Chapter 29.6

3.8K 86 2
                                    

"STEFIE..."

Dahan-dahang iminulat ni Stefie ang mga mata at agad na nasalubong ang nag-aalalang mukha ng kapatid na si Kuya Martin. Napangiwi siya nang maramdaman ang matinding pananakit ng katawan, maging ng ulo.

"K-Kuya..." nanghihinang wika niya at iginala ang paningin sa paligid. Noon niya lang napansin na nasa loob siya ng isang hospital room. Hindi niya magawang maalala kung bakit siya naririto.

"Hija, may masakit pa ba sa'yo?" narinig niyang wika ng isang matandang lalaki na nasa gilid. Isa siguro itong doktor. "Naaalala mo ba ang nangyaring aksidente?"

Marahang ini-iling ni Stefie ang ulo. "H-Hindi ko alam," itinaas niya ang isang kamay at hinawakan ang may bendang ulo. "A-Ayokong mag-isip... m-masakit..." napahikbi na siya. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito. Her head was aching, and so was her heart.

"Ssshhh... it's okay, huwag mong puwersahin ang sarili mo," mahinahong wika ng doktor.

Napatingin siya sa isang tabi nang maramdaman ang paghawak sa kanyang kamay. Nakilala niya si Kenneth, punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. "Huwag kang mag-alala, Stefie. Nandito lang kami. Aalagaan ka namin hanggang sa gumaling ka na," ngumiti pa ito.

Bumuntong-hininga si Stefie. Pakiramdam niya ay biglang gumaan naman ang kanyang nararamdaman dahil sa ngiting iyon ng lalaki. Napakabait talaga nito.

Ilang sandali lang ay nag-uusap na ang doktor at si Kuya Martin. Hindi na pinag-ukulan ng pansin ni Stefie ang pinaguusapan ng mga ito at sumunod na lamang kay Kenneth nang simulan siya nitong pakainin ng mga prutas na naroroon.

Napasulyap siya sa pinto ng hospital room at nakita ang isa pang lalaking nakatayo doon. Hinanap niya sa isipan ang pangalan nito. Bernard...

Mabilis na iniiwas ni Stefie ang tingin sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng paninikip ng puso at inis para dito. She hated Bernard Buenaventura. She hated him. Iyon ang mga salitang gumugulo sa kanyang isipan.

Ipinikit niya ang mga mata at hindi na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mukha. She hated him... Iyon lang ang nakatatak sa kanyang isipan...

"Stefie... Stefie..." pukaw ng tinig ni Kuya Martin sa daloy ng kanyang alaala.

Ini-angat ni Stefie ang tingin sa kapatid na nasa mukha na ang pag-aalala. Hindi niya na namalayan na may mga luha na pala sa kanyang mukha.

"Bakit ka umiiyak? Naintindihan mo ba ang lahat ng sinabi ko? May problema ka ba, Stefie?" magkakasunod na tanong ng kapatid.

Ini-iling niya ang ulo at marahas na pinunasan ang mga luha sa mukha. Pinigilan niya ang sariling muling mapaiyak subalit sobrang sikip pa rin ng kanyang dibdib. "W-Wala, Kuya," pumiyok pa siya. "May... may naalala lang ako."

"Stefie, kung may—"

Tumayo siya mula sa kinauupuan na naging dahilan ng pagkatigil ng kapatid. "B-Biglang sumama ang pakiramdam ko, Kuya. G-Gusto ko na munang magpahinga. T-Tatawagan na lang kita mamaya."

Hindi na naman nagpumilit si Kuya Martin at tumayo na rin. Nagpaalam na ito sa kanya at sinabing huwag kakalimutang tumawag.

Nang tuluyang makaalis ang kapatid ay nagtatakbo si Stefie papasok sa sariling silid para doon humagulhol ng iyak. Anong ibig sabihin ng mga alaalang iyon? Bakit bigla na lang iyong bumuhos na parang rumaragasang tubig sa dam?

Marahas niyang ipinilig ang ulo. Paano niya nagawang kalimutan ang mga alaalang iyon? Bakit hinayaan niyang ang mga pag-aaway lamang nila ni Bernard ang manatili sa kanyang isipan? Bakit hinayaan niyang lamunin ng kanyang galit at sakit ang mga alaalang iyon? Bakit hinayaan niyang tumatak lamang sa isipan na galit siya kay Bernard, na hindi niya ito gusto?

"Bernard..." umiiyak na sambit ni Stefie sa pangalan ng nobyo. Hindi si Kenneth ang first love niya. It was Bernard! Natabunan lamang iyon ng galit, sakit at insecurities niya. Dahil si Bernard ang naka-away niya bago ang aksidenteng iyon, dahil ito ang huling nasa isipan niya, dahil sobra ang galit niya sa lalaki kaya mas pinili ng isipan niyang kalimutan na lamang ang nararamdaman para dito. Kinalimutan niya ang pagmamahal para dito at ibinigay kay Kenneth. Dahil si Kenneth lamang ang pumansin sa kanya noon, dahil sa pagiging mabuti nito.

Nilinlang ng kanyang isipan ang kanyang puso. How could that be possible? Minahal niya si Bernard... simula pa noon. Si Bernard ang gusto ng puso niya. Subalit dahil mas sinusunod niya ang isipan ay kinalimutan na lamang iyon. Dahil ayaw niyang sumubok at masaktan ay ibinaon na lamang ang nararamdamang iyon. Napakatanga niya!

Minahal niya rin si Kenneth, oo. Subalit sa loob ng mga panahon ng pagsasama na iyon ay mas itinitibok pa rin ng kanyang puso si Bernard. Iyon ang dahilan kung bakit kahit palagi silang nag-aaway ay lumalapit pa rin siya dito upang makausap ito. Iyon marahil ang dahilan kaya ganoon na lamang kadali na ibigay niya sa lalaki ang lahat-lahat.

She loved Bernard. Ni minsan ay hindi nawala ang pagmamahal na iyon, natakluban lamang ng galit at sakit. Dahil itinatak niya sa isipan na hinding-hindi siya mapapansin ng lalaki kaya hindi na talaga siya sumubok, kaya mas pinili niyang makipag-relasyon sa iba.

Malakas na napahagulhol ng iyak si Stefie. Ngayong bumalik na ang alaala na pinilit kalimutan, tila bumuhos na rin ang lahat ng kanyang nararamdaman para sa nobyo. Ito ang gusto ng puso niya. Nais niya itong makasama habang-buhay subalit paano? Bernard just desired her. Kapag nawala na ang damdaming iyon ay posibleng iwanan siya ng lalaki. Hindi na makakaya ng puso niya ang bagay na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon