya. Ciarrah had this very cheerful aura in her na para bang halos lahat ng tao ay agad nitong magiging kaibigan.

"Ikaw 'yong girlfriend ni Bernard na dinala n'ya dito, 'di ba?" tanong nito.

Tumango si Stefie.

"I'm Ciarrah. Ciarrah de Angelo," inilahad pa nito ang isang kamay. "Pasensiya ka na kung hindi ko nagawang makapagpakilala noong unang beses na nagkita tayo."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Stefie Velasco. Wala 'yon," nginitian niya pa ito.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" patuloy na pagtatanong ng babae. "Hinihintay mo ba si Bernard?"

"H-Hindi, napadaan lang ako. Nasa New York ngayon si Bernard."

"Oh," tumango-tango pa si Ciarrah. "Kaya pala hindi ko siya nakikita dito nitong nakaraang mga linggo." Ilang sandali siyang sinuri ng babae. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaroon ng matagal na relasyon ang lalaking 'yon. Mukhang seryoso siya sa'yo, ah?"

Iniiwas ni Stefie ang mga mata. "M-Marami ba siyang dinalang babae dito?" naisipan niyang itanong.

"Hindi ko alam," tugon ni Ciarrah. "Pero si Bernard ang pinaka-babaero sa lahat ng mga Breakers dito. Sa pagkakaalam ko ay isang araw lang ang itinatagal ng mga babaeng naka-relasyon niya noon dahil—," napatigil ito. "Oh. Hindi mo 'ata alam ang tungkol sa—"

Ibinalik niya ang tingin sa babae at nakakaunawang ngumiti. "It's alright. Nabanggit na sa akin ni Bernard ang patungkol sa Breakers."

Nanlaki ang mga mata nito. "N-Nabanggit sa'yo ni Bernard?" napailing si Ciarrah. "Wow, you're really something then." Lumapit sa kanya ang babae at bumulong. "Alam mo rin ba ang patungkol sa susi ng private suites nila? Nasa'yo ba 'yon?"

Kumunot ang noo ni Stefie, dahil na rin sa curiosity na nasa tono ni Ciarrah. "Susi?" Ilang sandali siyang nag-isip at naalala ang kakaibang susi na nakita noon sa kuwarto ng nobyo. "Nakita ko na 'yon minsan sa kuwarto ni Bernard. Iyon ang dahilan kaya nasabi niya sa akin ang patungkol sa society nila."

"So, hindi n'ya pa ibinibigay sa'yo?" napalabi si Ciarrah.

Nagtataka na siyang napatingin sa babae.

Mukhang nakuha naman ni Ciarrah ang pagtataka niya kaya muli itong nagpatuloy. "May kahulugan din ang susi ng private suites nila dito sa buhay ng mga Breakers na 'yon," nagkibit-balikat ito. "Well, nalaman ko lang naman ito kay Ate Rachel Leigh noong pilitin ko siyang mag-kuwento. Si Ate Rachel ang asawa ng founder ng society na si Christopher Samaniego, Jr. Mabait siya. You should meet her, too."

Tumango lang si Stefie. Nais niya ring makilala ang mga ito, maging si Christopher. Nakita niya lang ang lalaki sa ilang mga magazines na naka-feature ito. "Ano nga pala 'yong tungkol sa susi?" maya-maya ay tanong niya.

Bumuntong-hininga si Ciarrah. "Alam mo kasi, dito sa Society Hotel na halos nagagawa ng mga Breakers na 'yon ang nais nila sa buhay. Isa na nga ang pagdadala ng mga babae nila dito. May freedom sila sa lugar na ito. At napag-alaman ko na once na ibigay ng isang Breaker ang susi ng private suite niya dito sa isang babae, ibig sabihin noon ay isinusuko na nito ang lahat-lahat sa babaeng 'yon. That's why lahat susi ng mga naunang Breakers dito ay hawak na ng kani-kanilang mga asawa.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon