Chapter Fifteen, Part Two

365 19 3
                                    

Ang tanging gusto ni Spice ay bumalik na ng Manila. Pero tulad nang hiling ni Sean, palilipasin lang niya ang kaarawan niya bago siya umalis. Pagkatapos ng engkwentro nila ni Sanji, hindi niya gustong bigyan ito ng satisfaction na patunayang apektado siya sa presensiya nito.

Sex with you was the best I ever had. Thank you.

Mas pipiliin niyang tinarakan na lang siya nito ng kutsilyo nang sabihin nito ang mga salitang iyon. Gustung-gusto niya itong saktan. But at the same time, hindi rin naman niya kaya. Lalo na kapag nakikita niya ito mula sa silid niya na nakikipagtawanan kina Sean at JC sa stable. Lalo na kapag nakikita niya itong sakay ng stallion; God, he was more elegant and ten times more outstanding and a hundred times hotter than the princes she'd seen on movies.

Ang tanging konsolasyon niya sa paghihirap ng loob, mukhang si Sanji na mismo ang umiwas sa kanya. Nakasama niyang mag-agahan sina Sean at JC pero hindi si Sanji. Narinig niya mula sa dalawa na nagtatrabaho ang lalaki thru laptop kahit nasa hacienda. Kung wala sa study room, sumasama ito kay Sean sa koprahan, kapehan at oil factory.

At siya naman, sa cabin pinapalipas ang buong maghapon. Doon niya tsini-check ang mga ipinapadalang inventory report ni Meredith sa StarCoffee. Inayos din niya ang pagkakahanay ng mga libro sa bookshelves at naisipang pintahan ang mababang bakod ng cabin at gumawa ng hardin sa front lawn. Minsan ay isinama niya doon si Sugar at nagkaroon sila ng pagkakataong makapagkwentuhan. Nakagaanan agad niya ito ng loob at nalaman niyang isa palang painter.

Nang makita niya kung paano ito mag-usap at si Sean, napansin niyang may namamagitan sa dalawa. It amused her. Gusto niya si Sugar. Mukhang may kapangyarihang buhayin ang iba't ibang emosyon nang may pagkabato niyang kapatid. Ngayon lang kasi niya nakitang nakikipag-asaran si Sean sa isang babae. At madalas na ngumiti.

Alam niyang walang sineryosong relasyon ang kapatid. At simula naang maulila sila, lalo itong naging seryoso sa buhay at tila wala nang pakialam kung may dumating na babae sa buhay nito o wala. Kaya naman ikatutuwa niya ng husto kung isang araw ay sabihin nito sa kanyang si Sugar na ang babaeng hinihintay nito.

"Naku, mabuti naman at gising ka na, hija. May bisita ka. Kadarating lang," wika ni Manang Solidad paglabas niya ng silid nang umagang iyon. Nakaligo na siya at handa nang pumunta sa cabin.

"Sino daw ho, Manang?" aniyang nagtataka. Wala naman siyang inaasahang bisita.

"Bass daw. Hayun sa sala at sinilbihan ko na ng kape. Guwapo, anak," tudyo ng matanda.

Ngumiti lang siya at nagmamadaling bumaba. Nang makitang wala ito sa sala, dumiretso siya sa front porch. Naroon nga si Bass. Ibinaba nito ang tasa ng kape sa pasamano ng railing at sumandal doon. Perfect ang maganda at berdeng view sa likuran nito. And he fitted well.

"Bass," aniya.

Bumaling ito sa kanya at ngumiti. At ang alam niya, bigla siyang nakakita ng kakampi---ng safe blanket---sa presensiya nito. Kaya mabilis siyang pumaloob sa mga bisig nito. "Hi."

"Hey, Spice," magaang bati nito at marahang natawa sa iniakto niya. "Sobrang ganda ng lugar na 'to."

"Hindi mo sinabing susunod ka," aniya, nakangiting nag-angat ng mukha.

"Alam kong sinabi mong kailangan mo nang time, pero birthday mo bukas. At gusto kitang makasama," anito at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. "You look lovely."
Nang sandaling iyon, ayaw niyang mag-isip ng iba. Ito lang, ito lang ang gusto niyang isipin.

Pero nasira ang momentum nang may tumikhim. Natitiyak niyang si Sean iyon kaya agad siyang lumayo kay Bass. Pero nang lumingon siya sa loob ng kabahayan, itinulos siya sa kinatatayuan nang makitang hindi nag-iisa si Sean. Nakatayo ito sa labas ng pinto ng study room. Kasama sina JC at... Sanji.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon