Chapter 41.2

4.6K 106 4
                                    

MAINGAT na bumangon si Stefie sa pagkakahiga sa couch ng living area ng bahay niya nang marinig ang pagtunog ng doorbell sa labas. Ipinatong niya ang hawak na cell phone sa mesita. Plano niya sanang tawagan si Bernard pero maya-maya na lang.

Sabado ng araw na iyon pero may kailangan daw asikasuhin ang nobyo sa opisina. Hindi naman siya nakasama dahil biglang sumama ang pakiramdam niya kaninang umaga. Ngayon nga ay pinilit niya lang na tumayo at lumakad patungo sa pinto kahit na medyo sumasakit ang ulo.

Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw kaya nagtataka pa niyang binuksan ang pinto. Nagulat pa si Stefie nang makita si Kuya Martin na nasa labas ng gate subalit mas ikinagulat niya nang makilala kung sino ang kasama nito. It was Ren. Bakit kasama ng kapatid ang babaeng iyon?

Humugot siya ng malalim na hininga bago lumakad patungo sa gate para pagbuksan ang mga ito. Hinayaan niya na lang ang mga itong sumunod hanggang sa loob ng bahay.

Napahawak si Stefie sa ulo, mukhang mas lalong sumama ang pakiramdam niya dahil sa kaunting sandaling paglabas sa kainitan ng araw. "M-May kailangan ba kayo?" nanghihinang tanong niya. "G-Gusto niyo ba muna ng maiinom, magtitimpla lang ako—"

"Ako na ang bahala diyan, Stefie," putol sa kanya ng kapatid. "Nagpasama sa akin si Ren dito dahil gusto ka raw niyang makausap ng personal. I'll give you some privacy first," pagkasabi niyon ay tumuloy na ito sa kusina.

Inanyayahan niyang maupo sa couch si Ren. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila bago niya narinig ang pagsisimula ng babae.

"Matagal na kitang gustong makausap simula noong huli tayong makita sa unit ni Bernard. Hindi ko alam kung paano ka makikita kaya lumapit na ako sa kapatid mong si Martin. It's a good thing na alam ni Alice ang number niya," tukoy nito sa kapatid ni Bernard.

Ibinaba ni Stefie ang tingin sa mga palad. Ilang linggo na ang lumipas simula nang maganap ang nangyari sa unit ni Bernard.

"Hindi mo ba ako gusto, Stefie?" tanong ni Ren. "Pinagseselosan mo ba ako dahil sa pagiging malapit ko kay Bernard?"

Sinulyapan niya ang babae. "H-He loves me," sambit niya. Hindi niya alam kung bakit sinabi iyon, siguro ay gusto niya lang ipaalam sa babae ang nararamdaman sa kanya ni Bernard.

Napangiti si Ren. "Alam ko 'yon," sagot nito. "You two look so cute when in love," kitang-kita ang kislap sa mga mata ng babae. "I'm happy that someone like you has tamed my best friend. Kitang-kita at damang-dama ko ang pagmamahal niya para sa'yo... simula pa noon."

Tiningnan niya ang babae. "H-Hindi mo ba siya gusto?" nag-aalangang tanong niya pa.

Napatawa na si Ren. "Akala mo ba talaga ay gusto ko si Bernard ng higit pa sa kaibigan?" namamanghang tanong nito. "Hinding-hindi mangyayari 'yon, Stefie. Close lang talaga kami at para ko na siyang nakatatandang kapatid. At iba ang gusto ko kaya huwag kang mag-alala. Sayong-sayo lang si Bernard."

Nakahinga naman ng maluwag si Stefie sa sinabi ng babae. Napasulyap siya sa parteng kusina nang maalala ang kapatid. "S-Sinabi mo ba kay Kuya Martin ang d-dahilan ng pagpunta mo dito?" may bumahid ng pagkabalisa sa tinig niya.

Kumunot ang noo ni Ren. "Hindi niya ba alam ang tungkol sa inyo ni Bernard?" nagtatakang tanong ng babae.

Napayuko siya. "H-Hindi ko pa nasasabi sa kanya," pag-amin niya. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman na naman ng pagkahilo.

"Oh," ani Ren. "It's a good thing na wala akong nabanggit patungkol doon. Sinabi ko lang na gusto kitang makau— Stefie, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

Iminulat ni Stefie ang mga mata bago ibinalik ang tingin sa babae. "Y-Yeah, m-medyo masama kasi ang pakiramdam ko kanina," ngumiti siya. "Oh, pupuntahan ko na muna si Kuya para tulungan siya sa inihahanda niyang inumin. Thanks for clearing everything, Ren. Sana ay maging kaibigan din kita."

"That will be great," masayang sagot ni Ren.

Tumango siya at tumayo na para tumungo sa kusina at harapin naman ang kapatid.

Napalingon sa kanya si Kuya Martin na abala pa rin sa inihahandang kape. "Tapos na ba kayong mag-usap?" tanong nito.

"Yeah," tumango siya. "Ako na'ng bahala—" mabilis na napahawak si Stefie sa gilid ng kitchen table nang biglang umikot ang paligid niya.

"Stefie, ayos ka la—"

Hindi na tuluyang narinig ni Stefie ang sinabi ng kapatid nang bigla na lang nandilim ang paningin niya at tuluyang nawalan ng balanse ang katawan. Naramdaman niya na lang ang pagsalo ng kapatid sa katawan bago naglaho ang lahat ng kanyang kamalayan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon