STEFIE took another shot with her camera once more and saw Bernard frowning at her. Mahina siyang tumawa sa nakikitang pagkainis ng nobyo habang ipinapatong ang mga grocery bags na dala sa marble table ng bahay na inuupahan. Kanina ay sinamahan siya nitong mamili ng groceries na gagamitin niya para sa isang buong linggo.
Lumakad palapit sa kanya ang lalaki. "Hindi mo pa ba titigilan iyang pagkuha ng larawan?" naiinis na tanong nito.
Lumakad siya palapit dito at niyakap ito sa baywang. "Huwag kang mag-alala, guwapo ka naman sa lahat ng shots," pang-aasar niya pa. Araw ng Linggo kaya wala silang pasok sa trabaho at buong araw yata ay kinuhanan niya na ng kinuhanan si Bernard ng larawan. Plano niya lang naman talagang kumuha ng ilan, kasama na ang larawan nang natutulog ito at kumakain. Pero nag-enjoy na siya sa nakikitang iritasyon sa mukha ng nobyo tuwing makikita ang flash ng camera. Doon niya napatunayan na camera shy talaga ang lalaki.
Ipinikit ni Bernard ang mga mata. "Kahit na," pilit pa rin nito. "Sinabi ko nang tigilan mo na 'yan," iminulat nito ang mga mata at tiningnan siya, nagmamakaawa.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa. Pero mukhang napansin iyon ng lalaki.
Naiinis itong napailing.
"Bakit ba kasi ayaw mong magpakuha ng larawan? Bagay pa ngang pang-modelo ang mukha at katawan mo," ngumuso pa siya.
"Mas gusto kong maging businessman, sweetie," sagot pa nito. "Gusto mo bang pinagkakaguluhan ng ibang babae ang katawan ko?" nangingiting tanong nito.
Tiningnan niya ito ng masama. "Pinagkaguluhan na 'yan," tugon naman niya. "At siguradong pinagkakaguluhan pa rin kahit sa opisina mo."
Tumitig sa kanya si Bernard. "Pero sayong-sayo na ako ngayon," bulong nito, may kaseryosohan na sa tono.
Ngumiti si Stefie. Gustong-gusto niya tuwing sinasabi nito iyon. Bumuntong-hininga siya para kalmahin ang mabilis na tibok ng puso. "Oh, kailangan ko pa nga palang makipagkita kay Janice," naalala niya. Pupunta siya ngayong araw sa apartment ni Janice dahil kababalik lang nito galing sa Pangasinan. Tumawag siya dito kanina nang nasa biyahe ito at sinabing pupunta siya pagkatapos mag-grocery. Pasado alas-sais na ng gabi ng mga oras na iyon. Hindi naman iyon ganoon kalayo dito kaya makakapunta pa siya.
"Kaya tigilan mo na ang pagkuha ng picture at mag-ayos ka na," sabi pa ni Bernard. "Ako na ang bahalang mag-ayos ng mga pinamili mo."
Kumislap ang mga mata niya. "Salamat," bulong niya at niyakap ito ng mahigpit. "Pero gusto ko pang kumuha ng pictures," lumabi siya. "Let's take a picture together," suhestiyon pa ni Stefie.
Tumingin sa kanya si Bernard, may kumislap ng interes sa mga mata. "Talaga?" nakangiti na ito. "Paano?"
Kinindatan niya ito. "Kukunin ko lang ang tripod," sagot niya. "Umupo ka na doon sa couch. Babalik ako," iyon lang at tumakbo na siya patungo sa bedroom para kunin ang tripod na kasama sa mga dinala niyang gamit noong maghakot siya sa Las Piñas kasama si Kuya Martin.
Hindi naman nagtagal ay muli na siyang lumabas ng kuwarto at puno ng pagkasabik na nagtungo sa living area kung saan nakaupo na sa couch si Bernard. Inayos niya ang tripod sa harap ng couch at nag-set ng timer. "Four shots ito with five seconds interval," imporma niya sa nobyo.
Tumango lang si Bernard.
Mabilis na tumakbo si Stefie sa tabi ng nobyo nang mapindot ang camera. Umupo siya sa tabi nito at inihilig ang ulo sa balikat ng lalaki. Naramdaman niya naman ang pag-akbay ng kamay nito sa balikat niya. Ngumiti siya at nakita ang pag-flash ng camera.
Pagkatapos ay naramdaman ni Stefie ang mga labi ni Bernard sa buhok. Another flash. Tumingala siya dito at kinintalan ng halik ang pisngi nito. Flash. Hinihiling niya na nakuha iyon ng camera.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...