NAPATIGIL si Stefie sa paghakbang nang makarating sa living area ng bahay nila at nakitang naroroon si Kenneth habang nanonood ng kung ano sa hawak na cell phone. Iginala niya ang paningin sa paligid. Wala doon sina Bernard at ang kapatid niyang si Kuya Martin. Saan kaya nagpunta ang mga ito sa dis oras ng gabi?
Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa sofa na kinauupuan ni Kenneth para silipin kung anong pinapanood nito. Nakatalikod ito kaya hindi pa siya napapansin. Ganoon na lang ang pagkagulat ni Stefie nang makita ang pinapanood ng lalaki – iyon ay isang babae at lalaki na parehong walang saplot at may ginagawang kung ano. Wala siyang marinig dahil naka-headset si Kenneth.
A-Anong— Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang paghigit sa kanyang braso. Nang tingnan ni Stefie kung sino iyon ay agad na nakita si Bernard. Hinila siya ng lalaki patungo sa kusina.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" marahas subalit mahinang wika ni Bernard nang makaharap sa kanya.
Iniyuko ni Stefie ang ulo. "I-Iinom sana ako ng tubig," nauutal na tugon niya. "H-Hinahanap ko rin si Kuya."
Humugot muna ng malalim na hininga ang lalaki bago muling nagtanong. "Kung ganoon, bakit ka nakikisilip sa pinapanood ni Kenneth? Hindi para sa mga bata ang bagay na 'yon," patuloy na pagpapagalit nito. "Lumabas si Martin dahil may kailangan siyang kunin sa sasakyan."
Nangilid na ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngayon niya lang nakitang galit si Bernard, hindi niya gustong magalit ito sa kanya. "I-I'm sorry... h-hindi ko naman gustong—"
"H-Huwag kang umiyak, Stefie," naaalarmang wika ni Bernard. "Pasensiya ka na kung pinagalitan kita. Hindi ko naman—"
Napatigil ang lalaki nang yakapin niya ito ng mahigpit. "I'm sorry, Bernard. Hindi ko na uulitin 'yon, h-huwag ka nang magalit."
"S-Stefie..." tila nangangatal na sambit ni Bernard sa kanyang pangalan. Hinayaan lang siya nito. "Hindi naman ako galit."
Tumingala siya sa lalaki at ngumiti. "Iinom lang ako ng tubig, tapos matutulog na ako."
Tumango naman si Bernard at hinayaan na siyang gawin ang kailangang gawin. Pagkatapos niyon ay muli itong nagsalita. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo," anito.
Kumislap ang mga mata ni Stefie at masayang tumango. Nang makarating sila sa loob ng kanyang silid ay pinagmasdan lang siya ni Bernard hanggang sa makahiga sa kama.
Akmang lalabas na ang lalaki nang muli siyang magsalita. "Bernard," tawag niya dito. Pagkalingon ng binata ay saka siya nagpatuloy. "Ano 'yong pinapanood ni Kenneth? Masama ba 'yon?"
Ilang sandaling natigilan si Bernard. Lumakad ito patungo sa gilid ng kama at naupo doon. "Para sa matatanda lang 'yon," tugon nito. Ipinaliwanag nito sa kanya sa pinaka-maayos na paraan ang intimacy na iyon na ginagawa ng mga lalaki at babae. "Pero huwag mo munang pag-ukulan ng pansin ang patungkol doon dahil bata ka pa. Pag-aaral muna ang dapat mong intindihin. Siguradong ganito rin ang sasabihin ng Kuya mo."
Tumango-tango si Stefie. "Ginagawa lang 'yon ng mga matatanda na?" patuloy na pagtatanong niya. Ang totoo ay gusto niya lang na magtagal pa dito ang lalaki, gusto niya pa itong makausap.
Bumuntong-hininga si Bernard. "Oo," ilang sandali siya nitong pinakatitigan. "Pero sana ay maibigay mo ang importanteng parte na iyon ng buhay mo sa lalaking po-protektahan at aalagaan ka habang-buhay, sa lalaking hinding-hindi ka sasaktan."
Lumabi siya. Sana ikaw ang lalaking 'yon, Bernard. Sana mapansin mo rin ako minsan...
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomanceStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...