BAHAGYANG tumingala si Stefie kay Bernard para makita ang mukha nito. Hindi pa rin natitigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. Ipinulupot niya ang mga kamay sa baywang nito para yakapin ito ng mahigpit.
Ibinaba ni Bernard ang tingin sa kanya, puno na ng matinding kaseryosohan ang mga mata. "You'll stay with me, right?" tanong pa ng lalaki.
"Hmm?"
Tinitigan ni Bernard ang kanyang mga mata. "If I asked you to stay with me like this always, would you do that?"
Hindi alam ni Stefie kung bakit biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso sa tanong na iyon ng lalaki. Ginantihan niya ang titig nito. Nanatili lamang silang nakatitig sa isa't isa sa loob ng mahabang sandali; their hearts seemed to beat as one. Bago sagutin ang tanong na iyon ay may nais muna siyang malaman, may nais din siyang itanong.
"D-Darating ba ang araw na hindi mo na ako gustong makasama? Because you don't want me anymore? Because you got tired of me?" tanong ni Stefie, bahagya pang nabasag ang boses.
"Hindi," mabilis na sagot ni Bernard, hindi inaalis ang pagkakatitig sa mga mata niya. "Never. Hinding-hindi mangyayari 'yon, Stefie."
Nagsimula nang mamasa ang mga mata niya. "Talaga?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya.
Itinaas ni Bernard ang isang kamay para masuyong haplusin ang pisngi niya. There was seriousness in his dark brown eyes and something more – something warm and something that made her heart flutter in her chest like it never did before. "Do you think I just want you, Stefie?" mahinang tanong ng lalaki. "Do you think I just lust for you?"
Tumango siya. Iyon ang iniisip niya noon pa. Kaya natatakot siya na kapag naglaho na ang lust na iyon ay matapos na rin ang ugnayan nilang dalawa ni Bernard.
"Nagkakamali ka, sweetie," bumuntong-hininga si Bernard. "You're so much more to me than you ever think. I didn't just want you, Stefie," umiling pa ito. "H-Hindi ko alam. Wala akong maisip na salita na maaaring magpaliwanag ng lahat ng nararamdaman ko para sa'yo simula pa noon."
Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Stefie. Nararamdaman niya ang tila pamamara sa lalamunan ng mga oras na iyon. Hinayaan niya lang itong magpatuloy.
"I had a lot of women around me in my wake," dugtong ni Bernard. "Sinubukan kong ituon sa kanila ang atensiyon ko subalit hindi ko magawa. I... I thought it was just a simple crush. But because I'm a fool, I kept on desiring for you kahit na karelasyon mo na si Kenneth," iniiwas nito ang tingin sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin ang tumingin na lang sa inyong dalawa noon habang masaya kayong magkasama. Umaakto na lang akong walang pakialam dahil hindi ko gustong mapagtawanan. I have my pride too as a man, you know?" mahina pa itong tumawa.
Natutop ni Stefie ang sariling bibig sa narinig. Damang-dama niya sa boses ng lalaki ang sakit na pinagdaanan nito, ang paghihirap. "B-Bakit kasi palagi mo na lang akong inaaway noon?" pagalit niya pa dito.
Mahinang tumawa si Bernard. "Siguro dahil nage-enjoy akong makitang galit ka," pagbibiro pa nito.
Naiinis niya itong itinulak palayo. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang inaasar ng lalaking ito. Iyon ang dahilan kaya hindi niya magawang malaman kung ano nga ba ang tunay na nararamdaman nito.
Naramdaman niya ang pagyakap muli sa kanya ng lalaki. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang buhok. "See? Galit ka na naman," tumatawa pa ring wika nito.
"Dahil palagi mo na lang akong inaasar," naiinis na sagot ni Stefie. "Samantalang kay Ren, ang bait-bait mo. I know that you had a big crush on her," pagseselos niyang muli.
"Ano?" naguguluhang tanong ni Bernard. "Sino namang may sabi sa'yo niyan?"
Lumabi siya. "Si Kuya."
"At naniwala ka sa kanya?" bahagya itong lumayo sa kanya. "Niloloko lang nila ako noon kay Ren pero hindi totoo 'yan. The truth is I had a big crush on you back then."
Natigilan si Stefie sa narinig subalit agad din namang nanlumo. "B-Back then?" malungkot na ulit niya.
"Yes," hinigpitan ni Bernard ang pagkakayakap sa baywang niya. "Because I'm in love with you now."
Muli na namang tumigil ang pag-inog ng mundo ni Stefie. Kahit na narinig na iyon kagabi ay napakalakas pa rin ng epekto ng mga salitang iyon sa kanyang puso.
Pinakatitigan niya si Bernard pero agad itong nag-iwas ng tingin, nahihiya. Oh, he looked so cute when he was shy.
"I'm sorry," bulong ng nobyo. "Hindi ko naman intensiyong magtapat sa'yo ngayon, h-hindi ko lang mapigilan ang sarili ko," pinilit nitong salubungin ang tingin niya. "I love you for a very long time, Stefie," puno ng sinseridad na pag-amin ng lalaki. "H-Hindi ko lang nagawang lumapit agad sa'yo noon dahil natata—"
Pinutol niya ang sinasabi ni Bernard sa pamamagitan ng isang halik. Those special three words from him were enough. It was enough to make her heart jump in her chest with pure happiness and joy. It was enough to sum up everything.
Mainit na tinugon ni Bernard ang halik niya.
Napaungol si Stefie nang ilayo ni Bernard ang mga labi sa kanya. "Gusto ko pa ring marinig ang sagot sa tanong ko, Stefie," anas nito. "You'll stay with me, right? Sapat na sa akin ang makapiling ka."
Niyakap niya ng buong higpit ang lalaki. Umaapaw na sa matinding kaligayahan at pagmamahal ang puso niya ng mga oras na iyon. "Oo," buong pusong tugon niya. "Of course, I will stay with you... always." Mahal niya ito at nakahanda siyang manatili sa tabi nito habang-buhay.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...