Chapter 6.1

5K 101 1
                                    

TININGNAN ni Stefie ang cup ng hot chocolate na ipinatong ng kaibigan niyang si Janice sa mesang kinaroroonan sa loob ng isang kilalang coffee shop. Si Janice Perez ay isa sa mga matalik niyang kaibigan simula pa ng high school sila, ito ang malimit niyang napapagsabihan ng iba't ibang pangyayari sa buhay.

Tinawagan niya ang kaibigan kanina dahil nais niya nga ng makakausap subalit hindi naman alam ni Stefie kung magagawa niya bang i-kuwento kay Janice ang tungkol sa kanila ni Bernard. Alam niyang hindi kaila sa kaibigan ang pagkamuhi niya sa lalaki noon kaya hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.

"So, ano namang problema ngayon?" tanong ni Janice habang marahang iniinom ang sariling hot chocolate. "Bakit parang pinagsakluban ka diyan ng langit at lupa?"

Inabot ni Stefie ang cup ng hot chocolate at humugot ng malalim na hininga. "Wala naman," mahinang tugon niya. Hindi niya magagawa iyon. Kahit na matagal niya ng kaibigan si Janice ay hindi niya pa rin masasabi dito ang tungkol sa nangyari ng nagdaang gabi. "Masyadong marami lang akong iniisip."

"At ano naman ang mga iyon?" pang-uusisa pa ng kaibigan.

Humigop si Stefie ng hot chocolate habang nag-iisip. May ilang katanungan siya para malinawan. Sinulyapan niya ang kaibigang naghihintay lamang ng sagot.

Muling bumuntong-hininga si Stefie bago nagawang magsalita. "May gusto lang akong itanong," tumikhim siya. "Ma-Maiiwasan... bang mabuntis kahit tapos nang makipag—" Napailing siya. Ano bang mga sinasabi niya?

Oo, isa nga sa kinatatakutan ni Stefie ay ang magbunga ang nangyari sa kanila ni Bernard. Hindi pa siya handa. Hindi niya gustong maging dahilan iyon para sapilitan siyang mapatali sa isang lalaki.

Nagdududang tumingin sa kanya si Janice. "Nakikipag-sex ka na ba?" walang kaabog-abog na tanong nito.

Pinamulahan ng mukha si Stefie, hindi magawang tumingin sa kaibigan.

"Hindi siya gumamit ng condom?" patuloy na pagtatanong ni Janice.

Nahihiyang tumango si Stefie. That was one of her foolishness, too. Bakit ba hindi pumasok sa isipan niya ang paggamit ng bagay na iyon? Masyado siyang nagpalunod sa emosyon at sensasyon kaya hindi niya na naisip ang mga importanteng bagay. She was really stupid!

"Did he..." sandaling huminto si Janice at sumulyap sa paligid. Bahagya itong lumapit sa kanya para bumulong. "Inside you?"

Kahit hindi malinaw ang tanong ng kaibigan ay naintindihan naman iyon ni Stefie. Nahihiya siyang tumango bilang sagot sa tanong na iyon. She could still remember the feel of Bernard's hot seed as he released it inside her last night.

Napasandal si Janice sa sandalan ng upuan at naiiling na napabuntong-hininga. "Bakit ba hindi kayo nag-iingat ni Kenneth?" tanong pa nito.

"Hindi 'yon si Kenneth," hindi niya napigilang wika. Nagdadala ng matinding sakit at galit ang pagka-alala sa kanyang walang kuwentang nobyo. Pero pinipilit niyang alisin iyon dahil alam niyang may nagawa na rin siyang kasalanan dito. Ang ginawa nila ni Bernard ay isa na ring pagtataksil. Pareho na sila ngayon. Kaya mas mabuti na nga ang tapusin na ang relasyon nila once na makaharap niya uli si Kenneth. Para hindi na siya tuluyang masaktan at hindi na sila patuloy na maglokohan.

Nang tingnan ni Stefie ang kaibigang si Janice ay puno na ng matinding pagkagulat ang mukha nito.

"Hindi si Kenneth?" Hindi makapaniwalang ulit ng kaibigan. "May karelasyon ka pang iba? Nababaliw ka na ba, Stefie?! Anong pumasok sa utak mo—"

"Pinagtaksilan n'ya ako," putol niya sa pagpapagalit ng kaibigan. Hindi na naman napigilan ni Stefie ang mapaluha sa pagka-alala sa nakitang pagtataksil ni Kenneth kasama ang mismong nobya ng Kuya Martin niya. "Pinagtaksilan ako ni Kenneth."

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon