Chapter 34.2

4.2K 104 4
                                    

NAPATIGIL si Stefie sa pagbabasa ng libro nang marinig ang pagtawag ni Bernard sa pangalan niya. Kanina ay pinadalhan niya ng mensahe ang lalaki at pinapunta ito dito sa bahay pagkatapos ng trabaho. Ipinatong niya sa bedside table ang libro at naupo sa kama.

Hinintay niyang makapasok sa loob ng kuwarto niya ang nobyo. Nakakunot ang noo nito habang kinakalas ang necktie na suot. "Anong mayroon sa kahon na iyon na nasa sala?" nagtatakang tanong ng lalaki. "Mga gamit mo ba 'yon sa opisina?"

Tumango si Stefie at sumandal sa headboard. Tinapik niya ang ibabaw ng kama. "Come here," utos niya sa nobyo. Kailangan niya ng yakap mula dito, ng comfort. Kanina niya pa gustong-gusto na makita ito at masabi ang lahat ng nangyari kanina.

Wala na namang pinalipas na sandali si Bernard at mabilis nang sumampa sa kama. Pagkatapos ay awtomatiko siyang hinila ng nobyo palapit sa katawan nito at niyakap ng mahigpit. Ginantihan ni Stefie ang yakap ng lalaki at naupo sa kandungan nito. Bigla ay nakaramdam siya ng comfort na para bang nawala ang lahat ng problemang dinadala niya.

"Anong nangyari, Stefie? Sabihin mo sa akin," mahinahong sabi ni Bernard habang hinahaplos ang likod niya.

Bumuntong-hininga si Stefie bago bahagyang kumalas sa pagkakayakap ng lalaki. "I resigned," pabulong na sagot niya.

Bumahid ang pagkagulat sa mukha ni Bernard dahil sa sinabi niya. "Bakit?" tanong nito.

"Because the boss there is an asshole," aniya, puno na ng poot ang tinig. Sinimulan niya nang ikuwento kay Bernard ang patungkol sa nangyari kanina at sa mga ginagawa rin ng Salvador na iyon sa ibang empleyado.

Napatingin siya kay Bernard nang maramdaman ang panginginig ng katawan nito. May matinding galit na sa mukha nito, mahigpit na rin ang pagkakakuyom ng mga kamao nito. "Sinaktan ka ba n'ya, Stefie?" marahas na tanong nito, may galit na rin ang tinig.

Umiling siya at itinaas ang isang kamay para haplusin ang pisngi ng nobyo. "Ayos lang ako, Bernard," mahinahong sabi niya. "Nakaalis naman ako nang hindi nagagawan ng masama."

Nag-igting ang mga bagang nito. "Papatayin ko siya," sumpa nito.

Ngumiti si Stefie at dinampian ng halik ang pisngi ng lalaki. "Hindi mo puwedeng gawin 'yon, lover boy," malambing na wika niya. "Hindi ko gustong sa kulungan na kita dadalawin balang-araw," tumawa pa siya.

Tiningnan siya ng nobyo, bahagya na namang nabawasan ang tensyon sa katawan nito. "Hahayaan na lang natin siyang ganoon?"

Napayuko si Stefie. Siyempre, hindi niya gustong hayaan na lang na ganoon ang pangyayari sa kompanyang pinagta-trabahuhan noon. Hindi niya gustong patuloy lang na manakot ng empleyado ang demonyong iyon. "Hindi naman natin siya maipapakulong nang walang ebidensya," malungkot na sagot niya. "Pero ipagdarasal ko na lang na sana ay makaligtas na sa walang-kuwentang boss na iyon ang mga empleyado ng kompanya niya," ibinalik niya ang tingin kay Bernard at ngumiti. "Gusto ko sana na bumagsak na ang business niyang iyon at makulong siya sa mga pagkakamali niya subalit ayoko namang makitang mawalan ng trabaho ang ilan sa mga kasamahan ko doon. Naging malapit na rin sila sa akin."

Itinaas ni Bernard ang mga kamay at ikinulong doon ang kanyang mukha. "Paano ka? Wala ka ng trabaho ngayon," malungkot na wika nito.

Muli niyang niyakap ng mahigpit ang lalaki. "Hindi na problema 'yon," masiglang sagot niya. "Makakahanap din ako ng trabaho kapag nag-apply ulit ako. Marami namang mga kompanya diyan ang nangangailangan din ng mga empleyado," isinubsob niya ang mukha sa leeg ni Bernard, nilalanghap ang lalaking-lalaking amoy nito. "Pero tinatamad pa akong mag-apply ngayon."

"Bakit naman?"

Bahagya niyang inilayo ang katawan sa katawan nito. "Sa tingin ko mas maayos kung magpahinga muna ako ng mga isang buwan," sagot niya. "May sapat na ipon pa naman ako. Matagal na rin simula nang huli akong mag-apply, kailangan ko ring ihanda ang sarili ko."

Tinitigan lamang siya ni Bernard ng ilang sandali bago niya nakita ang pag-ngisi nito. "Really?" nagdududa pang tanong ng nobyo.

Mahinang tumawa si Stefie. "Of course, gusto ko ring magkaroon ng mas maraming oras kasama ka," bulong niya. Bahagya siyang lumayo dito nang may maalala. "May naalala ako. Nalaman na ni Janice ang tungkol sa atin. Nakita niya raw tayo noon sa SM Ayala, noong nag-go-grocery tayo."

May bumahid na pagkagulat sa mga mata ni Bernard bago iyon napalitan ng kalungkutan. "I'm sorry, sweetheart," usal nito. "Dapat ay mas nag-ingat ako."

Tiningnan niya ng masama ang lalaki. "Hindi mo kasalanan 'yon," pagalit niya pa dito. "Ako ang namilit na sumama, hindi ba?"

Tinitigan siya ng nobyo. "Ayos lang ba sa'yo na malaman niya?"

Tumango si Stefie at nagkibit-balikat. "Kaibigan ko naman siya at naiintindihan niya naman daw ako. At saka mas ayos na rin 'yon para malaman niyang pag-aari na kita," pagbibiro niya.

Kumunot ang noo ni Bernard. "Bakit? Gusto niya ba ako?"

"Bakit? Kung gusto ka ba niya ay magugustuhan mo rin siya?" mataray na tanong pa niya. Ayaw man niyang makaramdam ng pagseselos ay hindi naman sumusunod ang kanyang puso.

Ngumisi lang ang nobyo, mas lalong pinag-iigting ang inis na nararamdaman niya.

"Fine, pumunta ka na sa kanya," naiinis siyang umalis sa kandungan nito at nagtangkang bumaba ng kama. Pero bago pa siya makababa ay nahawakan na ni Bernard ang isang braso niya at nahigit pabalik sa katawan nito.

Naiinis pa rin na nagpumiglas si Stefie hanggang sa maramdaman ang pagdiin ng lalaki sa kanya sa kama. "Bakit ang bilis naman 'atang mainis ng prinsesa ko ngayon?" natatawang tanong pa nito.

"Because I hate you," tugon niya.

Tumawa si Bernard. "Hindi ko siya magugustuhan, okay?" sagot nito sa tanong niya kanina. Ibinaba nito ang ulo para pugpugin ng halik ang buong mukha niya. Unti-unti namang naaalis noon ang inis na nararamdaman ni Stefie.

Nang lumapat ang mga labi ng lalaki sa mga labi niya ay wala ng nagawa si Stefie kundi tugunin ng mainit ang halik nito. Nagtungo na ang mga kamay niya sa long-sleeved polo nito at sinimulang buksan ang mga butones niyon.

"I've missed you," bulong ni Bernard. "I hate it when you're on your period, sweetie."

Napatawa na si Stefie sa winika ng nobyo. Well, she hated it too.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon