NAPATINGIN si Stefie sa manager ng department nila sa kompanyang pinagta-trabahuhan nang may iabot itong isang folder sa kanya. Inutusan siya nito na dalhin daw iyon sa opisina ng boss nila dahil may mga tawag pa raw itong kailangang asikasuhin. Dahil wala rin naman siyang masyadong ginagawa sa sariling work desk ay sumunod na agad siya.
Habang nasa loob ng elevator ay hindi niya napigilang kunin ang cell phone na nasa bulsa ng uniform para alamin kung may mensahe galing kay Bernard. Humihiling siya na sana ay makahanap uli ito ng oras para matawagan siya.
Pagbukas ng pinto ng elevator sa floor ng opisina ng boss nila ay agad na siyang lumabas at naglakad patungo doon. Kumunot ang noo ni Stefie nang mapatapat sa opisina at napansing bahagyang nakaawang ang pinto niyon. Mas lumalim pa ang pagtataka niya nang makarinig ng ungol mula doon.
Kahit inuutusan na siya ng isipan na lumayo sa lugar na iyon ay hindi niya pa rin sinunod. Bahagya niyang binuksan ang pinto ng opisina ng boss, puno ng pag-iingat ang mga galaw. She peeked inside. Stefie was flabbergasted when she saw her boss, Sir Ramuel, and Amy inside the office. Nakaupo sa couch na naroroon ang boss nila habang nasa sahig at nakaluhod ang katrabaho niyang si Amy.
Nakapikit si Sir Ramuel habang nakasandal ang ulo sa headrest ng couch samantalang si Amy ay nakatalikod sa kanya kaya hindi siya ng mga ito nakikita. Pakiramdam ni Stefie ay nagyelo ang mga paa niya sa kinatatayuan lalo na sa nakikitang ginagawa ni Amy sa lalaki.
Bahagya lamang nakababa ang pantalon ni Sir Ramuel habang si Amy ay hawak-hawak ang pagkalalaki nito sa isang kamay. Her eyes widened when she saw Amy put their boss' manhood in her mouth. Her head bobbed up and down while Sir Ramuel kept on groaning with pleasure.
Natutop ni Stefie ang bibig para maiwasang lumikha ng ingay. Anong ginagawa ng mga ito? Ano ang ginagawa ni Amy sa boss nila? At bakit nito ginagawa iyon?
Bago pa siya mahuli ng mga ito ay mabilis na siyang lumayo sa lugar na iyon. Tumatagaktak ang pawis niya hanggang sa makarating sa loob ng elevator.
Marahas niyang ini-iling ang ulo para alisin sa isipan ang nakita pero hindi pa rin magawa. Napakaraming tanong ang nagsusumiksik pa rin isipan niya. Anong nangyayari doon? Bakit ginagawa ni Amy ang ganoong klase ng bagay sa boss nila?
Napasandal siya sa elevator at ilang beses na humugot ng malalim na hininga. Wala talaga siyang kaalam-alam sa mga sexual acts na ginagawa ng babae at lalaki maliban sa lahat ng natutunan niya kay Bernard.
Tiningnan ni Stefie ang hawak pa ring report na dapat sana ay ibibigay niya kay Sir Ramuel. Sasabihin niya na lang sa manager ng department nila na wala ang boss sa opisina. Magdadahilan na lang muna siya.
Sumulyap siya sa wristwatch na suot. Maya-maya lang ay malapit na silang mag-uwian. Babantayan niya sa lobby si Amy para itanong dito ang mga katanungang gumugulo sa isipan. Hindi niya lubos maisip na may relasyon ito sa boss ng kompanya nila.
Kinahapunan, agad na napatayo si Stefie mula sa pagkakaupo sa lounging area ng lobby ng kompanya nila nang makita ang katrabahong si Amy. Ilang minuto niya na itong hinihintay doon. Laking pasasalamat niya dahil lumabas na ito.
"Amy!" tawag niya sa kaibigan.
Lumingon si Amy sa kanya at tumigil sa paglalakad nang makita siya. Ngumiti ito. "Stefie," ganting bati ng katrabaho.
Pinasadahan niya ng tingin ang katrabaho. Medyo gusot ang suot nitong uniporme at alam niya na ngayon kung bakit. Ibinalik niya ang tingin sa mukha nito. "P-Puwede ba tayong mag-usap?" nag-aalangan pang tanong niya. Luminga-linga siya sa paligid. "Doon sana sa walang makakarinig sa atin."
Bumahid ang pagtataka sa mukha ni Amy pero tumango na lang ito at sumunod sa kanya patungo sa isang parte ng lobby kung saan wala ng katao-tao. Halos lahat ng employees ng kompanya ay nakalabas na ng mga oras na iyon.
"M-May problema ba?" nagtatakang tanong ni Amy.
Tumikhim muna si Stefie bago sumagot. Alam niyang hindi dapat siya nakikialam sa personal nitong buhay pero hindi niya naman mapigilan ang sarili. Napakaraming tanong ang gumugulo sa isipan niya na kailangan mabigyan ng kasagutan kahit papaano. "A-Alam kong... hindi dapat ako nakikialam dito pero ..." humugot siya ng malalim na hininga bago tumingin kay Amy. "N-Nakita ko kayo ni Sir Ramuel s-sa opisina niya kanina," lakas-loob na dugtong niya.
Nakita niya ang pagbahid ng matinding pagkagulat sa mukha ni Amy. Mabilis nitong iniyuko ang ulo, tila ba hiyang-hiya.
Agad namang nakaramdam ng guilt si Stefie. "H-Hindi ko sinasadyang makita iyon, Amy," pagdadahilan niya. "Nagpunta lang ako doon dahil may kailangan akong ibigay na report kay Sir p-pero hindi ko naman inaasahan na n-naroroon ka."
Ilang sandaling tahimik lamang ang katrabaho, kitang-kita rin ang panginginig ng katawan nito. "A-Anong nakita mo?" garalgal na tanong nito.
"H-Hindi ko alam," umiling-iling pa siya. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang nakita. "I j-just saw the two of you in an intimate position. N-Nakaluhod ka sa sahig habang nakaupo lang sa sofa si Sir... h-hindi ko alam, Amy. H-hindi ko maintindihan kung anong ginagawa mo kanina. Umalis na kaagad ako dahil ayokong mahuli n'yo ako."
Nag-angat ng tingin si Amy sa kanya at nakita niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. "Hindi mo alam kung anong nakita mo?" tila nakakaloko pang tanong nito.
Siya naman ang napayuko. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha. Oo, hindi niya talaga alam kung ano ang nakita kanina. Hindi niya alam na maaari palang gawin ang bagay na iyon.
Narinig niya ang mahinang pagtawa ng katrabaho. "You are so innocent, Stefie," dugtong pa nito.
Muli niyang tiningnan si Amy at nakita ang pag-iwas nito ng tingin. "I'm pleasuring him with my mouth, that's it," she said boldly, para bang balewala na ang bagay na iyon dito. "Men want that. They like it so much."
Napalunok si Stefie. Hindi niya iyon alam. Men like it? Magugustuhan ba rin iyon ni Bernard? Marahas niyang ipinilig ang ulo. Ano bang iniisip niya? Ikinuyom niya ang mga kamao. Hindi! Hindi dapat siya nag-iisip ng ganoong mga bagay.
Itinutok niya ang pansin sa katrabahong nasa harap. Nakatingin lang si Amy sa kawalan, puno ng kalamigan na ang mga mata. Kumunot ang noo niya. "B-Bakit mo ginagawa 'yon, Amy? May... may relasyon ba kayo ni... Sir Ramuel?" iyon ang mga tanong na gumugulo rin sa isipan niya.
Bumuntong-hininga si Amy. "Ano ba sa tingin mo?" balik tanong nito.
Tumango-tango siya. Nakuha niya na ang sagot mula doon. "Kailan pa?" patuloy niya. "H-Hindi ba may pamilya na siya?"
"M-Matagal na daw silang hiwalay ng asawa niya," sagot nito.
Tinitigan ni Stefie ang katrabaho. Marami pa siyang nais itanong pero mukhang ayaw na nitong pag-usapan ang patungkol sa bagay na iyon. Hindi niya gustong pakialaman pa ang buhay at mga desisyon nito. "Hindi kita huhusgahan dahil sa bagay na 'yan, Amy," mahinang sabi niya. Inabot niya ang kamay nito at marahang pinisil. "Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi ang nalaman ko."
Tumingin sa kanya si Amy, nangilid na ang mga luha sa mga mata nito pero pinilit nitong ngumiti. "Salamat, Stefie," wika nito, may mahihimigang kalungkutan sa boses.
Hindi alam ni Stefie pero pakiramdam niya ay may nais pang sabihin ang katrabaho pero hindi na itinuloy. Sigurado siya na may dinadalang kabigatan sa kalooban si Amy. Gustuhin man niyang malaman ay nag-aalangan siyang patuloy na mang-usisa. Hihintayin niya na lamang na ito ang kusang magsabi ng saloobin. Ipagdarasal niya na lamang na sana ay maging maayos ang kung anumang pino-problema ng katrabaho at makapag-desisyon ito ng tama at makakapagpasaya rito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura
RomantikStefie was very satisfied with her life. Kahit na hindi niya nakukuha ang lahat ng mga materyal na ninanais sa buhay, masaya na siya na nasa tabi ang minamahal na nobyo sa loob ng mahabang panahon, si Kenneth Abiera. Nais niyang maipakita sa lalaki...