NAGLALAKAD na si Stefie patungo sa isang fast food chain sa Manila nang mapatapat sa isang car shop. Tumigil siya sa paglalakad at pumasok sa loob ng shop. Agad naman siyang binati ng mga sales clerks na naroroon at tinanong kung anong hinahanap niya. Sinabi niyang magtitingin-tingin lamang.
Inayos muna ni Stefie ang pagkakahawak sa mga paper bags na nasa kanang kamay – iyon ay ang mga pinamili niya sa isang mall hindi kalayuan para sa surprise niya sa kaarawan ni Kenneth. Sabado ng araw na iyon kaya nagawa niyang makapamili.
Hindi magawang pigilan ni Stefie ang mapahanga sa ganda ng mga sasakyang naroroon. Patuloy naman sa pag-sales talk ang clerk na nasa tabi. Tinanong niya ang presyo ng isang itim na sasakyan sa clerk. Halos mapanganga na si Stefie sa sinagot nito. Ilang taong pagta-trabaho at pag-iipon pa ang kailangan niyang gawin para makabili ng sariling sasakyan.
Ilang sandali niya pang pinakatitigan ang sasakyan bago nagdesisyong umalis na. Kanina pa siya nakakaramdam ng gutom at kailangan niya nang kumain. Dapat na unahin niya ang pagkain kaysa sa mga sasakyang ito. Hindi rin naman siya agad-agad makakabili ng ganitong luxuries.Awtomatikong napatigil ang mga paa ni Stefie nang makita ang pagpasok ni Bernard sa loob ng shop na iyon. Napabuga siya ng hininga. Bakit sa dinami-rami ng car shops ay dito pa nagpunta ang lalaking ito?
Inayos niya ang pagkakatayo bago taas-noong nagpatuloy sa paglalakad subalit muli siyang napatigil nang harangin siya nito. Tiningnan niya ito ng masama. “Move,” puno ng pait na utos niya sa lalaki.
Umismid lang ito at sinulyapan ang mga paper bags na dala niya. “Guess you’ve been shopping,” sabi nito.
“Ano namang pakialam mo?” mataray na tanong niya. “Panira ka talaga ng araw kahit kailan. Sa dinami-rami ng taong puwede kong makita, ikaw pa.”
“Well, I’m so sorry for that,” ani Bernard. “Kung alam ko lang na narito ka, sana sa ibang shop na lang ako nagpunta. Hindi ko rin naman gustong masira ang araw ko.”
Ikinuyom ni Stefie ang kamay. “Sira siguro ang araw mo dahil wala kang ka-date ngayon,” nang-iinis pa ang ngiti niya. “Pinagsawaan ka na ba ng babaeng kasama mo noon sa restaurant ni Kenneth?”
“Hindi,” sagot ng lalaki. “Ako ang nagsawa sa kanya.”
Sarkastiko siyang napatawa at puno ng pang-uuyam na pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. “Such an arrogant jerk,” she murmured with pure resentment. “Ano bang napapala mo sa papalit-palit ng karelasyon?”
Nagkibit-balikat si Bernard. “It’s fun,” tugon nito. “Bakit hindi mo subukan? Baka mag-enjoy ka rin,” tumawa pa ito ng nakakaloko.
Stefie gritted her teeth. Ramdam na ramdam niya na ang pag-iinit ng ulo. Inilipat niya ang hawak na paper bags sa kaliwang kamay. Once her right hand was empty, she raised it and slapped Bernard’s face.Kitang-kita ni Stefie ang matinding pagkagulat sa mukha ni Bernard sa ginawa niya. Hindi niya gustong gawin iyon pero hindi na napigilan ang sarili.
Humakbang pa siya palapit sa lalaki na hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makahuma. “I hate you more and more, Bernard,” bulong niya dito. Sinulyapan niya ito at nakita ang pagtagis ng mga bagang nito. Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya. “At hindi ko na gustong makipag-usap pa sa’yo. So, please, just leave me alone and do your own business,” humugot muna siya ng malalim na hininga bago humakbang paatras. “Pretend we never knew each other. Huwag mo na akong kakausapin kahit na saang lugar pa tayo magkabanggaan,” pagkasabi niyon ay dali-dali na siyang lumabas ng shop. Alam niyang pinagtitinginan na sila ng mga tao doon. Gustuhin man niyang lingunin si Bernard ay hindi maaari. She needed to keep her pride.
Pagkarating ni Stefie sa labas ay laking pasasalamat niya nang may dumaan kaagad na taxi. Pinara niya iyon at nagpahatid patungo sa restaurant ni Kenneth sa Quezon City. Doon na lamang siya kakain dahil ayaw niya nang muling makita ang Bernard na iyon.
Isinandal niya ang ulo sa headrest ng backseat. Paulit-ulit lamang sa isipan niya ang nangyari kanina sa pagitan nila ng lalaki. Itinaas niya ang kanang kamay. Nakaramdam siya ng matinding pagsisisi at kalungkutan dahil sa ginawang pagsampal kay Bernard.
Marahas niyang ini-iling ang ulo. Hindi niya dapat ginawa iyon. Bakit ba hindi niya kinontrol ang sarili?
Mariing ipinikit ni Stefie ang mga mata. Napakatagal na panahon niya na ring kakilala si Bernard, kasing tagal ng pagkakakilala niya kay Kenneth. Subalit bakit ganoon? Hindi niya alam kung bakit tila limitado lamang ang mga alaalang mayroon siya pagdating kay Bernard. Ang tanging naaalala niya lamang ay ang mga pag-aaway nila nitong nakaraang mga taon. Ang tanging naalala niya lamang ay ang kaisipang galit siya dito? Hindi niya alam kung kailan iyon nagsimula. Hindi niya rin alam kung ano ba talaga ang dahilan?
She just didn’t like him, iyon ang nakatatak sa kanyang isipan. At napapagod na siya sa hindi malamang kadahilanan. Napapagod na siya sa nararamdamang ito. There was something in her heart that she couldn’t fathom. Galit siya kay Bernard subalit may ibang damdamin namang tila pumipigil sa kanyang puso na tuluyang kamuhian ito. Isang damdamin na hindi niya magawang pangalanan.Iminulat ni Stefie ang mga mata. Hindi niya na namalayan ang pagdaloy ng luha sa kaliwang pisngi. Mabilis niya iyong pinahid. Bakit ba siya umiiyak? Damn, hindi niya dapat iniiyakan ang lalaking iyon. Iyon ang ipinangako niya sa sarili noon, ‘di ba? Hindi niya na dapat pinag-uukulan ng parte sa isipan ang lalaki. Wala rin naman siyang mapapala.
Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. She hated Bernard Buenaventura. She hated him… so much.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...