Chapter 12

5.3K 125 3
                                    

NAPATINGIN si Stefie sa isa sa mga katrabaho niyang si Amy nang umupo ito sa katapat niyang silya. Pansamantala siyang nasa cafeteria ng kompanyang pinagta-trabahuhan at nagpapahinga. Katatapos niya lang ding mananghalian.

"You look so blooming nowadays, Stefie," puna ni Amy at ngumiti.

Napangiti na lang si Stefie at napailing.

"Dahil pa rin ba diyan sa long-time boyfriend mo?" tanong pa nito. "Pero hindi ko na siya masyadong nakikita ngayon dito."

Bumuntong-hininga si Stefie. "Naghiwalay na kami," kunwa ay bale-walang sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ni Amy. "Talaga?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. "Kailan pa?"

"Ngayong linggo lang." Hindi niya na gustong pag-usapan si Kenneth hangga't maaari. Sana ay magawa iyong makuha ni Amy.

Tumango-tango si Amy bago sumandal sa sandalan ng upuan. "Sa tingin ko, mas ayos na 'yon," sabi pa nito.

Kumunot ang noo ni Stefie sa sinabi nito.

Mukhang nabasa naman ni Amy ang pagtataka sa mukha niya kaya nagpatuloy ito. "Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero minsan kasi ay nakikita ko siyang nagpapalipad-hangin sa mga babaeng naririto tuwing susunduin ka niya," bumuntong-hininga ito. "Hindi ko naman talaga siya kilala kaya hindi na ako magsasalita pa."

Tumango-tango si Stefie. At least, alam niya na 'yon. Alam niya na ngayon kung ano ang mga ginagawa ni Kenneth sa likod niya. Paanong naging napaka-unfaithful nito? Dahil lang ba sa hindi niya ibinigay dito ang matagal na nitong nais? Dahil hindi siya magpa-angkin dito? Kung ginawa ba niya iyon noon ay hindi na ito titingin sa ibang babae? Hindi siya sigurado doon. Mabuti na lang talaga at hindi niya ipinagkaloob sa dating nobyo ang lahat-lahat.

"Oh, narinig ko nga pala na naghahanap ka raw ng matutuluyang apartment," pagpapatuloy pa ni Amy.

Napatingin siya sa katrabaho. "Yeah," sagot niya. "Ngayong linggo lang ako naghahanap. Medyo nahihirapan na kasi ako sa pagbi-biyahe mula sa amin papunta dito."

Tumango si Amy. "Mayroon kasing bakanteng apartment sa lugar na tinutuluyan ko. Dalawang sakay lang 'yon ng jeep mula dito. Kung gusto mong makita, sabihin mo lang sa akin."

"Hindi ba mahal ang renta doon?" tanong niya. "Hinihintay ko lang ang sahod natin ngayong katapusan para makapagbigay ng paunang renta at deposito."

Ngumiti si Amy at umiling. "Hindi naman ganoon kamahal. Kakayanin mo 'yon."

Bumuntong-hininga siya at tumango. "Kapag nakuha ko na ang suweldo ko, magpapasama ako sa'yo doon para tingnan 'yon."

"Walang problema," tugon ng katrabaho. Ilang sandali pa silang nag-usap bago ito nagpaalam dahil kailangan na raw nitong bumalik sa sariling trabaho.

Nagdesisyon si Stefie na bumalik na rin sa trabaho pero napatigil siya sa pagtayo nang marinig ang pagtunog ng hawak na cell phone dahil sa isang mensahe. Napangiti siya nang makita ang pangalan ni Bernard sa screen. Binuksan niya ang mensahe at binasa ang nilalaman niyon.

Sweetheart, gagabihin ako mamayang gabi. Maraming kailangang asikasuhin dito sa opisina at may meeting pa with some investors. Dito na rin ako magdi-dinner.

Sender: Bernard

Malungkot na napabuntong-hininga si Stefie. So mag-isa siyang magdi-dinner ngayon sa condominium unit nito? Mabuti pa sigurong mag-take out na lang siya ng pagkain sa madadaanang restaurant mamaya dahil wala na siyang ganang magluto pa. Plano niya pa namang lutuan ang lalaki ng masarap na putahe.

Kinagabihan, pabagsak na naupo si Stefie sa ibabaw ng kama ni Bernard at tiningnan ang oras sa maliit na orasang nasa bedside table. Past eight pa lamang ng gabi. Katatapos niya lang kumain at maghugas ng pinagkainan. Wala na siyang maisip na gawin ng mga oras na iyon. Tinatamad naman siyang manood ng T.V. o magbasa ng libro.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard BuenaventuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon