Chapter 11.2

4.8K 108 2
                                    

NAGISING si Stefie kinaumagahan at napaungol sa nararamdamang pananakit ng katawan. Gusto niya pa sanang bumalik sa pagtulog pero kailangang pumasok sa trabaho. Tumingin siya sa tabi at nakitang bakante na iyon. Pinilit niya ang sariling maupo at inabot ang damit ni Bernard kahapon na nasa gilid ng kama. Isinuot niya iyon at bumaba sa kama.

Hinanap niya si Bernard at agad na napangiti nang makita itong lumabas ng banyo. Nakasuot na lamang ito ng boxers. Lumakad si Stefie palapit sa lalaki at ipinulupot ang mga kamay sa baywang nito. "Good morning," malambing na bati niya.

Ngumisi si Bernard, kumikislap ang dark brown na mga mata. "Good morning, sweetie," magaspang na bati nito bago dinampian ng halik ang mga labi niya. "Six-thirty na ng umaga," bulong nito. Bahagya itong lumayo para tingnan siya. "Nagluto ako ng almusal natin."

"Talaga?" Na-touch si Stefie sa sinabi nito. Sumunod na lang siya dito hanggang sa igiya siya nito patungo sa dining area.

Napatigil si Stefie sa pag-upo nang makita ang nilutong umagahan ni Bernard. It was bacon and eggs with bread. Pero ang ikinagulat niya ay nang makitang sunog ang niluto nitong bacon at itlog. Tiningnan niya si Bernard na napakamot na lang ng ulo.

"Ikaw ang... nagluto nito?" hindi makapaniwalang tanong pa niya.

Bernard gave her a boyish grin. "Y-Yeah... p-pasensiya ka na kung hindi maayos ang pagkakaluto," tila nahihiyang sabi nito.

Muling tiningnan ni Stefie ang sunog na bacon and eggs. Ang tinapay lang ang maaaring kainin doon. Hindi niya na napigilan ang mapatawa sa kaalamang hindi marunong magluto ang lalaki. "Hindi ka marunong magluto?" tanong niya dito. Ibinaling niya ang pansin kay Bernard at nakita ang pag-iwas nito ng tingin. "Mahusay magluto si Kenneth," dugtong niya pa. Siyempre, may-ari si Kenneth ng isang restaurant. Lahat ng putaheng niluto nito noon ay tunay na napakasarap.

Sumulyap sa kanya si Bernard, may kalamigan na sa mga mata. "Hindi ako si Kenneth," marahas na sabi nito bago naiinis na napabuga ng hininga. Pabagsak itong naupo sa silyang naroroon na para bang batang nagmamaktol sa harap ng hapag-kainan.

Kinagat ni Stefie ang pang-ibabang labi. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon. Lumakad siya palapit kay Bernard at umupo sa kandungan nito pero hindi pa rin siya tinitingnan ng lalaki.

"Huwag mo ng kainin kung ayaw mo," ani pa nito sa naiinis na tono.

Napanguso siya. "Hindi ko naman talaga makakain 'yan," sabi niya pa. "Sunog na sunog, oh."

Tiningnan siya ng masama ni Bernard.

Nginitian niya ang lalaki at hinalikan ang pisngi nito. "Pero na-appreciate ko naman ito, lover boy," malambing na wika niya. Bahagya namang nabawasan ang pagkakakunot ng noo ni Bernard. Muli niyang tiningnan ang mga inihanda nito at hindi na naman napigilan ang mapatawa. "Ngayon alam ko na ang rason kung bakit palagi kang nagpapa-deliver ng pagkain," patuloy na panunukso niya.

Bumuntong-hininga si Bernard at walang paalam na kinagat ang balikat niya. Napatawa si Stefie. Masaya siya na hindi nagtatagal ang pagtatampo ng lalaki.

Itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang buhok nito. "So nabubuhay ka na lang talaga sa mga restaurant foods?" tanong niya dito.

"Yeah, madalas," sagot ni Bernard. "Minsan pinagtitiisan ko na rin ang mga luto ko sa umaga," ngumiti ito at umiling. "Kapag gusto ko talagang makatikim ng lutong-bahay, umuuwi ako sa amin sa Bulacan. Napakahusay magluto ni Mama. Hindi ko alam kung bakit hindi ko namana 'yon."

Inihilig ni Stefie ang ulo sa balikat ni Bernard. Minsan lang niya nakita ang mga magulang ni Bernard at ang nakababata nitong kapatid na babae. Nakilala niya lang ang mga ito noong minsang isama siya ni Kuya Martin sa okasyon sa bahay ng mga Buenaventura. Nasa high school pa lang 'ata siya noon, hindi niya na maalala ng ayos.

Muli niyang sinulyapan ang niluto ni Bernard na nasa mesa. "Gusto mo bang ipagluto kita?" mahinang tanong niya.

Naramdaman niya ang pagpulupot ng mga braso ni Bernard sa katawan niya. "I would love that," bulong nito bago hinalikan ang ulo niya.

Ngumiti si Stefie at tumayo mula sa pagkakaupo sa lalaki. "Kailangan ko ng magluto kung ganoon." Lumakad siya patungo sa refrigerator para kumuha ng panibagong bacon at itlog.

Ilang sandali lang ay nasa harap na siya ng stove at sinisimulan ang pagluluto ng kanilang agahan. Napabuntong-hininga siya nang maramdaman ang pagyakap ni Bernard sa baywang niya mula sa likod.

Isinubsob ng lalaki ang mukha nito sa buhok niya.

"Bernard," bahagya niyang inilayo ang ulo dito. "Hindi pa ako nakakaligo," natatawang dugtong niya.

Tumawa si Bernard. "Wala akong pakialam do'n, sweetie," ibinaba naman nito ang mukha para isubsob sa gilid ng leeg niya. He inhaled her scent. "My girlfriend smells so good."

Labis na natigilan si Stefie sa sinabi ni Bernard. Girlfriend? Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaisipang iyon. Pumihit siya paharap sa lalaki, puno ng pagkagulat ang mukha. "A-Anong sinabi mo?" hindi niya napigilang itanong.

Pinakatitigan ni Bernard ang mga mata niya. "Girlfriend na kita ngayon, 'di ba? Hindi ko ba puwedeng sabihin 'yon?" may nahihimigang kalungkutan sa tono nito.

Oo, nobya na nga siya ni Bernard ngayon. Ngayon niya lang na-realize ng lubus-lubos ang parte niya ngayon sa buhay ng lalaki. Humugot siya ng malalim na hininga. How insane! Katatapos niya lang putulin ang relasyon niya kay Kenneth. Ngayon, may relasyon na siya sa lalaking ito. Pero pumayag naman siya sa pakikipag-relasyon dito, hindi ba?

Ibinalik ni Stefie ang tingin kay Bernard at ngumiti. "A-Ayos lang naman," sabi niya. "Pero kailangan nating ilihim ang relasyon na 'to, okay? Iyon ang nasa usapan natin."

Hindi tumugon si Bernard. Sa halip ay bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya para hagkan siya. Pagkatapos ay lumayo ito at tumango. "Huwag kang mag-alala, alam ko kung paano tumupad sa aking pangako," sabi nito.

Ngumiti siya at iniyakap ang kamay sa baywang nito. "Salamat," taos-pusong bulong niya. Naniniwala si Stefie sa mga salita nito. Mahirap na para sa kanya ang magtiwala sa kahit kanino subalit kakaiba siya pagdating sa lalaking ito.

Ngumisi si Bernard. "Ikaw ang kauna-unahang girlfriend ko, alam mo ba 'yon?"

Inalis niya ang pagkakayakap dito at marahang hinampas sa dibdib. "Ngayon nagsisinungaling ka na," tumalikod siya para ibalik ang pansin sa niluluto. Ano namang pinagsasasabi ng lalaking ito? Mambobola na nga lang ay hindi pa ayusin.

Hinigpitan ni Bernard ang pagkakayakap sa baywang niya at ipinatong ang baba sa balikat niya. "Nagsasabi ako ng totoo," bulong pa nito. "Hindi talaga ako nagkaroon ng girlfriend. A lot of flings, yes, pero hanggang doon na lang iyon. I took a woman to bed and after that, wala na. Hindi rin ako nanligaw sa kahit na sinong babae."

"Dahil sila na ang lumalapit sa'yo," pagtutuloy ni Stefie. Naiinis siya dahil sa dami ng babae na naka-fling nito. Hindi niya alam kung ilan pero sigurado siyang marami. Pero may parte ng puso niya ang masaya dahil sa sinabi nito. Siya lang ang in-offer'an nito ng relasyon – relasyon na tatagal hanggang sa magsawa sila sa isa't isa. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon, hindi niya na rin muna gustong isipin. Gusto niya munang i-enjoy ang relasyon na ito ngayon.

"Yeah, ganoon nga," pagsang-ayon ni Bernard bago tumawa.

"I hate you," she hissed. Nagbibiro lang siya, siyempre. Na-miss niyang sabihin ang mga salitang iyon dito. Na-miss niyang magalit sa lalaki subalit mas nais na ang tumanggap ng kasiyahan mula dito. At magbigay din ng kasiyahan para dito.

"Alam ko 'yon," sagot pa nito. "Iyan ang paborito mong sabihin sa akin noon," hinalikan nito ang leeg niya. "But now you'll say, 'Please, Bernard' or 'More, Bernard'," sinabayan pa nito iyon ng malakas na tawa.

Naiinis na siniko ni Stefie ang nobyo sa parteng tiyan nito. Gustong-gusto talaga siya nitong asarin, noon at ngayon. "Bakit ba palagi mong—" she sucked her breath when she felt him grinding his hard groin on the small of her back. "Bernard," saway niya dito. "N-Nagluluto ako. Bumalik ka na nga doon sa upuan mo," utos niya pa dito. Pinigilan niya ang sarili na magpadala sa init na nararamdaman. Kailangan niyang matapos ang niluluto para makakain na sila at makapasok sa kanya-kanyang trabaho.

Nagpatuloy lang sa pagtawa si Bernard pero sumunod din naman sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Stefie at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kailangan maging maayos ang niluluto niya para hindi siya mapagtawanan ng lalaki.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon