Chapter 3.1

4.5K 101 5
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Stefie habang nakatitig sa sariling repleksiyon sa salamin na nasa harap. Naroroon siya sa ladies room ng kompanyang pinagta-trabahuhan at tinitingnan ang suot na uniporme. Sa ilalim kasi niyon ay suot-suot niya na ang biniling lingerie para sa kaarawan ng nobyong si Kenneth ngayon. Napag-desisyunan niya nang isuko ang lahat-lahat dito. Gusto niya itong maging masaya sa espesyal na araw na ito.

Subalit kahit anong gawing pagpipigil ni Stefie ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng matinding kaba sa plano para mamaya. Ipinikit niya ang mga mata at pilit pinapakalma ang nagwawalang kalooban.

Pagkalabas ng ladies room ay dumeretso na siya sa sariling desk para mag-ayos ng mga gamit. Sumulyap muna siya sa wristwatch at nakitang malapit ng mag-alas-sais ng gabi. Kanina niya pa napadalhan ng mensahe si Kenneth para sabihing malapit na siyang umuwi. Sinabi naman nito na papunta na rin ito sa bahay nila sa Las Piñas. At sa bawat minutong lumilipas ay lalong nadadagdagan ang kabang nararamdaman ni Stefie.

Habang nasa biyahe patungo sa bahay nila ay hindi mapigilan ni Stefie ang mag-isip ng kung anu-ano tungkol sa posibleng mangyari ngayong gabi. Wala siyang kaalam-alam sa mga bagay patungkol sa sex or love making maliban sa mga naririnig sa ilang kaibigan, katrabaho at kakilala at sa mga nababasang libro. Hindi niya alam kung magagawa niya nga bang pasayahin si Kenneth ngayong gabi. Hindi niya gustong mapahiya.

Dahil sa sobrang traffic ay alas-siete na siya nakarating sa kanila. Agad na nagrambulan ang tibok ng puso ni Stefie nang makita ang nakaparadang sasakyan ni Kenneth sa tapat ng gate. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagdesisyong pumasok na sa loob ng bahay at hanapin ang nobyo.

Kumunot pa ang noo ni Stefie nang hindi makita si Kenneth sa living area. Bumuntong-hininga siya bago sinimulang hanapin ang nobyo sa ibang parte ng bahay. Umalis kaya ito kasama ang Kuya Martin niya?

Umiling siya. Hindi. Imposibleng iwanan ng mga ito na nakabukas ang bahay.

Nagkibit-balikat na lamang si Stefie at naisipang umakyat sa taas para tumungo sa sariling kuwarto upang magpalit ng damit at ayusin ang sarili. Napatigil siya sa paghakbang nang makarinig ng pag-ungol na nagmumula sa sariling silid.

Napatingin si Stefie sa pinto ng kuwarto na bahagyang naka-awang. Hindi niya maintindihan kung bakit tila inuutusan siya ng isipan na lumayo na sa lugar na iyon. Subalit hindi siya sumunod. Inabot niya ang seradura at bahagya pang binuksan ang pinto para silipin kung saan nanggagaling ang mga pag-ungol na naririnig.

Ganoon na lamang ang pagbalot ng matinding sakit sa buong pagkatao ni Stefie nang makita ang isang hindi kapani-paniwalang tagpo sa ibabaw ng mismong kama niya. Pakiramdam niya ay may tumarak na patalim sa puso at pilit pa iyong idinidiin hanggang sa kaibuturan.

Her whole body shook with anger at the sight of Kenneth and her brother’s girlfriend, Andreah, having sex on her bed. Hindi na nagawang tanggalin ng mga ito ang lahat ng kasuotan. Bahagya lamang na nakababa ang pantalon ni Kenneth habang nakataas ang suot na skirt ni Andreah.

Both of them kept on moaning in pleasure without realizing her presence there. Mabilis na natutop ni Stefie ang sariling bibig upang pigilan ang pag-alpas ng hikbi mula doon. Kahit parang nanlalambot na ang mga tuhod ay pinilit niyang ilayo ang sarili at sumandal sa dingding na malapit sa pinto.

Awtomatikong bumagsak ang mga luha sa pisngi ni Stefie. Gusto niyang humagulhol ng malakas subalit hindi magawa. Hindi niya gustong malaman ng mga hayop na iyon na nakita niya ang kababuyang ginagawa ng mga ito. Hindi niya gustong mapahiya. Hindi niya gustong mapagtawanan. Mga walang-hiya!

Mariing ikinuyom ni Stefie ang mga kamay at pinilit na ihakbang ang mga paa palayo sa lugar na iyon. Nangangatal pa rin ang kanyang buong katawan. Napatigil siya sa hagdan nang makaramdam ng pagkahilo. Umikot ang kanyang buong paligid at nanlabo ang paningin.
Hindi… Hindi siya puwedeng mawalan ng malay ngayon. Kailangan niyang magpakatatag. Humihikbi siyang nagpatuloy sa pagbaba. Her heart was screaming too much pain and she couldn’t bear it anymore. Gusto niyang magwala. Gusto niyang bumalik sa itaas at komprontahin ang mga hayop na iyon. Gusto niyang saktan ang mga ito at pahirapan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon