Chapter Eighteen, Part Two

556 20 4
                                        

He froze. Ang ekspresyon sa guwapong mukha ni Sanji ay para bang sinuntok niya ito. Lumayo ito sa kanya, umatras ng dalawang hakbang.

“Do you really think gagawin ko iyon sa’yo, Spice?” hindi makapaniwang tanong nito, mababakas ang hurt sa mga mata. “Make you my fuck buddy?”

Mas gusto ba nitong isipin niya na aalukin siya nito ng commitment? Dahil pagkatapos ng mga sinabi nito sa kanya nang nagdaang gabi, imposible iyon. “Napag-usapan na natin na kagabi na ang huling beses na gagawin natin iyon. At kapag naulit pa iyon ngayon, hindi ko na alam kung ano’ng iisipin.”

“Oh, sweetheart. Wala akong ipinangako o diretsang sinabi.” Siguro iyon ang problema. Wala itong ipinapangako sa kanya. “Dahil naguguluhan ako. I was fucking clueless kung ano’ng gagawin o iisipin. Kaninang umaga, ikaw ang naunang nagtulak sa akin palayo. Hinayaan kita, kahit na ayokong maniwala na siya pa rin ang pinipili mo. But if you asked me to stay with you, I would have. That realization surprised me myself. Pero mukhang ikaw lang ang nag-iisang bagay na hindi ko kayang tanggihan, Spice. Pagdating sa’yo, I’m weak. The way you look at me takes away my defences. At ngayon, pagkatapos kitang marinig kumanta? Marinig ang bawat salita, maramdaman ang emosyon mo?” He whispered, “How could I still stay away?”

“What are you trying to...” Napalunok siya at hindi itinuloy ang sinasabi, nangangambang baka mali siya ng akala. Hindi iyon ang unang beses na umasa siya, at napapagod na siya.

“My life is fucked up, Spice,” he said, his tone pained. Naglakad ito patungo sa floor-to-seiling window glass, namulsa at pinagmasdan ang buwan. “My father was a fucked up businessman. Nurse ang Mama, pero matagal na siyang nag-quit sa pagtatrabaho. Ang role ng Mama ay asikasuhin lang siya at samahan siya sa mga lakad niya. Pitong taong gulang ako nang unang beses kong masaksihan ang pangyayaring iyon. Sa master’s bedroom, pinapalo niya ang Mama ng sinturon. Nang nagmakaawa akong tumigil siya, hinarap niya ako. He looked like a mad man. Hinampas ako ng sinturon sa braso, sa katawan---kahit saang parte habang pinagmumura niya kami ng Mama. Umawat ang Mama at niyakap siya. Despite her tears, galit niya akong pinabalik sa kuwarto ko. Huwag daw akong hihingi ng tulong—or else, he would hit her harder. I was scared; sumunod ako. Nagkulong sa silid ko.

“Soundproof ang mansion. Nasa labas ang servants’ quarter. Walang makakarinig sa kalupitang iyon. Walang magliligtas sa Mama. Naging mas madalas ang pangyayaring iyon. I learned that, that monster, every time his company or other problems became too much to handle, hindi naglalasing. Instead, he would hit her, ranting how fucking rich he was. Na kaya niyang bilhin ang mundo, na useless ang mga empleyedo niya, at ayaw niyang ngumingiti ang Mama sa ibang lalaki. The fucker. My mother was so in love with him it was sickening.

“Paulit-ulit ang eksena. Aawat ako. Bubugbugin din niya ako. Galit na itataboy ako ng Mama. Sasabihing manahimik ako kundi mas lalo siyang masasaktan. So, I hid in my room. Alam kong mahal ako ni Manang Juliana. Buhay pa ang lolo ko, sa mga Dela Vega na siya naninilbihan. Pero takot akong magsumbong sa kanya. Nalaman ko lang na nagsusumbong sa kanya ang Mama when my parents were both gone. Manang Juliana said my mother asked her to keep quiet dahil sa kabila ng lahat, my mother loved him at hindi gustong masira ang asawa sa mata ng publiko.

“Gustuhin ko mang tumakas kaming mag-ina noon, alam kong hindi siya papayag. Dahil kinaumagahan pagkatapos ng mga pananakit sa kanya, he won’t go to work. Siya mismo ang magluluto ng breakfast. Mag-aagahan kami, while he whispered sweet nothings to her, calling her princess at magtatawanan sila. My mother would hide our scars. Sa dating profession niya, madaling siguruhin kung hindi malala ang natamo namin. Pagkatapos ay mamamasyal kami. Bibilhan niya ang Mama ng mga damit at alahas. At ako, ng mga laruan. Pansamantala, makakalimutan ko ang kalupitan niya.

“Pero nabubuhay ako sa takot. And I swear the motherfucker enjoyed my obvious fear kapag kinausap niya ako. And the way he asked me to become a good boy felt like a threat. I was ten when it happened. Sinasakal niya ang Mama. Calling her bitch. Said he would kill her. I was scared, but enraged. Hinampas ko siya ng upuan. Called him a monster. He laughed, told me I was a monster in the making, too. Pinagsusuntok niya ako hanggang sa muntik na akong mahimatay. Naiintindihan ko na pinoprotektahan ako ng Mama kaya nagagalit siya kapag kinakampihan ko siya. That morning though, she scolded me for hurting him back. Kung mahal ko daw siya, at gusto kong protektahan, huwag na akong makialam sa away nila. She said that he loved her. At kahit anong mangyari, she would always love him. Hatred for that man---iyon lang ang naramdaman ko. Hindi maintindihan kung paanong nagawang mahalin ng Mama ang taong iyon.

“Nang sandaling iyon, ipinangako kong paglaki ko, I’d hit that devil the way he hit my mother. For the mean time, I’d make my mother’s life easier by obeying her. Pero mula sa batang bibihirang lumabas ng silid kapag naroon ang ama, I faced my fears. Looked him in the eye when he talked. Hell, I think I mastered sarcasm dahil iyon na ang alam kong gawin kapag kinakausap niya ako. Sa klase, siniguro kong ako ang laging nangunguna. Not to make him proud, pero para tahimik siyang balaan, na masyado akong matalino para patawarin siya. Masyadong matalino para magawang bilangin ang bawat suntok, hagupit ng sinturon at luhang pumatak sa mga mata ng Mama.

“Sa mga party na dinadaluhan naming pamilya, ipagmamalaki niya kung gaano siya kaswerte sa aming mag-ina. Fucking pretender. At home, he hardly talked to me; said I pissed him off. I joined fraternities, learned martial arts. Made myself strong. Bagaman, hindi ko hinayaan ang eskwelahang ipaalam sa mga magulang ko ang pinaggagawa ko. I was a good student after all, so it was easy. I was damn funny, too. My way of forgetting that I was living in a huge but shitty home. After high school graduation, I finally snapped.

“Flop ang pelikulang pr-in-oduced ng SDV. Nang umuwi siya, binugbog niya ang Mama. I punched him; hindi ako tumigil hanggang sa mahimatay siya. Thought it would make me feel better, but it didn’t. Tumatak sa isip ko ang panunuya niya habang pinagsusuntok ko siya. Na tulad niya, if I would ever have a wife, I would hit her too dahil wala kaming ipinagkaiba. See, I never wanted to be like him. I hated him. Pero pagkatapos ko siyang suntukin? Na sarili kong ama? Tama siya. Wala kaming pinagkaiba. At nang makita ko ang disappointment sa mga mata ng Mama, it broke me. I managed to protect her for the first time in my life, but in a way, I failed her.

“A few months later, he died. Car accident. I felt nothing but emptiness. Pinagsisihan ko ang ginawa kong panunutok sa kanya, pero hindi ko makalimutan ang lahat ng kasamaan niya. I felt worse, dahil hindi ako umiyak. Akala ko, mapoprotektahan ko na ang Mama. She might not be the best mother in the world, pero mahal ko siya. Lumaki ako na ang tanging gusto ay protektahan siya. Pero hindi siya lumaban. Six months after he died, she took pills na nagtapos sa buhay niya. Noon ko lang nagawang tanggapin, that she loved him more than me. That moment, I hated her.”

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon