Chapter Eleven, Part Two

375 16 0
                                    

“Kanina ka pa hindi umiimik masyado,” untag sa kanya ni Bass. Naroon sila sa porch ng  apartment. Nakaupo siya sa pasamano paharap sa unit niya, habang nakatayo naman ito, nakapatong sa pasamano ang mga siko paharap sa gate.  “May problema ba, Spice?”

Siguro. Hindi niya alam. Dapat ay masaya siya dahil kasama niya ito ngayon. Lalo na at parang kay tagal nitong hinintay na muli silang magkausap nang ganoon. Kaya nga daw ito napaaga nang uwi dahil na-mi-miss siya. Pero bakit lumilipad ang isip niya sa ibang bagay? Masikip pa rin ang dibdib niya sa mga nalaman niya tungkol kay Sanji.

Buong buhay nito, nagdusa at nahirapan ito. Pero nagagawa nitong harapin ang mundo nang tumatawa at nagpapatawa. As if he was letting the world see that he was just laughing at its cruel joke on him by giving him to the family who didn’t deserve him. Sana kaya niya ang ginagawa nito. But then again, he was guiltless. While she wasn’t.

Ilang sandaling pinagmasdan niya ang nakaukit sa rubber bracelet niya bago pinilit na ngumiti. “Wala,” sagot niya kay Bass. “Kumusta nga pala ang wedding ng sister mo?”

“It was fine,” anito, bagaman mukhang hindi naniwala sa kanya. “Actually, dahil sa wedding na iyon ay napag-isip-isip kong handa na akong lumagay sa tahimik.”

Natigilan siya. “Nagkabalikan kayo ni Jean?”

Marahan itong tumawa. “No. Sinabi ko na sa’yo nang tumawag ako. I’m over her.”

Dapat ay nakahinga siya nang maluwag pero normal lang ang reaction siya. Na para bang kahit pa sinabi ni Bass na nagkabalikan ito at ang ex nito ay okay lang sa kanya. What was wrong with her? “So, may dapat ka bang ipakilala sa akin?” pabirong tanong niya.

Mataman siyang pinagmasdan ni Bass. Ang kaparehong tinging ibinigay nito sa kanya bago ito umalis na para bang may hinahanap sa kanyang mukha. Kumilos ang kamay nito patungo sa kamay niyang nakapatong sa pasamano. Dinama ng thumb finger ang ibabaw ng kamay niya. Nasorpresa na naman siya. Dahil hindi niya makapa ang pamilyar na init tulad ng nararamdaman niya tuwing nagkakadikit ang kanilang mga balat ni Sanji.

“Na-miss kita, Spice,” wika ni Bass.
Bumilis ang tibok ng puso niya sa kung anuman ang sunod na mangyayari. Pero iba ang tibok niyon. Iba ang tunog. At hindi rin niya alam kung paano niyang nasabi iyon at nalamang may pagkakaiba.

Dahil pag-ibig ang nararamdaman mo para kay Bass. At kahit nakapikit ka pa, malalaman mo ang kaibahan ng tibok niyon sa nararamdaman mo para kay Sanji---which is lust and nothing else, katwiran ng munting tinig na iyon.

“Sinabi mo na iyan kanina,” magaang sabi niya.

Ngumiti si Bass. Ang ngiting nagpahulog sa kanya dito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang naging ordinaryo ang dating niyon. You are thinking too much, Spice. Tumahimik ka na lang at pagmasdan ang guwapong mukha ni Bass. Iyon nga ang ginawa niya.

“Gusto kong ulitin,” anito sa mababang tono. Imahinasyon lang ba niya o talagang lumapit ang mukha nito sa kanya?

Mataman niya itong pinagmamasdan, sinubukang basahin ang iniisip nito. At nang bumaba ang mga mata nito sa kanyang mga labi, nahulaan niya kung ano’ng gusto nitong mangyari. Sa isang iglap ay naisip niyang tawirin ang natitirang distansiya sa pagitan nila at halikan ito. Iyon ang perfect time para gamitin niya ang mga natutunan niya. Ang perfect time para i-seduce niya ito. After all, iyon ang dahilan kung bakit nilapitan niya si Sanji; kung bakit kinailangan niyang maghanap ng karanasan.

Tinitigan niya ang mamula-mulang mga labi ng lalaking kaharap. Walang dudang mahusay itong humalik. At somehow, may kutob siyang kapag hinalikan niya ito ngayon, gaganti ito. Pero bakit hindi niya magawang kumilos? It was as if nangangamba siya sa matutuklasan niya. Na baka wala ang inaasahan niyang sparks at ang matinding init na bumabalot sa kanyang pagkatao na tila kinukuryente siya tuwing naglalapat ang mga labi nila ni Sanji.

Sa naisip ay umangat ang kamay niya para haplusin ang mukha ni Bass, who tensed at her touch. Determinado siyang patunayan sa sarili na wala siyang dapat ipangamba. Determindong alisin sa isip ang lalaking gusto niyang pawiin ang sakit at pait na nararamdaman dahil sa mga pinagdaanan nito. Ang lalaking gusto niyang kalimutan ngayon. Dapat si Bass lang ang iniisip niya. The reason why she crazily sought for sexual experience in the first place, dahil determinado siyang makuha ang pag-ibig nito.

Bass breathing became ragged. Mababakas ang desire sa mga mata nito habang tinititigan siya. “Spice?” paos nitong tanong habang unti-unting inilalapit ang mga labi sa mga labi niya.

Iyon ang oras kung kailan dapat na niyang maramdaman ang panginginig ng mga tuhod niya. Ang oras na dapat ay pumikit na siya habang inaasam ang paglalapat ng mga labi nila. Pero sa halip, bago pa tuluyang lumapat ang mga labi ni Bass sa kanya, she jerked away from him, biglang natauhan sa gagawin. At higit kailanman, nakadarama siya nang matinding pagkalito. What in the world is happening to me? frantic na tanong niya sa isip.

“Spice...” nabiglang sabi ni Bass, bago nahulaan ng concern ang desire sa mga mata. “Spice, I’m sorry. I just...” Akmang hahawakan siya nito ngunit mabilis siyang bumaba siya sa pasamano at lumayo dito. Natigilan ito. Ilang sandaling pinagmasdan siya na tila hindi alam ang gagawin o sasabihin. Saka ginulo ang buhok nito. “Actually, I’m not sorry. Gusto kitang halikan. Please, sabihin mong hindi mo boyfriend ang lalaking kausap mo kanina, Spice,” anito.

Pinigil niyang mapapikit. Could Bass be this cruel? Bakit nabanggit pa nito ang taong siyang dahilan kung bakit hindi niya magawa ang orihinal na planong halikan ito?

“No. Hindi ko siya boyfriend, Bass.” And he will never be, mapait na dugtong ng isip niya. Naalala ang mga sinabi ni Sanji kung bakit ayaw nitong makipagrelasyon. Naiintindihan na niya ang pinagdadaanan nito ngayon.

“Who is he then?”

Oh, you know. Ang lalaking nagbigay sa’kin ng experience para magawa kitang akitin, Bass. “Kaibigan ni Sean.”

“Then liligawan kita, Spice,” deklara ni Bass. “I’ve been thinking about these strange feelings I feel for you. At ngayon ay nasisiguro ko na. Gusto kitang maging higit pa sa isang kaibigan.”

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon