Chapter One

810 13 0
                                    

Two weeks previous...

"Stay, stay for the night. Hold me, hold me tight. Don't leave me, need an escape. From this loneliness inside me... In the darkness, you see me. You touch and kiss me breathlessly. I'm lost, lost in your eyes. Lost in your kisses, lost in your touch...

"All night, I see shadows of you and me. 'Hear sweet whispers in the silence. The bed is shaking, I am loved. You moan my name, I'm so alive. I give myself and I am free. 'Cause you take me, oh, you take me to paradise. Again and again..."

Sanji leaned against the doorframe of the recording studio. Nakatutok ang tingin sa YouTube video na naka-play sa flatscreen TV. Sa video, isang silhouette ng babae ang makikita. Ang mga daliri ay mabining sumasayaw sa mga piyesa ng piano habang kumakanta. Nakatagilid sa camera at nakaharap sa sunset na tumatagos sa floor-to-ceiling glass window nang kinaroroonan nitong silid; hiding her identity, like a secret.

Hauntingly captivating. Iyon ang dating ng orihinal na lyrics, melody, mysterious effect ng video, at ng soulful na pag-awit ng babae. Hindi lang ito punung-puno ng passion. Ito mismo ang kahulugan niyon. Tumatagos iyon sa kahit sinong nakikinig ng kanta. Kaya hindi nakapagtatakang ilang araw pa lang mula nang i-upload ang video, umabot na ng million views. The Mysterious Siren. Iyon ang ibinigay na pangalan dito ng netizens. Ang lahat ay naiintriga; gustong makita ang mukha ng singer.

Including him.

Kailangan niya ito bilang talent ng SDV Entertainment. Isang prestigious talent agency na engaged sa linya ng Marketing at field ng entertainment gaya ng TV and Film, Advertising, Commercial and Print, New Media and Music Videos. His late grandfather, Simeon Dela Vega I, started it. Iniwan sa kanyang ama. Na nang makipagkita din kay San Pedro, iniwan sa kanya. Bagaman duda siya kung nakita nga ng ama ang Santo; natitiyak niyang ginagampanan nito ang role bilang second in command ni Lucifer.

"No words from her yet?" tanong niya kay Noel, ang Recording Manager ng SDV.

"Wala pa rin, boss. Kahit sa mga comments ng netizens, walang reply si Mysterious Siren." Pinadalhan ito ng mensahe ng kompanya na nagpapahiwatig ng interest sa talent nito. Pero nanatili itong tahimik. Walang makuhang impormasyon sa YouTube account nito. Ang account name ay ang mismong title ng kanta: Whisper. Bagaman dahil sa background ng video, kung saan makikita ang magandang landscape ng mga puno at ang malayong imahe ng Mayon Volcano, may clue sila sa location nito.

"Nagtataka ako kung bakit. Ang music at voice niya? Superb. I'm so jealous," wika ni Sissy na tumabi sa kanya.

"Jealous, huh? Why? Bukod sa mahusay kang modelo, marunong kang umarte, kitten," aniyang kinindatan ito. Isa si Sissy sa mga bagong talent ng SDV.

"Really? Kapag lagi kang magsasabi nang magagandang salita, I won't stop asking you to spend the night with me." Binigyan siya nito nang nang-aakit na tingin.

He grinned. "Just go home. Magpahinga ka. You did great today sa photoshoot ninyo."

Pinaikot nito ang mga mata bagaman natawa. "Oh, I hate that you don't mess around with your employees, Sanji Dela Vega."

"Then quit," tukso niya.

"Ha-ha. Saka na kapag mayaman na ako. Then I'll quit so I could taste you." Kinindatan siya nito bago tinalikuran.

"Well, kung hindi mo pagbibigyan si Sissy, can I just taste her, man?" natatawang sabi ni Noel.

Tahimik siyang natawa at pinaikot ang mga mata. Tumango sa video. "Monitor her," aniya, saka ito iniwan. Kailangang maunahan nila ang ibang recording company. SDV needed a singer like her. At gusto niyang malaman kung sino ang nasa likod ng tinig na iyon.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon