HINIHINGAL pa si Bernard nang makarating siya sa tapat ng hospital room na kinaroroonan ni Stefie. Nakatanggap siya ng mensahe kanina mula kay Ren na nagsasabing nawalan nga ng malay ang nobya at dinala dito. Kanina pa siyang nag-aalala kay Stefie kahit nasa opisina dahil nga masama ang pakiramdam nito, dapat ay nanatili na lang siya sa piling ng babae.
Napatigil siya nang makita sa labas ng hospital room na iyon si Martin at Ren na nakatingin na rin sa kanya. Hindi niya alam na nandito rin pala si Martin. Napayuko siya, hindi magawang salubungin ang mapanuring tingin ng kaibigan. Siguradong nagtataka ito dahil sa pagparito niya.
Sabay-sabay silang napatingin sa pinto ng kuwartong kinalalagakan ni Stefie nang bumukas iyon at lumabas ang sa tingin niya ay doktor at isang nurse na tumingin sa nobya.
"Kumusta na ang kapatid ko, Doc?" mabilis na tanong ni Martin.
Ngumiti ang doktor. "Wala naman kaming nakitang problema sa mga results ng test na ginawa sa kanya. Kailangan niya lang ng bed rest and more nutrients para hindi manghina ang resistensya niya. But they are both okay, wala kayong dapat na ipag-alala."
"Both?" nagtatakang tanong ni Martin.
Kumunot ang noo ng doktor. "Hindi n'yo alam? The patient is six weeks pregnant."
Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Bernard dahil sa matinding pagkagulat sa sinabi ng doktor, mabuti na lang at mabilis siyang napahawak sa dingding doon. Stefie's pregnant. Stefie's pregnant. Iyon lang ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya.
Narinig niya ang pagpapaalam ng doktor bago ito lumakad palayo. Nang i-angat niya ang tingin kina Martin at Ren ay mababanaag din ang pagkagulat sa mukha ng mga ito.
Tumingin sa kanya si Martin, may bumahid na galit sa mga mata ng kaibigan bago lumapit sa kanya at kinuwelyuhan siya. "It's you, right?" galit na tanong nito.
Iniiwas ni Bernard ang tingin sa lalaki. Nakita niya pa ang paglapit sa kanila ni Ren para pigilan si Martin. "L-Leave us, Ren," utos niya sa kaibigan.
Wala namang nagawa si Ren kundi ang sumunod sa kanya. Pumasok na ito sa kuwarto ni Stefie para maiwanan sila.
"P-Patawarin mo ako, pare," usal niya. Hindi niya gustong malaman ni Martin ang lahat sa ganitong paraan subalit wala na siyang magagawa.
"Akala mo ba hindi ko alam ang lahat, Bernard?" tanong pa ni Martin, puno ng kaseryosohan ang tinig. "Kapatid ko si Stefie, alam ko kung may itinatago siya sa akin. At alam ko rin na may itinatago ka sa akin. Lalaki ako at alam ko kung anong klase ng tingin ang ibinibigay mo sa kapatid ko tuwing makikita ko kayo. Nanahimik lang ako dahil hinihintay kong ipaliwanag n'yo sa akin ang lahat," mas lalo nitong hinigpitan ang pagkaka-kuwelyo sa kanya.
"I'm s-sorry, pare," napaubo na si Bernard. "G-Gusto ko namang sabihin sa'yo ang t-tungkol sa relasyon namin. P-Pero natatakot si Stefie na sabihin sa'yo. H-Hindi ko gustong—"
Napatigil siya nang maramdaman ang malakas na pagsuntok ni Martin sa sikmura niya. Binitawan siya nito at tuluyan na siyang napabagsak sa sahig, patuloy lang sa pag-ubo.
Hinawakan ni Martin ang balikat niya at sapilitang pinatayo. "Alam mo na kung anong kailangan mong gawin, Bernard," marahas na wika nito. "Take responsibility of my sister. Huwag na huwag mo siyang tatakasan dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin. I'll surely hunt you down and crush you into pieces, naiintindihan mo?"
Kahit na may sakit pa ring nararamdaman dahil sa malakas na suntok ni Martin ay nagawa pa rin niyang ngumiti. "Hinding-hindi ko siya tatakasan, Martin," puno ng paninindigang wika niya. "I love her more than anything. I love her more than my life," ibinaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ng kapatid ng babaeng pinakamamahal. "Alam ko... alam ko na biglaan ang lahat ng ito. Pero hindi ko na gustong maghintay pa. As Stefie's only guardian, let me... let me have her, please. Pangako, hindi ko siya pababayaan, aalagaan ko siya at mamahalin hanggang sa pinaka-huling hininga ng buhay ko."
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Martin. "She's my precious sister, Bernard," paalala nito. "Hindi ko gustong makitang nasasaktan siya at nahihirapan. Siguraduhin mong magiging masaya at ligtas siya."
Sunod-sunod ang naging pagtango ni Bernard, umaapaw sa matinding kaligayahan ang puso ng mga oras na iyon. Napakatagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. "I'll make sure of that," masayang tugon niya. Stefie was the only princess he ever wanted to serve all his life. But now it was time for him to take and serve her as his queen.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...