AGAD na napangiti si Stefie nang masilayan ang guwapong mukha ni Bernard pagkabukas nito ng pinto ng condominium unit. Ngumisi ang nobyo at ini-lock ang pinto pagkapasok niya.
Pagkasarang-pagkasara nito ng pinto ay agad siya nitong hinila at isinandal sa dingding bago mariing siniil ng mga labi ang mga labi niya. Mainit namang tinugon ni Stefie ang halik ng nobyo, ang mga kamay ay kusa nang pumasok sa loob ng white shirt na suot nito at pinaglandas ang mga iyon sa katawan nito.
Maya-maya ay bahagyang lumayo si Bernard para pakatitigan siya. Pareho na silang naghahabol ng hininga. "Ilang beses kitang tinawagan kanina noong makita ko ang missed call mo," magaspang na sabi nito. "Bakit hindi mo sinagot?"
Kanina nga ay ilang beses na nag-ring ang cell phone niya pero dahil nasa biyahe siya papunta dito ay minabuti niya nang huwag sagutin. "Gusto kong sorpresahin ka," tugon niya at dinampian ng mabilis na halik ang baba ng lalaki.
Malawak itong napangiti. "Napatagal yata ang pag-uusap niyo noong kaibigan mo," napaisip ito. "Ano ngang pangalan niya?"
"Janice," naiiling niyang sagot. "Nakalagay sa text ko kanina, hindi ba?"
Nagkibit-balikat si Bernard. "Nakalimutan ko na."
Ngumiti naman si Stefie. Mas maayos na iyon. Mabuti kung hindi nito mapapag-ukulan ng pansin si Janice para matigil na rin ang kaibigan sa pagpapantasya kay Bernard. Bahagya siyang lumayo dito at naglakad patungo sa kitchen area para tingnan kung ano ang kinain nito para sa hapunan. "Instant foods na naman ang kinain mo?" naiiling na puna niya.
Naramdaman niya ang paglapit ng nobyo sa likuran. Ipinulupot nito ang matitipunong mga bisig sa kanyang baywang. Isinubsob nito ang mukha sa gilid ng leeg niya. "Wala ka dito para ipagluto ako," kunwa'y nagtatampong sagot nito.
Tumawa si Stefie. Isinandal niya pang lalo ang likod sa matipunong dibdib nito. "Ipagluluto kita bukas ng umaga," pangako niya. "Hindi ko naman inaasahan na bigla na lang magpapasama si Janice at makikipag-kuwentuhan sa bahay. Tapos sumunod pa si Kuya Martin."
Tumango-tango si Bernard. "Ayos lang 'yon," bulong nito at hinalikan ang leeg niya.
Pumihit siya paharap kay Bernard at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito. Mahabang sandali lamang silang nakatitig sa isa't isa.
Hindi alam ni Stefie kung ano ang sasabihin. Hindi niya gustong magpaalam agad dito dahil bukas pa naman ang alis nito at hindi naman ganoon katagal ang dalawang linggo. Babalik din ito kapag naayos na ang lahat ng kailangang ayusin. Hinihiling niya lang na mapapadali ang pagkaayos ng mga iyon. Nagsisimula na niyang ma-miss kaagad ang lalaki. Nababaliw na talaga siya.
"Gusto mo bang matulog ng maaga, sweetie?" may panunukso ang tinig nito.
Inilapit niya ang mukha sa mukha nito at kinagat ang pang-ibabang labi. Kitang-kita niya ang pagbaba ng tingin ni Bernard sa mga labi niya. May apoy na naman sa mga matang iyon. Mukhang may iniisip na naman ito, gusto niyang malaman kung ano iyon. "Bakit hindi, lover boy?" tugon niya na may ngiti.
Kumislap ang mga mata ng nobyo at walang sabi-sabing pinangko siya para dalhin patungo sa bedroom area. Marahan siya nitong inilapag sa ibabaw ng malambot na kama nito. Oh, she missed this bed. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makatulog sa lugar ng lalaki.
Agad na sumampa si Bernard sa kama at tumabi sa kanya. Pero may biglang nakakuha ng atensyon ni Stefie. Mabilis siyang napaupo sa kama habang hindi inaalis ang tingin sa isang luggage na hindi kalayuan. Biglaan ang paglukob ng hindi maipaliwanag na lungkot sa puso niya sa kaalamang handa na talaga ang pag-alis ng nobyo bukas. Alam niyang hindi naman ganoon katagal ang dalawang linggo kaya hindi niya maunawaan kung bakit tila nangungulila na agad siya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...