Chapter 5

5.2K 122 1
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Stefie ang mga mata at agad na napangiwi nang makaramdam ng sakit sa buong katawan lalo na sa parte ng pagkababae. Iginala niya ang paningin sa paligid at nagtaka pa nang mapansing nasa isang hindi pamilyar na lugar siya.

Napahawak siya sa ulo at pilit inalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Lahat ng alaala ng nagdaang gabi ay bumuhos sa kanyang isipan – simula sa nakita niyang pagtataksil ng nobyong si Kenneth at sa nangyari sa kanilang dalawa ng lalaking kinamumuhian na si Bernard!

Napabalikwas ng bangon si Stefie at napag-alamang nasa ibabaw nga siya ng kama ni Bernard, isang puting kumot lamang ang tumataklob sa hubad niyang katawan.

Oh no! Isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at napahikbi. Anong ginawa niya sa sarili? Bakit niya hinayaang mangyari ang bagay na ito? Damn it! Baliw na ba talaga siya?

Hindi na napigilan ni Stefie ang mapaluha dahil sa sakit na nararamdaman – dahil sa pagka-alala sa pagtataksil ni Kenneth at sa ginawa niya sa sarili. Bakit sa dinami-rami ng lalaki ay kay Bernard niya pa ibinigay ang pinaka-iingatang pagkababae? Wala na nga talaga siya sa matinong isipan kagabi.

Bumalot ang matinding pagkapahiya sa puso ni Stefie nang maalala ang ginawa sa harap ng lalaki nang nagdaang gabi. Siya mismo ang nag-alok ng sarili sa lalaki. Nagmakaawa siya dito! Ano pa ang mukhang maihaharap niya kay Bernard? Napaka-tanga niya! Damn her! Damn her!

"Stefie."

Napapitlag si Stefie nang marinig ang pagtawag na iyon mula kay Bernard. Sinubukan niyang tingnan ang lalaking nakatayo na sa paanan ng kama. Punong-puno pa rin ng pagkapahiya ang kanyang puso ng mga oras na iyon.

Itinaas niya ang kumot para mas lalong itago ang katawan dito pero nanlaki ang mga mata niya nang makitang walang kahit na anong saplot na suot ang lalaki. Memories of that glorious body on top of her poured in her mind and she was starting to feel that aching in her womb once more. She shifted a little to ease that aching. Damn, ano na bang nangyayari sa kanya?

Agad na nagrambulan ang pagtibok ng puso ni Stefie nang makita ang pagsampa ni Bernard sa kama. Gustuhin man niyang lumayo ay tila ayaw namang sumunod ng katawan niya.

"Nakagawa na ako ng kape," narinig niyang wika ng lalaki, may bumahid ng pagkasabik sa tono nito. Lumapit pang ito lalo sa kanya at pilit hinihila ang kumot na nakataklob sa katawan niya.

Iniiwas ni Stefie ang tingin sa lalaki nang muling mabilad sa mga mata nito ang kabuuan. "B-Bernard... k-kailangan nating mag—" Napatigil siya nang maramdaman ang paghalik ng lalaki sa leeg niya.

"Mmm... you smell so good," anas nito bago lumipat sa gilid niya. Dahan-dahan siya nitong ibinalik sa pagkakahiga.

Inilayo ni Stefie ang mukha nang akmang hahalikan ng lalaki ang mga labi niya. Nang sumulyap siya dito ay nakitang nakatitig lamang ito sa kanya. Hindi siya sanay sa pagtitig na iyon mula sa lalaki kaya bahagya pa siyang nailang.

"K-Kailangan nating pag-usapan ang... ang tungkol sa n-nangyari, Bernard," lakas-loob na wika niya.

Isinubsob ni Bernard ang mukha sa leeg niya. "Nakikinig ako," bulong nito.

Humugot muna ng malalim na hininga si Stefie bago nagpatuloy. "H-Hindi dapat nangyari ang bagay na iyon," bahagya nang nangatal ang boses niya, punong-puno na rin ng kaba ang puso.

Ini-angat ni Bernard ang ulo at tumingin sa kanya, may kalamigan na sa mga mata nito. "Pero nangyari na, Stefie. Wala na tayong mababago," seryosong wika nito.

Tumango-tango siya, hindi pa rin magawang salubungin ang tingin ng lalaki. "A-Alam ko, pero a-ayoko na sanang—" ini-iling niya ang ulo at maingat na umupo. Inabot niya ang kumot at muling itinaklob sa sariling katawan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang hiyang kanyang nararamdaman. Nais niya nang tumakbo palabas ng lugar na iyon subalit kailangan namang makausap ng maayos si Bernard.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon