Chapter 26.1

4.2K 85 2
                                    

IMINULAT ni Bernard ang mga mata at napansin na mag-isa na lamang siya sa kama. Naupo siya at iginala ang paningin sa paligid.

"Stefie," tawag niya sa nobya bago sumulyap sa maliit na orasang nasa bedside table. Nagulat pa siya nang makitang pasado alas-diyes na ng umaga.

Napailing si Bernard. Napatagal na naman pala ang tulog niya.

Napangiti siya. But sleeping with Stefie was the best sleep he ever had all his life. Napatingin siya sa pinto ng kuwarto nang makita ang pagbukas niyon.

Lumawak ang pagkakangiti niya nang makita ang pagpasok ni Stefie sa loob ng kuwarto. Suot lang nito ang hooded jacket na suot niya kahapon. Damn, she looked so exceptionally hot in his clothes.

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Stefie nang makita siya. "Gising ka na pala," malambing na wika nito. Lumakad ito palapit sa kama at sumampa doon. "Akala ko mamayang gabi ka pa magigising," natatawang dugtong nito.

Sumandal si Bernard sa headboard ng kama habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Stefie. She was getting more desirable for him every day that passed. Tinapik niya ang sariling kandungan. "Come here, sweetie," mahinang utos niya.

Agad namang sumunod sa kanya ang nobya. She sat astride his lap and sweetly smiled. Pakiramdam niya ay may mga kamay na humaplos sa puso niya sa nakikitang ngiti nito. Itinaas niya ang isang kamay at hinaplos ang pisngi ni Stefie.

"Bakit suot mo ang damit ko, sweetie?" tanong ni Bernard. "Sinabi ko na sa'yong walang damit na allowed kapag magkasama tayong dalawa lang."

Lumabi si Stefie. "Nilalamig ako," tugon nito. "Malamig rin sa labas kanina."

Kumunot ang noo niya. "Lumabas ka? Saan ka galing?"

"Doon lang ako galing sa small garden ko sa labas," anito. "My plants there grew a lot noong wala ka," unti-unti nang lumukot ang mukha ng nobya.

Bumuntong-hininga si Bernard. "Nagtatampo ka pa rin ba dahil natagalan ako sa New York?" nag-aalalang tanong niya. Hindi niya gustong magtampo ang nobya sa kanya. Hindi niya gustong isipin nito na ginusto niya ang pagtatagal sa bansang iyon. Kung hindi niya lang talaga kasama ang ama sa New York ay baka matagal na siyang bumalik dito sa Pilipinas. Hindi niya maintindihan ang naramdamang matinding pangungulila nang mga linggong nagdaan. Hindi niya magawang maipaliwanag.

Napabuntong-hininga rin si Stefie. "Medyo," sagot nito pero agad din namang ngumiti.

Bahagya niyang inilapit ang mukha sa mukha nito. "Anong puwede kong gawin para mawala na ang pagtatampo ng baby ko, hmm?" nakangiting tanong ni Bernard.

Lumawak ang pagkakangiti ni Stefie, kumikislap rin ang mga mata nito. Ni minsan ay hindi niya naisip na makikita ang ganitong emosyon sa mga mata ng babae para sa kanya. Noon ay para kay Kenneth lang ang mga kislap na iyon.

"Gusto kong manatili ka dito sa buong araw," sagot ni Stefie. "Bukas na kita pauuwiin kapag papasok ka na sa opisina."

Napatawa si Bernard sa sagot na iyon ng nobya. Iyon naman talaga ang plano niya. Ilang sandali niyang pinakatitigan lamang ang babae kaya hindi nagawang makasagot.

"Anong iniisip mo?" pukaw sa kanya ng tinig ni Stefie, bumahid na ang pagtataka sa mukha. "Hindi mo gustong manatili dito ng buong araw?" nagtatampong tanong nito, mababanaag ang kalungkutan sa magaganda nitong mga mata.

"Hindi," sinabayan niya pa iyon ng iling. "Gusto kong manatili dito sa buong araw, buong gabi, sweetie," seryosong sagot niya.

Lumabi si Stefie at nagdududang tumingin sa kanya. "Anong iniisip mo? May babae ka ba sa New York? Iniisip mo siguro siya, ano?"

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon