Chapter 9.2

4.7K 97 6
                                    

SOBRANG bilis ng kabog ng puso ni Stefie nang makapasok siya sa loob ng bahay nila sa Las Piñas ng gabing iyon. Agad na napadako ang tingin niya sa may living area kung saan nakaupo doon si Kuya Martin at ang nobyo niyang si Kenneth. Mabilis niyang iniiwas ang tingin sa nobyo nang mapatingin ito sa kanya.

"Stefie," narinig niyang tawag ng kapatid.

Lumapit siya sa mga ito, ang tingin ay nakatutok lamang kay Kuya Martin. Hinalikan niya sa pisngi ang kapatid. "It's nice to see you again, Kuya," aniya.

Ngumiti si Kuya Martin. "Kumusta ang pakikituluyan mo doon sa kaibigan mo? Wala naman bang problema?"

Tumango si Stefie pero mabilis na iniiwas ang tingin sa kapatid. "Maayos naman. Naghahanap na rin ako ng puwedeng rentahang apartment malapit sa pinagta-trabahuhan ko. Hindi naman kasi puwedeng palagi na lang akong nakikituloy."

Bumuntong-hininga ang kapatid. "Plano mo na talagang bumukod," napailing pa ito. "Pero hindi ako makikialam sa desisyon mo basta palagi ka lang mag-iingat. At kung may kailangan ka, huwag ka mahiyang lumapit sa akin, ha? Ipinangako ko sa mga magulang natin na aalagaan kita."

Ngumiti naman si Stefie at nagpasalamat sa kapatid. Maya-maya ay narinig nila ang pagtikhim ni Kenneth.

Sumulyap si Kuya Martin sa nobyo bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Hahayaan ko na muna kayong mag-usap na dalawa nitong si Kenneth," ani pa nito. "Doon lang ako sa kuwarto at magpapahinga. Medyo napagod rin ako sa trabaho kanina."

Wala nang nagawa si Stefie nang tumalikod ang kapatid at lumakad patungo sa hagdan. Dalawang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago ibinaling ang tingin kay Kenneth na nanatiling nakaupo sa couch. Ilang araw na rin mula ng huling niyang makita ang mukha ng nobyo. Wala namang nagbago.

Tumayo si Kenneth at awtomatiko namang napaatras ang isang paa ni Stefie, na umani ng pagtataka sa mukha ng nobyo. "Stefie..." pagsambit nito sa pangalan niya.

Gusto nang tumulo ng mga luha ni Stefie ng mga oras na iyon. Sobrang tagal nilang nagsama ng lalaking ito. Minahal niya ito. Pinagkatiwalaan. Bakit ba siya nito sinaktan at pinagtaksilan? Dahil lang ba hindi niya nagawang ibigay ang lahat dito? Dahil hindi niya nagawang punan ang pangangailangan nito bilang lalaki?

Oo, hindi niya nagawang ibigay kay Kenneth ang lahat pero ganoon na lamang kadali nang ibigay niya ang ini-ingatang pagkababae kay Bernard. Gustuhin man niyang iuntog ang ulo sa pader ay huli na. Nangyari na ang lahat. Wala na siyang mababago pa.

"Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, babe," pukaw sa kanya ng nobyo. "May problema ba? Hindi ka rin dumating noong kaarawan ko. Ang sabi ng Kuya mo galing ka daw sa kaibigan mo."

Hindi napigilan ni Stefie na tingnan ng masama si Kenneth. Gusto niya itong sampalin ng mga oras na iyon at isigaw sa harapan nito ang nakita niya noong kaarawan nito sa mismong kuwarto niya. Talagang napaka-kapal ng mukha ng lalaking ito! Pinagtaksilan siya nito pero umaakto pa rin itong tila walang ginawang masama.

Ibinaba niya na lamang ang tingin nang makita ang pagkunot-noo ni Kenneth. Hindi, hindi dapat siya mapahiya sa harap ng lalaking ito. She should save her pride, at least. Iyon na lang ang natitira sa kanya.

"Babe..." muling tawag sa kanya ni Kenneth at inabot ang isa niyang kamay para hawakan iyon.

Akmang tatanggalin ni Stefie ang kamay mula sa mga kamay ng nobyo subalit napatigil siya nang makita ang suot nitong wristwatch. Hindi na iyon ang ibinigay niya noong kaarawan nito ng nakaraang taon. Bago na iyon at mukhang mamahalin.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang nagbabantang mga luha sa pagpatak. Marahan niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak nito. "M-May bago ka ng relo," bulong niya, pinipilit gawing stable ang tinig.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon