Chapter 39.1

4.5K 103 4
                                    

MALAWAK na napangiti si Bernard habang inaayos ang suot na relo na ibinigay sa kanya ni Stefie noong kaarawan niya ilang buwan na ang nakalipas. This was the only wristwatch in his possession. Tunay na ipinamigay niya sa mga kaibigan ang ibang relo dahil ito lang ang may halaga sa kanya.

Napatingin siya sa pinto ng condominium unit nang marinig ang pagkatok mula doon. Wala siyang inaasahang bisita kaya nagtataka pa siyang lumapit doon at binuksan. Kababalik niya lang mula sa isang importanteng meeting kani-kanina. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Bernard nang makita ang matalik na kaibigang si Ren sa labas.

“Hey,” nakangiting bati nito, itinaas pa ang hawak na box ng pizza.

“Napadalaw ka,” wika niya at inanyayahan ito sa loob. Isinara niya ang pinto at lumakad patungo sa living area. “Ano ‘yang mga dala mo pa?” tukoy niya sa mga folders na hawak ng babae.

“Files,” maikling tugon nito bago pabagsak na umupo sa couch. “So this is your place,” anito habang iginagala ang paningin sa paligid. “May kinausap akong isa sa mga kliyente dito, then naalala ko na dito ka nga rin pala nakatira. Mabuti na lang at tama ang unit na pinuntahan ko.”

Tumango-tango na lang si Bernard at sumulyap sa wristwatch na suot. Pasado alas-sais na ng gabi. Plano niya sanang bisitahin si Stefie ngayong gabi. Doon na rin sana siya maghahapunan. Ilang araw niya ring hindi nakakausap ng ayos ang nobya dahil naging sobrang abala sila sa opisina nitong nakaraang linggo.

“May pupuntahan ka ba?” tanong pa ni Ren. “May naabala ba ako sa schedule mo?”

Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. “Pinaplano kong bisitahin ang girlfriend ko,” ngumisi pa siya.

Ipinaikot ni Ren ang mga mata. “Baliw na baliw ka talaga sa kanya,” pang-aasar pa nito. “Kumain muna tayo ng pizza. Gutom na ako.”

Napailing na lang si Bernard bago umupo sa katapat nitong sofa. Masayang ipinakita niya pa sa kaibigan ang suot na relo. “Ibinigay n’ya ito sa akin,” pagmamalaki niya.

Binuksan ni Ren ang box ng pizza at sinimulan na ang pagkain. “I wish nakikita mo kung gaano kalawak ang pagkakangiti mo ngayon, Bernard,” nangingiting puna nito. “Wow, ibang-iba ka na talaga. Matindi talaga ang tama mo sa babaeng ‘yan, ha?”

Nagkibit-balikat na lang siya bago umabot ng isang slice ng pizza. “She’s the only woman I’ve ever wanted this much, Ren.”

Tinitigan siya ng kaibigan. “You didn’t just want her, Bernard. You love that woman, matagal ko nang alam ‘yon. Dapat alam mo na rin ‘yon. Stop telling yourself that you just want her. Kung ‘want’ lang ‘yang nararamdaman mo, dapat matagal na iyang naglaho,” umiling pa ito. “Tigilan mo na ang kaka-deny diyan sa nararamdaman mo.”

Iniiwas na lang ni Bernard ang tingin sa kaibigan. Hindi niya pa nais pag-usapan ang patungkol sa damdamin na iyan.

“How about her?” narinig pa niyang pang-uusisa ni Ren.

Ibinalik niya ang tingin sa babae. “Anong mayroon sa kanya?”

“Anong nararamdaman niya para sa’yo?” seryoso na ang tinig nito. “Mahal ka ba niya?"

Natigilan si Bernard sa tanong na iyon. Siyempre, alam niyang ‘hindi’ ang sagot doon. Si Kenneth ang mahal ni Stefie. Sa tingin niya ay hindi pa rin nawawala ang katotohanang iyon. Gustuhin man niyang palitan si Kenneth sa puso nito ay hindi niya naman alam kung paano. All he had given her was the pleasure that they both wanted. Hanggang doon na lang ang kaya niyang gawin.

Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil wala pa rin siyang ipinagbago simula noon. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung paano magagawang makuha ang puso at buong atensiyon ng babaeng mahalaga sa kanyang buhay. Nag-e-enjoy lang si Stefie sa piling niya subalit hindi ibig sabihin noon ay mahal na siya nito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon