Chapter 28

4.3K 109 6
                                    

NAPATIGIL si Stefie sa paglabas ng kuwarto niya sa loob ng bahay nila sa Las Piñas nang makita ang pagsalubong ng dating nobyo na si Kenneth. Naiinis siyang napabuntong-hininga.

Pagkatapos niyang makipag-usap kay Andreah kanina sa kusina ay nagpasya siyang magpahinga ng ilang sandali. Pakiramdam niya kasi ay napagod siyang bigla. Akala niya ay nakapagpahinga na siya pero bakit kailangang makaharap niya naman ang lalaking ito?

"Stefie..." mahinang sambit ni Kenneth sa pangalan niya, may mahihimigang kalungkutan sa boses nito.

"Ano na namang gusto mong sabihin, Kenneth?" tanong niya nang hindi sinasalubong ang tingin ng lalaki. "Hindi mo pa ba naintindihan ang pinag-usapan natin noon?" Matagal na simula nang huli silang makapag-usap ng dating nobyo. Akala niya ay hindi na muli siya nito lalapitan pero mukhang nagpalamig lang ito ng ilang buwan. Subalit hindi tulad noon na nasasaktan pa siya, tila wala na siyang nararamdamang kahit na ano sa lalaki.

"G-Gusto ko lang kumustahin ka," sagot nito. "It's been a long time and... and I miss you so much."

Gulat na napatingin si Stefie kay Kenneth. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Gusto niyang matawa subalit agad na pinigilan ang sarili.

Humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Inihakbang ni Stefie ang isang paa paatras. "S-Stop right there, Kenneth," mariing utos niya. Kung noon ay naaapektuhan pa siya ng magagandang salita na namutawi sa mga labi nito, hindi na ngayon. Balewala na ang lahat ng iyon.

Malungkot na nagyuko ng ulo ang dating nobyo. "G-Galit ka pa rin ba sa akin, Stefie? H-hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?" puno na ng paghihinagpis na mga tanong nito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung totoo ba ang mga emosyong ipinapakita ng lalaki o nagpapanggap lamang ito para muling makuha ang simpatya niya. Hindi na siya magpapalinlang.

Nag-aalangang nag-angat ng tingin sa kanya si Kenneth. His dark eyes were begging for an answer – eyes that were once precious to her.

Pinakatatagan ni Stefie ang sarili. She wouldn't waver on this man once more. No, not anymore. "Paano kita magagawang patawarin kung hindi mo naman inaamin ang pagkakamali mo sa akin, Kenneth?" sarkastikong tanong pa niya. "Aminin mo ang lahat ng ginawa mo sa likod ko. Lahat. At saka ko pag-iisipan kung karapat-dapat ko ngang ibigay ang kapatawarang hinihingi mo."

Muling nagyuko ng ulo si Kenneth. Dahil mukhang wala na naman itong sasabihin at mukhang wala itong balak na aminin at tanggapin ang mga pagkakamali nito kaya nagpasya na siyang tumalikod para bumalik sa sariling kuwarto.

Napatigil lang siya nang may maalala. "Oh," marahan siyang lumingon dito. "Isa pa nga pala sa mga kondisyon ko para mapatawad kita ay kapag nakita ko na ang paghihiwalay ni Andreah at ng kapatid ko. Hindi ko gustong manatili si Kuya Martin sa isang babaeng katulad niya."

Kitang-kita ni Stefie ang pagbahid ng matinding pagkagulat sa mukha ni Kenneth kahit na nakayuko ito. Right, oras na nga para magbigay siya ng pahiwatig na alam niya ang tungkol sa nangyari sa mga ito. Para makita ng mga ito ang kasalanang ginawa at magdusa katulad ng pagdurusa niya noon.

"Dapat naging maingat ka, Kenneth," pagpapatuloy niya. "Dapat naging maingat ka sa pagtapon ng lahat ng iyon. Sana itinapon mo doon sa walang nakakita," tinutukoy niya doon ang bracelet na ibinigay niya at maging ang relasyon nila noon.

Hindi niya na hinintay na makapagsalita pa ang lalaki at mabilis nang lumakad pabalik sa silid. Pagkasara ng pinto ay ilang sandali siyang sumandal doon. Itinapat ni Stefie ang isang kamay sa kaliwang dibdib. Hindi niya na mahal si Kenneth. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit tuwing nakakaharap ito. Hindi niya alam kung bakit ganoon kabilis na nawala sa puso ang lalaki. Pero masaya siya dahil ganoon ang nangyari.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon