ABALA si Stefie sa paglalaro ng PSP ni Bernard nang maramdaman niya ang pagsampa ng nobyo sa kama nito. Naroroon siya sa condominium unit ng lalaki. Mahigit dalawang linggo na simula nang mag-resign siya sa trabaho. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin iyon nasasabi sa kapatid dahil sa pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa ito para sa business. Sa loob din ng mga panahon na iyon ay pansamantala na muna siyang nanatili dito kay Bernard dahil sa hiling na rin ng lalaki.
Nakadapa siya sa ibabaw ng kama kaya hindi niya makita si Bernard. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang mga kamay ng lalaki na itinataas ang laylayan ng pajama top na suot niya. His hands held her waist and then she felt Bernard's lips touched her bare back. She shivered as his lips touched the outline of her spine.
"B-Bernard..." saway niya sa lalaki at pinilit na ituon ang atensiyon sa nilalaro. Hindi siya maaaring matalo. Kailangan pa niyang talunin ang high score ng lalaki.
Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang mga kamay ng lalaki na ibinababa ang suot naman niyang pajama. He pulled it down a little, including her undies, and his hands massaged her bottom.
Napaungol na si Stefie at nakita ang 'Game Over' sa screen ng PSP. Naiinis niyang ibinagsak ang aparato sa kama. Umiba siya ng posisyon at hinarap ang lalaki, inis na inis. "Ano bang ginagawa mo?" pagalit niya sa nobyo habang inaayos ang suot na pajama. "Natalo tuloy ako," lumabi pa siya.
Maluwang lang na ngumiti si Bernard, para bang hindi napapansin ang pagkainis niya. Wala itong suot na kahit ano, mamasa-masa pa ang buhok dahil kagagaling lang sa shower. Kababalik lang nito kanina galing sa trabaho.
Pumaibabaw sa kanya ang nobyo at isinubsob ang mukha sa leeg niya. "I want you," anas nito. "Hindi mo ako pinapansin kanina pa dahil sa paglalaro diyan," pagtatampo pa nito.
Naiiling na napangiti si Stefie bago marahang itinulak palayo ang lalaki. Bumagsak ito ng higa sa tabi niya. "Masyadong maaga para diyan, lover boy," wika niya bago umupo. "Magluluto pa ako ng hapunan natin."
"Pero—" Napatigil ito nang takpan niya ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito. Bumuntong-hininga na lang si Bernard, tanda ng pagsuko. "Fine," bumangon na rin ito at naupo. "Mag-usap na lang tayo."
Tiningnan niya ito. "Tungkol saan?"
"Kailan mo ba gustong mag-apply ng trabaho?"
"Baka sa susunod na linggo maghahanap-hanap na ako. Bakit?" Bakit naman bigla-bigla ay iyon ang nais pag-usapan ng lalaki?
Tinitigan siya ni Bernard ng ilang sandali. "Mag-apply ka sa kompanya ko, Stefie," sabi nito na ikinagulat niya.
Pinag-a-apply siya nito sa Buenaventura Group of Companies? "B-Bernard... h-hindi ko—"
"Hindi ko 'to ibinibigay sa'yo, Stefie," putol sa kanya ng nobyo, may nahihimigan nang awtorisasyon sa boses nito. "Kailangan din ng kompanya ko ng mga empleyado at dadaan ka rin sa mga dinaraanan ng lahat ng aplikante. Ipinapangako ko na hindi ako makikialam sa prosesong iyon. Subukan mo lang."
Hindi alam ni Stefie kung ano ang sasabihin. Wala naman siyang nakikitang masama sa bagay na iyon. Isang malaking kompanya ang hawak ni Bernard, hindi niya alam kung matatanggap ba siya sa trabahong iyon. "P-Pero, Bernard, a-alam mo ang utak ng mga tao. Kapag n-nalaman nila na—"
"Bakit mo ba iisipin ang sasabihin ng iba?" muling putol ng lalaki. "Alam ko na mahusay kang empleyado kaya malaki ang posibilidad na matanggap ka kahit wala ang tulong ko," inabot nito ang kamay niya. "Ipinapangako ko na hindi ako makikialam sa desisyon nila kung matatanggap ka o hindi. Hindi rin kita bibigyan ng special treatment kapag nagta-trabaho ka na sa kompanya ko, ganoon din sa suweldo mo. Hindi ako gagawa ng mga ikagagalit mo."
Tinitigan niya ang lalaki, kitang-kita ang kaseryosohan sa mga mata nito. Ilang sandali niyang pinag-isipan ang patungkol sa suhestiyon nito. Wala naman siyang nakikitang mali doon.
Bumuntong-hininga si Stefie bago ngumiti. "M-Marami ba kayong employees na kailangan?" tanong niya.
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata ni Bernard. "Oo naman," sagot nito. "Lalo na ngayon na nagpa-plano kaming magbukas ng isa pang branch sa Quezon City naman. May iba ka pa bang nais isama?"
Tumango siya at malawak na ngumiti. Pagkatapos ay lumapit siya sa lalaki at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you," taos-pusong bulong niya. Tunay na pinagpala nga siya sa pagkakaroon ng lalaking katulad nito.
Hinalikan ni Bernard ang buhok niya. "Hindi na ako makapaghintay na makita ka sa kompanya ko, sweetie," bulong pa nito. "Ipapakita ko rin sa'yo ang opisina ko doon. Siguradong—"
Napatigil ito nang bigla siyang kumalas sa pagkakayakap dito, may pagtataka at pagkagulat na sa mga mata niya. "Bakit mo ako dadalhin sa opisina mo?"
Napakamot ito sa ulo, parang isang batang nahuling may iniisip na kalokohan. "I want to make love to you there, sweetie," magaspang na sagot nito.
Nanlaki ang mga mata ni Stefie at hindi napigilan ang matinding pamumula ng mukha. Sinasabi niya na nga ba na may hidden agenda rin ang lalaking ito. Naiinis niya itong hinampas sa balikat. "Magiging katulad ka rin ng dating boss ko," nagmukmok pa siya.
Malakas na napatawa si Bernard. "Wag mo akong ikompara sa walang kuwentang lalaking 'yon, sweetheart," anito. "Girlfriend kita. At saka ikaw lang naman ang babaeng nais kong maangkin sa lahat ng pribadong lugar na pinupuntahan ko."
Lumabi si Stefie. Lihim na lumolobo ang puso niya dahil sa katotohanang iyon. Gusto niyang siya na lang talaga ang babaeng aangkinin nito at wala na siyang pakialam kung saang lugar man iyon.
"Bahala ka na nga, kailangan ko pang magluto," natatawang wika niya.
Ngumisi si Bernard, may bahid na ng tagumpay ang dark brown na mga mata.
Humugot ng malalim na hininga si Stefie bago nagpasyang bumaba na ng kama at magsimulang maghanda ng hapunan. Nakatayo na siya nang marinig ang muling pagsasalita ng nobyo.
"Birthday ng mama ko ngayong darating na Sabado," wika nito.
Lumingon siya sa lalaki at nakita ang pag-iwas nito ng tingin.
"May celebration sa bahay namin sa Bulacan. It's a formal party," pagpapatuloy ni Bernard. Bumuntong-hininga muna ito bago muling tumingin sa kanya. "Puwede ka bang pumunta? Gusto kong makilala mo ang pamilya ko."
Nagulat si Stefie sa sinabi nito. Hindi niya iyon inaasahan.
"Hindi ko naman sasabihin na girlfriend kita," dugtong pa ni Bernard, may pagmamakaawa nang bumahid sa mga mata nito. "Gusto ko lang na makita mo sila. Siguro ay nakabalik na rin si Martin ng araw na iyon. Imbitado rin ang ilan sa mga kaibigan ko at baka nandoon din si... si Kenneth."
Bumuntong-hininga si Stefie. May parte ng puso niya ang nais na maipakilala na lang siya ng lalaki bilang nobya sa pamilya nito subalit ayaw niya namang pilitin ito. "Marami namang tao doon kaya maiiwasan ko rin si Kenneth," wika na lang niya.
Nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi ng nobyo dahil sa pagpayag niya. Mabilis itong bumaba sa kama at hinanggit siya para yakapin ng mahigpit.
Napatawa si Stefie at itinaas ang mga kamay para gantihan ang yakap ng lalaki. Masaya siya dahil sa kasiyahang nakikita dito at dahil nais ng nobyo na makilala niya ang pamilya nito. Sana lang ay maging maayos ang gabing iyon para sa kanila.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...