HINDI napansin ni Stefie na naparami na pala ang nakain niya kung hindi lang siya napasulyap kay Bernard na nakangiting nakatitig lamang sa kanya. Kanina pa pala ito tapos sa pagkain at pinagmamasdan na lang siya. Hindi niya mapigilan ang sarili. Gutom na gutom siya at tunay na napakasarap naman ng in-order na pagkain ng lalaki.
"Hindi ka na kakain?" nahihiyang tanong niya.
"Busog na 'ko," sagot ni Bernard.
Lumabi siya at sumulyap sa isang slice ng strawberry cake na dessert nila. Inabot niya ang tinidor at pinakain ng cake ang lalaki. "Have some dessert," hiling niya.
Bumuntong-hininga si Bernard pero sumunod din naman. Kinuha nito ang hawak niyang tinidor para siya naman ang pakainin ng cake. Masaya namang sumunod si Stefie. Hindi niya magawang paniwalaan na ginagawa niya ang bagay na ito kasama si Bernard. Her greatest enemy had turned into her lover in just one night. Paanong nangyari ang bagay na ito?
"Anong oras ang pasok mo bukas?" tanong ni Bernard.
"Alas-otso ng umaga," tugon niya.
"Gusto mo bang ihatid kita?"
Mabilis na umiling si Stefie. "Hindi na, baka mapansin ka pa ng mga ka-trabaho ko doon. Kaya ko na namang mag-commute papunta doon galing dito."
Tumango-tango na lang ang lalaki.
"Ikaw? Anong oras ang pasok mo?" tanong niya naman.
"Nagpupunta ako sa office ng alas-nueve ng umaga," napaisip ito. "May shareholder's meeting nga pala kami bukas ng hapon."
"Saan ba naka-locate dito ang kompanya mo?" patuloy na pagtatanong ni Stefie. Kung noon ay hindi niya gustong maka-alam ng kahit na ano patungkol sa lalaki, iba na ngayon.
"Sa Ayala lang, hindi naman ganoon kalayo dito. Gusto mo bang pumunta doon minsan?" may bahid na ng pagkasabik ang tono nito.
"Baka magtaka ang mga empleyado mo doon kapag isinama mo ako," sagot niya sa tanong nito. "Ayokong makarating kay Kuya Martin ang tungkol sa atin."
Ilang sandaling hindi niya narinig ang pagsasalita ni Bernard. Nang tingnan niya ito ay binigyan lang siya nito ng isang ngiti.
"Lilinisin ko muna itong pinagkainan natin," maya-maya ay wika niya.
"Tutulungan na kita," ani Bernard.
"Ako na," tanggi niya. "Mabilis lang naman ito," iyon lang at nagsimula na siya sa pagliligpit ng pinagkainan nilang dalawa. Sanay na siya sa paggawa ng mga household chores dahil sila lang namang dalawa ng Kuya Martin niya ang magkasama ng lumaki. Hindi naman maaaring iasa niya rin sa kapatid ang paggawa niyon.
Nang matapos sa ginagawa ay lumingon siya sa likod at nakitang nakamasid lamang sa kanya si Bernard. "Wala ka bang gagawing iba kundi pagmasdan ako?" pagbibiro niya pa nang makalapit dito.
Ngumiti si Bernard. "Nag-iisip ako ng paraan para mapasaya ka mamaya," ganting biro nito.
Pinamulahan ng mukha si Stefie sa narinig. Agad na nag-react ang kanyang katawan; she could feel her desire aching for him. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Nagiging addicted na siya sa lalaking ito at walang magawa para patigilin ang sarili.
Napapitlag siya nang makarinig ng pagtunog ng cell phone. It was hers. Lumapit siya sa bedside table at kinuha ang aparato na inilagay niya doon kanina.
Natigilan siya nang makita ang number ni Kenneth. Ipinikit niya ang mga mata para pigilan ang makaramdam ng galit. Nagbilang siya ng hanggang sampu sa isipan bago binuksan ang mga mata at tinanggal ang battery ng cell phone. Hindi pa siya handang makipag-usap kay Kenneth. Baka kung anong masabi niya at mas lalo lamang siyang mapahiya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...