Chapter 30.2

4.3K 92 4
                                    

MASAYA si Stefie dahil mukhang nagustuhan ng mga bisita niya ang mga putaheng niluto para sa pananghalian ng araw na iyon. Kaarawan niya at inimbitahan ang mga malalapit na kaibigan para sa isang lunch gathering, kasama rin doon ang pamilya ng Tita Mara niya at maging si Kuya Martin. Nagpapasalamat siya dahil hindi kasama ng kapatid si Andreah at si Kenneth. At least, magkakaroon naman siya ng mapayapang selebrasyon.

Nasanay siya na nagse-celebrate ng mahahalagang okasyon ng buhay kasama ang dating nobyo na si Kenneth subalit iba na ngayon.

Masaya siyang nakikipag-kuwentuhan sa mga kaibigan sa kompanyang pinagta-trabahuhan nang matanaw ang nobyong si Bernard na pumasok sa loob ng kusina. Kanina pa dumating dito ang lalaki kasabay ng kapatid at ng ilan pa sa mga kaibigan ng mga ito. Subalit simula pa rin kanina ay hindi niya magawang lapitan ito dahil sa mga bisita.

Sandali siyang nagpaalam sa mga kaibigan para pasimpleng tumungo sa kusina. Laking pasasalamat niya dahil walang ibang tao doon kundi si Bernard na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Humakbang siya palapit dito at napangiti nang lumingon ang lalaki sa kanya. Ipinatong nito ang hawak na baso sa kitchen counter. "Happy birthday," bulong nito at inabot ang isa niyang kamay.

Sobrang lakas na ng kabog ng puso ni Stefie sa loob ng dibdib. Pilit man niya iyong patigilin ay hindi magawa. Humakbang siya palapit sa lalaki at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you," bulong niya.

"Mamaya na ang regalo ko para sa sa'yo," anito nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. "Hindi ko gustong isabay sa iba."

Nangingiti na lang siyang napailing. "Hindi na naman kailangan 'yon," wika niya bago marahang inalis ang kamay sa pagkakahawak nito dahil baka may makakita na sa kanila. "Kumain ka na ba?"

"Yes, and it was very good," papuri pa nito. "Though, hindi ko pa natitikman ang dessert na ginawa mo."

Napatawa na si Stefie, hindi pa rin tumitigil ang mataas na lipad ng puso niya dahil sa kasiyahan. Masaya siya dahil nagustuhan ng lalaki ang lahat ng niluto. Lumakad siya patungo sa fridge at binuksan iyon. "Mabuti na lang at may natira pa," tukoy niya sa mga cupcakes na ginawa kanina bilang dessert.

Inilabas niya iyon at lumapit sa counter para kumuha ng platito. Pinili niya ang pinakamalaking cupcake at ibinigay iyon sa lalaki. "Here."

"Gusto mo bang mag-share tayo?" tanong pa ng nobyo.

"Hindi na. Nagda-diet ako ngayon."

Pinasadahan ng tingin ni Bernard ang buong katawan niya. His gaze set Stefie's body on fire. Damn, kailangan niyang kontrolin ang sarili. Marami pa siyang bisita sa labas.

"Bakit pa? You're still hot, sweetie," magaspang na wika ng lalaki.

Ini-iling na lang ni Stefie ang ulo at ngumiti. Akmang pabiro niya itong hahampasin sa braso nang marinig nila ang pagtawag sa pangalan niya. Ibinaba niya ang mga kamay nang makita ang pagpasok ng kaibigang si Janice sa loob ng kusina.

"Stefie," lumapit ito sa kanya at natigilan pa nang makita kung sino ang kasama niya. "Oh, nandito ka pala, Mr. Buenaventura," sumulyap sa kanya si Janice. "Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap sa labas."

"Uminom lang ako ng tubig," pagsisinungaling niya bago palihim na sinulyapan si Bernard na abala na sa pagkain ng cupcake nito.

Ibinaling ni Janice ang pansin kay Bernard. "A-Ako nga pala si Janice, kaibigan ako nitong si Stefie," pagpapakilala nito sa lalaki sa tila nahihiya pang tinig.

Ngumiti si Bernard at tumango. "Naalala kita, kasama ka rin sa dinner noon sa bahay nila sa Las Piñas."

Nakita ni Stefie ang pagkislap ng mga mata ng kaibigan. Hindi rin nito inaalis ang tingin sa mukha ni Bernard. Halatang nahumaling si Janice sa pagngiti ni Bernard. Nakaramdam siya ng pagkainis dahil sa bagay na iyon. Bakit ba napakabilis ngumiti ng lalaking ito sa ibang mga babae samantalang napakasungit nito sa kanya noong babago silang magkakilala?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon