Chapter Four, Part Two

421 16 3
                                    

Halo-halo ang nararamdaman ni Spice. Ang hurt, rejection at galit ay halos nagpaubos ng lakas niya kanina. Pero ang huling deklarasyon ni Sanji ay muling binuhay ang thrill, excitement at matinding kaba sa dibdib niya.

Wala pang tatlong minuto, naroon na sila sa condominium building na tinitirhan nito. Wala siyang oras para makabawi sa pagkabigla. The indifference in his dark eyes made her feel how serious and unstoppable he was for what he planned to do-with her. Tulad nang mga ipinahiwatig nito. At maging sa sariling antisipasyon na nararamdaman ay natatakot siya.

"I'm not going to sleep with you," iyon ang mga salitang lumabas sa bibig niya bago pa ito makababa sa driver's seat.

Binalingan siya nito. His lashes lowered nang titigan ang mga labi niya. Bago muling hinuli ang mga mata niya. "And I don't do virgins," blunt nitong sabi sa bahagyang paos na tono. Humigpit ang pagkakahawak sa manibela. "Now, baba na, Spice. Bago ka pa magkasakit."

Pulang-pula ang mukhang bumaba siya. Kailangan bang ipagdiinan nito ang kainosentehan niya? Pinukol niya ito ng matalim na tingin. Gusto niyang sumigaw at tumakas. Pero sa nakita niya sa mga mata nito, natitiyak niyang kung hindi niya tatanggapin ang kondisyon nito, he would tell Sean. Bina-blackmail siya. Trap ang pakiramdam niya. Hindi niya magawang tumakbo. Dahil ayaw niyang akusahan siya nito nang pinakaayaw niyang marinig na salita-duwag. Kaya itinikom niya ang bibig. Bakit ba hindi na lang siya nagsinungaling dito at sinabing kakalimutan na niya ang plano niya? Of course, nainsulto siya nang sabihin nitong kalimutan niya iyon at si Bass. Sino ba ito para sabihin iyon? The nerve of him.

At ngayon, naririto ka sa sitwasyong 'to, tuya nang isang bahagi ng isip niya. Damn it.

Hindi maikakaila ang tensiyon sa elevator. Walang nagsalita isa man sa kanila. Nang makarating sila sa silid sa unit nito at binigyan siya nang malinis na t-shirt at boxers, she almost lost it. The whole situation was just too much. She was alone in a room with Sanji Dela Vega---the devastatingly beautiful man who only existed to pleasure women. Hindi nakikipagrelasyon, hindi naniniwala sa pag-ibig.

Hahalikan siya nito, hahawakan, ibibigay sa kanya ang isang karanasang makakatulong sa kanyang makuha ang puso ni Bass. Nagpreno sa paglakbay ang isip niya sa imahinasyong nagpapainit ng pakiramdam niya nang maisip si Bass. Right. Dahil dito kaya niya ginagawa ang bagay na iyon. Kaya kinalma niya ang sarili at pilit na pinamanhid ang pakiramdam.

"Ituloy mo na iyan sa paliligo, Spice. Sa kabilang silid ako mag-sa-shower," ani Sanji bago siya tinalikuran.

Lumunok siya. "Bakit nagbago ang isip mo at pumayag ka na ngayon? H-how can I trust you na wala kang sasabihin kay Sean? Na hindi ka mag-ti-take advantage at pipilitin akong---" Napatigil siya nang bumaling ito sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila.

He scanned her face, searching for something. May ilang hibla ng basang buhok ang bumaba sa mga mata nito at wala itong ginawa upang alisin iyon. As if he knew that it made him look sexier but he couldn't care less. Unti-unting naglaho ang kawalan ng emosyon sa mga mata. Instead, they started to get heated nang pasadahan ng tingin ang kanyang katawan.

Nang yumuko siya, naintindihan niya kung bakit. Nagawa niyang pansining bakat na ang matipunong dibdib nito sa basang t-shirt nito, at hindi naisip na pareho lang silang basa. Her sweatshirt was clinging to her body like a second skin. Ipinagkrus niya ang mga braso sa dibdib upang kahit paano ay maitago ang sarili. Pero nang muli siyang mag-angat ng tingin, desire flooded her system just by that kind of look he was giving her.

Pagkatapos ay kumilos ito. Patungo sa kanya. Bawat hakbang nito ay lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya. Ang intense at lustful look na ibinibigay sa kanya ay parang gusto magpatakbo sa kanya palayo, pero sa kabila ng lahat, gusto ring magpanatili.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon