“KENNETH!” masayang tinawag ni Stefie ang pangalan ng nobyo nang makita ang pagpasok nito sa front door. Mabilis siyang tumakbo palapit sa lalaki at niyakap ito ng mahigpit.
Natatawang ginantihan ni Kenneth ang yakap niya.
Bahagya siyang lumayo sa nobyo at nagtatampong tiningnan ito. “I’ve missed you,” napanguso siya. “Dalawang beses ka lang tumawag sa akin nitong nakaraang linggo.”Ngumiti si Kenneth at masuyong ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad. “I’m so sorry, babe. Sobrang dami kasing kailangang asikasuhin sa trabaho,” yumuko ito at mariing hinagkan ang kanyang mga labi.
Nang umagwat ito ay nangingiti niyang pinagmasdan ang guwapong mukha ng nobyo. Nawala na ang tampong nararamdaman niya.Napatingin si Stefie sa likod ni Kenneth at awtomatikong nawala ang ngiti nang makita ang hindi inaasahang bisita.
“Anong ginagawa niya dito?” mataray na tanong niya, tinutukoy ang isa pa sa mga kabarkada ng kuya niya na si Bernard Buenaventura.
“Kasama ko siya,” sagot ni Kenneth at nilingon si Bernard.
Naiinis siyang napabuntong-hininga at tiningnan ng masama ang lalaking kinamumuhian simula pa noong high school. Bakit ba naman hindi siya maiinis sa lalaki, eh, kada magkikita sila ay wala na itong ginawa kundi ang galitin siya? Hindi alam ni Stefie kung anong ginawa niya sa lalaki at parang napakainit ng dugo nito sa kanya. Well, ganoon rin naman siya dito. Kung may taong hindi niya nais makasama ay si Bernard iyon.Bumaling siya kay Kenneth nang maramdaman ang pag-akbay nito. “Mas lalo ka ‘atang gumanda ngayon, babe,” pambobola pa ng nobyo. Muli itong tumingin kay Bernard. “Hindi ba, pare?”
Sinulyapan ni Stefie si Bernard at nakita pa ang pag-ismid nito.
“I don’t think so,” walang-palyang tugon ni Bernard bago lumakad palampas sa kanila.
Stefie gritted her teeth. Nilingon niya si Bernard. “I’m sorry kung hindi ako katulad ng mga tipo mong modelo at artista,” sarkastikong wika niya, puno ng pagkainis ang dibdib.
Tumigil si Bernard at tumingin sa kanya. “You’ll never be,” patuloy na pang-uuyam nito.
Mariin niyang ikinuyom ang mga kamao. Pinipigilan niya ang sariling murahin at saktan ang lalaki.
Lumakad si Stefie patungo kay Bernard, hindi pinansin ang pagtawag ni Kenneth sa pangalan niya.
Nang makalapit sa kinamumuhiang lalaki ay tiningala niya ito. He was a six-footer subalit hindi siya patatalo kahit na matangkad ito. Puno ng talim ang tinging ipinukol niya dito. Gustong-gusto niya itong saktan subalit nagpipigil lang. Hindi talaga maitatanggi sa dating nito ang kayabangang taglay.
“I hate you so much, Bernard Buenaventura,” buong diing wika ni Stefie. Sigurado siyang nag-aapoy na ang mga mata niya sa matinding galit para sa lalaki.
Nagkibit-balikat si Bernard at tila balewalang nilampasan muli siya para magtuloy sa dining area ng bahay.Ilang beses na humugot ng malalim na hininga si Stefie para kalmahin ang nagwawalang kalooban. Napapitlag pa siya nang maramdaman ang pag-akbay muli ni Kenneth. Tiningnan niya ang nobyo. “Bakit ba kasi isinama mo pa ang lalaking ‘yon? Nasira lamang ang gabi ko.”
Nangingiting napailing si Kenneth. “Kaibigan ko siya, babe. Kaibigan din siya ng kuya mo,” itinaas nito ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya. “Kailan ba kayo magkakasundong dalawa?”
“Never,” mabilis pa sa kidlat na tugon ni Stefie at humalukipkip. Hinding-hindi siya makikipagkasundo sa Bernard na iyon!
Tumawa na lamang si Kenneth at inaya na siyang magtungo sa dining area kung saan naroroon na rin ang kapatid niya at nobya nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
Roman d'amourStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...