Chapter 24

4.1K 100 5
                                    

PAGKAPASOK ni Stefie sa loob ng condominium unit ni Bernard nang gabing iyon ay dumeretso muna siya sa kitchen area para ipatong sa table doon ang biniling hapunan. Pagkatapos ay lumakad naman siya patungo sa bedroom area. Maya-maya na muna siya kakain. Sumampa siya sa ibabaw ng kama at inilabas sa paper bag na dala ang mga pinamiling libro kanina sa bookstore.

Naramdaman ni Stefie ang pag-iinit ng mukha habang tinitingnan ang bawat librong naroroon – erotic-romance books, to be exact. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isipan niya at bumili siya ng ganitong klase ng mga libro. Kanina sa bookstore ay hiyang-hiya siya habang nagbabayad sa cashier.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinimulang mag-scan sa mga librong iyon hanggang sa hindi niya namamalayang napapatagal na ang kanyang pagbabasa. Napakaraming bagay na nakasulat doon ang bago lamang sa kanya, kasama na nga iyong nakita niyang ginawa ni Amy kanina sa boss nila.

Ipinilig ni Stefie ang ulo. Men want that, naalala niyang sabi ni Amy kanina. Would Bernard want that too? Pero bakit hindi itinuturo ng lalaki ang bagay na iyon sa kanya.

Ibinalik niya ang pansin sa libro. Binabasa niya na ngayon ang pahina kung saan nakasulat ang mga bagay na nais ng bawat lalaki. Ipinikit ni Stefie ang mga mata at nahiga sa kama. Hindi niya nagagawa ang mga bagay na iyon kay Bernard. Throughout their relationship, Bernard was the only one who kept on pleasuring her so much. Hindi niya alam kung naibibigay rin ang nais nito.

Iminulat niya ang mga mata at tumitig sa kisame. Memories of Bernard on top of her, sweating hard as he pounded inside her, popped in her mind. She could still remember the pleasure in his handsome face as he reached his peak.

Wala sa sariling napangiti si Stefie. She wanted to pleasure him more. She needed him so much. She wanted to feel his heat inside her once more.

Bumalikwas siya ng bangon at sinimulan nang ayusin ang mga librong nakakalat. Ibinalik niya iyon sa loob ng paper bag. Hindi niya dapat iwanan ang mga ito sa unit na ito ni Bernard. Baka pagtawanan siya ng lalaki kapag nakita ang mga iyon. Sa bahay niya na lamang itutuloy ang pagbabasa nito kapag wala siyang pasok sa opisina. Kakain na lang muna siya at magsa-shower para alisin ang pag-iinit na nararamdaman.

Pagkatapos kumain at mag-ayos ng sarili sa pagtulog ay sumampa na siya sa kama dala ang pag-aaring camera. Aabalahin niya na lamang ang sarili sa panonood ng mga larawan nila ni Bernard doon. Sa pamamagitan ng mga larawang iyon ay bahagya namang nawawala ang pangungulila niya para sa nobyo.

Nang matapos doon ay ipinatong niya na sa bedside table ang camera para magpahinga. Mukhang hindi na rin naman tatawag sa kanya si Bernard. Nakaramdam na naman siya ng hindi maipaliwanag na pagkainis. Napatigil siya nang mapadako ang tingin sa drawer ng bedside table. Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang drawer na iyon.

Out of curiosity, binuksan ni Stefie ang drawer. Napangiti siya nang makita ang isang photo album doon, mukhang matagal na ang album na iyon. Kinuha niya iyon para tingnan ang laman.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Stefie nang makitang mga larawan iyon ni Bernard noong bata pa ito. Ang ilan ay kasama ang pamilya ng lalaki. Mukhang napakasaya ng pamilya nito. Masaya siya dahil kompleto pa rin ang mga ito.

Patuloy lamang siya sa paglipat-lipat ng mga pahina, hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi. Napaka-cute ni Bernard sa mga larawang iyon. Natigilan siya sa paglipat ng pahina nang makita ang isang larawan. Larawan iyon ni Bernard kasama ang isang babae. Hindi naman iyon ang nakababata nitong kapatid na babae. Sa tingin niya ay nasa kolehiyo pa lang si Bernard ng mga panahong iyon, mukhang mas bata naman dito ang babae ng ilang taon.

Parehong nakangiti si Bernard at ang babae sa larawan. Naka-akbay naman ang isang kamay ng lalaki sa babaeng iyon. May hawak na certificate ang babae – a certificate for joining a contest for legal students. Wala naman talaga siyang pakialam sa bagay na iyon. Ang nais niyang malaman ay kung sino ang babaeng kasama ng nobyo sa larawan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon