Chapter Three, Part Two

714 18 2
                                        

It was a chilly night. Kumukulog at kumikidlat; nagbabanta nang malakas na ulan. Pero natagpuan niyang nasa tapat na uli siya ng Elite Club.

A gust of air blew across her face. Walang paparating na bagyo. At kung may binabagyo man dapat nang sandaling iyon, iyon ay ang dibdib niya dahil sa binabalak niyang gawin. Pero manhid ang pakiramdam niya. She was out for rebellion.

Nang maulila siya, kinalimutan na niya ang pangarap niya---ang maging isang kilalang composer at mang-aawit. Itinigil niya ang pagkuha ng music lessons; at umalis sa music organization na sinalihan sa unibersidad, kung saan lingid sa parents niya na ginagawa niya ang mga iyon noon, since hindi puwedeng ipaalam sa kanyang ina. She stopped showing her love for music in front of other people. Tumutugtog lang siya kapag mag-isa lang siya. She needed to. Ang musika ang nagsisilbing diary niya. Through music, nailalabas niya ang lahat ng sakit, pait, lungkot at ang lahat ng nararamdaman niya.

Ang awiting kinanta niya sa video ay isinulat niya four years ago pagkatapos maaksidente ng mga magulang. Ginamit niya ang hero sa paborito niyang nobela at gumawa ng sarili nilang mundo. Isang pagtakas mula sa mapait na pangyayaring kinakaharap niya.

Nang huling umuwi siya sa Victoria Island, tinugtog at kinanta niya ang Whisper sa sariling cabin niya sa Hacienda Fajardo. Hindi niya alam na kinukuhanan siya ng video ni Hush, na umiyak pagkatapos marinig ang kanta at in-encourage siyang i-upload sa YouTube. Tumanggi siya. Gayunman, itinago niya ang video.

Nang gabing nagkasakit siya at alagaan ni Bass, na-realize niyang mahal na niya ito. At na dahil dito, naalala niya ang pangarap niya. When he performed on stage, he entertained. Hindi ito nangangarap maging sikat. Ginagawa lang nito ang bagay na gusto nito. Ang pagkanta ang passion nito. At gusto niya itong tularan na ipakita sa mga tao ang pagmamahal niya sa musika. He inspired her, and gave her hope.

Nang gabing iyon din, in-upload niya ang video. Humiling ng sign na kapag may pumansin niyon, ipagpapatuloy niya ang pangarap. Sasabihin niya kay Bass na kumakanta rin siya; baka bigyan siya nito ng chance kumanta sa bar nito. That way, makakapag-entertain na siya, maibabahagi niya ang passion niya. Susubukan din niyang mag-audition sa mga talent shows sa bansa tulad nang gusto niya noon. Ibinigay naman sa kanya ang sign at higit pa iyon sa inaasahan niya. Kilala na at pinaghahanap ng lahat si Mysterious Siren.

Nakadama siya ng excitement, kaba at tuwa. Pero mas nangibabaw ang guilt at takot. Guilt dahil may kinalaman iyon sa pagkawala ng mga magulang niya. Matinding takot dahil kapag lumantad siya, hahalungkatin ng reporters ang buhay niya. Malalaman ng mundo ang nakaraan niya... her dark, painful secrets. They would know it all.

God, hindi niya iyon kayang harapin. Lalo na at nakasalalay ang reputasyon ng pamilya niya at ng kanilang kompanya. Maybe she'd already gone through hard things that would have pleased her parents, with nothing but emptiness in her heart. Pero mahina pa rin siya. Masyadong takot harapin ang konsekwensiya. Paano niya magagawang magpakilalang siya si Mysterious Siren?

It was painful to think na kahit abot-kamay na niya ang pangarap, hindi na iyon matutupad. Kahit kumanta sa bar ni Bass, imposible na. Dahil baka makilala ng mga tao ang tinig niya. Nakadagdag pa sa sakit na kapag makipagbalikan si Bass sa ex nito, she might lose even his friendship. Hindi na siya nito magagawang patawanin at kantahan. Hindina sila parating mag-uusap at magkakasama dahil may mag-aari na dito. Ang katotohanang iyon ay nagdudulot sa kanya nang matinding kalungkutan at sakit.

Kaya nagdesisyon siya. Kung hindi niya maipapaalam sa mundo na siya ang misteryosang mang-aawit, ipaglalaban na lang niya ang damdamin para kay Bass. Even if it meant being reckless and wild.

At magsisimula siya ngayon.

Humakbang siyang patungo sa entrada ng bar. Pero napahinto at napabaling sa kaliwa. Sa tulong ng malapit na lamppost, she clearly saw him. Casually leaning against his car, looking naturally perfect.

And surprised.

"What," he stated, "in the world are you still doing here, Spice?"

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon