Chapter 26.2

4.2K 104 4
                                    

"SALAMAT, pare," wika ni Kenneth bago ito bumaba ng sasakyan niya. Naroroon na sila sa hotel na tinutukoy nito.

Mahigpit pa rin ang pagkakakuyom ng kamao ni Bernard sa manibela hanggang sa muli niyang paandarin ang sasakyan. Kaninang-kanina pa hindi nawawala ang inis sa puso niya. Inis para kay Kenneth, kay Stefie at maging sa sarili. Bakit ba kasi siya nagkakaganito dahil lamang sa isang babae? Bakit ba hinahayaan niyang patuloy lang na guluhin nito ang isipan niya?

Inihinto niya ang sasakyan nang makita ang pag-ilaw ng stop light sa harap. Ipinikit ni Bernard ang mga mata at dalawang beses na humugot ng malalim na hininga. Hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang bracelet na itinapon ni Kenneth. May posibilidad na makita iyon ni Stefie kinabukasan.

Iminulat niya ang mga mata. Hindi niya gustong masaktan ang babae kapag nakita iyon. Ilang sandali lang ay nakita niya na ang pagpalit ng berdeng ilaw sa traffic light.

Bernard gritted his teeth. Nag-desisyon siyang bumalik sa Las Piñas para hanapin ang bracelet na itinapon ni Kenneth. Kung hindi iyon nais itago ni Kenneth, siya ang gagawa. Kanya naman iyon talaga. Hindi naman malalaman ni Stefie na siya ang magtatago niyon. Imposibleng malaman nito...

Pero nagkamali si Bernard. Hindi niya inaasahan na darating ang oras na ito kung saan kailangan niyang ipagtapat kay Stefie ang patungkol sa nangyari sa bracelet na iyon. Akala niya ay hindi na iyon maaalala ng babae dahil napakatagal na niyon.

"Bakit hindi ka sumasagot?" tanong ni Stefie, may pagtatampo na sa tono nito.

Tinitigan ni Bernard ang nobya, puno ng kaseryosohan ang mga mata. "Sigurado ka bang gusto mong malaman?" tanong niya.

Ilang sandaling natigilan si Stefie pero ngumiti rin naman ito at tumango. "Sabihin mo sa akin," bulong nito.

Bumuntong-hininga muna si Bernard bago muling nagsalita. "I-Itinapon 'yon ni Kenneth," may pag-aalangan sa tinig niya. Hindi niya rin magawang salubungin ang mga mata nitong kinabahiran na ng pagkagulat. "N-Noong mismong gabing... ibinigay mo 'yan sa kanya."

"I-Itinapon... n-niya?" ulit ni Stefie, bahagya pang pumiyok.

Nang iangat niya ang tingin sa nobya ay kakikitaan na ng matinding galit ang magandang mukha nito. Inabot ni Bernard ang pisngi ni Stefie para marahang haplusin iyon.

"Huwag kang umiyak, sweetie," bulong niya. Hindi niya gustong makitang nasasaktan ito simula pa noon hanggang ngayon.

Marahas na umiling si Stefie. "H-Hindi ako iiyak," puno ng katatagang sagot nito. "He's a bastard. Hindi ko na aaksayahin ang mga luha ko sa katulad niya."

Ngumiti si Bernard at mariing hinagkan ang mga labi nito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Matagal niya nang nais matikman ang magagandang mga labi nito. Ngayon ay uubusin niya na ang lahat ng oras at lakas para magawa iyon.

Hindi naman nagtagal ay naramdaman niya na ang mainit na pagtugon ng halik ng nobya. He swirled his tongue inside her sweet mouth to taste her more. Narinig pa niya ang mahinang pag-ungol ni Stefie.

Malakas siyang napaungol nang maramdaman ang malambot na kamay nito na humahaplos sa kanyang pagkalalaki. Damn, this woman was so unpredictable. Palagi na lang siyang naso-sorpresa sa lahat ng mga ginagawa nito.

Bahagya niyang inilayo ang mga labi sa mga labi nito at ipinatong ang ulo sa headboard. He looked down and watched Stefie's hands stroking his already throbbing desire. Itinigil ng babae ang ginagawa at binitawan ang pagkalalaki niya. Napaungol si Bernard ng protesta bago muling ibinalik ang tingin sa nobya.

Ubod ng tamis ang ngiting ibinigay sa kanya ni Stefie, her eyes sparking like stars in the night sky. She was so, so beautiful. Hinding-hindi siya magsasawang pagmasdan ang mukha nito, lalong-lalo na kapag ngumingiti na ito sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon