Hindi akalain ni Spice na magigising siyang ganoon ang pakiramdam. All hot and bothered dahil sa napanaginipan niya.
Mapusok daw siyang hinahalikan ni Sanji, dinadama ang kanyang katawan. Walang anumang saplot ang nakapagitan sa kanila. Hanggang sa maramdaman niya ang pagkalalaki nito sa kanyang pagkababae. God, his manhood inside her felt so real. It was so close. Pero bago pa matuloy iyon, nagising na siya. Aching with need.
“Shit.” Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. Ilang araw na mula nang bumalik sila galing Cebu. At ang lahat nang nangyari sa pagitan nila ni Sanji ay parating laman ng isip niya. Hindi iyon nawawala kahit abala siya sa coffee shop. “This is insane.” Sanji awakened something inside her. Isang pangangailangan na hindi makakayang ipaliwanag ng kahit anong bagay.
Madilim pa sa labas pero nagtungo na siya sa banyo. Hinubad niya ang pantulog. Binuksan ang shower. But her skin felt so sensitive. Lalo niyang naalala ang mga haplos ni Sanji.
Lalong tumindi ang pangangailangang nararamdaman niya. Dumapo ang mga kamay niya sa dibdib, dinama iyon habang binabalikan ang napanaginipan. Shit. Napapikit siya. At sa isang iglap ay hindi na mga kamay niya ang nakikita niyang nakahawak sa dibdib niya kundi mga kamay na mismo ni Sanji. She tilted her head back and then stopped. Horrified. Hindi makapaniwala sa ginagawa. Nababaliw na talaga siya.
Ilang sandaling paulit-ulit siyang huminga nang malalim upang maibsan ang kung anumang nararamdaman. Saka ipinagpatuloy ang paliligo. Pagkatapos ay nagbihis. Maaga pa para magtungo sa StarCoffee, at para ma-distract, kinuha niya ang gitara sa ilalim ng kama. Thankfully, soundproof ang mga silid sa apartment building na iyon. Nagagawa niyang kumanta at tumugtog nang walang nakakarinig sa kanya, kahit si Bass.Naupo siya sa kama at sinimulang tipain ang gitara. Mayamaya ay sinabayan niya iyon nang pagkanta. Bagong lyrics. Bagong tono na hindi niya alam kung saan nagmula. Produkto marahil nang mga naramdaman niya sa nakalipas na linggo.
“She let you see her in the darkness. Heard you whisper her name in the silence. As you owned her, leaving a mark. That could be seen even in the dark. That had her forever tainted...”
Tumigil siya nang maramdaman ang tumulong luha sa kanyang pisngi. Saka mapait na tumawa. God, ano ba’ng ginawa niya sa sarili? Bakit hinayaan niyang mahalikan at mahawakan ng ibang lalaki gayong may mahal siyang iba? At bakit parang... may kapaitang naiwan sa dibdib nang umalis siya sa airport pagkagaling sa Cebu? Na para bang gusto pa niyang dugtungan ang nasimulan nila, dahil kung ito ang magpaparanas sa kanya ng mga bagay na iyon, gusto pa niya iyong maulit? But he wasn’t interested anymore. At hindi ito mawaglit sa isip niya. Lalo na ang mga halik nito at ang paraan ng pagdama ng mga kamay nito sa bawat sensitibong parte ng katawan niya. At ngayon, napapanaginipan pa niya iyon.
Dear Lord. This. This was madness.
**********
“Umuwi si Hush ng Victoria Island,” sagot ni Spice sa tanong ni Tara nang maupo siya sa puwesto nito at magtanong ito kung nasaan si Hush. Tumawag sa kanya ang matalik na kaibigan at ipinaalam na uuwi ito ngayon. Susunod siya sa linggo ng birthday niya---two weeks from now---tulad nang pangako niya kay Sean. At hiling nitong isang linggo siyang manatili doon.
“I see,” wika ni Tara. Tulad nang nakagawian nito, bago o pagkatapos ng duty nito, dumadaan ito sa StarCoffee para uminom nang paborito nitong Mocha Latte. Maraming customer kanina kaya ngayon lang niya ito nagawang lapitan. “Kumusta ang plano natin na magkaroon ka ng experience?”
Kung may kinakain lang siya, baka nasamid na siya. “Kalimutan mo na iyon, Tara,” aniyang umiwas ng tingin.
“Bakit? Dahil may Sanji ka na?” tukso nito.
Nag-init ang kanyang mga pisngi. She was really screwed. Marinig pa lang niya ang pangalang iyon, parang gusto na niyang mag-hyperventilate. At mukhang hindi naman nakaligtas kay Tara ang ekspresyon niya.
“I knew it!” bulalas nito, bago hininaan ang boses. “May something sa inyo ni Sanji, ‘no? Siya ba ang kasama mo no’ng mawala ka nang three days? Saan ka nga pala nanggaling? Nag-out of town kayo? May secret relationship ba kayo or something? O nanliligaw pa lang.” Sumimsim ito ng Mocha Latte.
“No, Tara. Hindi siya nanliligaw sa akin,” tanging sagot niya. Natigilan pa siya nang ma-realize ang tono. Bakit parang tunog bitter siya? What the heck?
“At gusto mong manligaw sa’yo?” amused na sabi ni Tara.
“What? Hindi, ah. Hindi iyon ang tipong nanliligaw ng babae. And besides, noong isang linggo lang, pinaamin ninyo ako kung gusto ko si Bass,” aniyang nakadarama nang hindi maipaliwanag na frustration.
Tatlong araw lang niyang nakasama si Sanji, pero parang napakarami nang nangyari at nagbago sa kanya. At hindi na dapat niya ito iniisip dahil tumawag kanina si Bass. Bukod sa sinabi nitong na-mi-miss siya, hindi na raw ito makikipagbalikan kay Jean. At sobrang saya niya sa nalaman. And no, mariing sabi niya sa isip, I wasn’t being defensive at all.
“Well, nang makita ko kayong magkasama ni Sanji, parang mas bagay kayo eh.”
See, friends were confusing sometimes. Kapag nalaman ng mga itong may nagugustuhan kang lalaki, tutuksuhin ka. Pero kapag may bagong dumating na nagkataong nag-uumapaw ang kaguwapuhan at sex appeal, tutuksuhin ka na naman. Kaya magulo ang mundo. Sa mga ganoong bagay pa lang, marami na ang naguguluhan. Tulad niya.
“Pero dahil si Bass talaga ang gusto mo. At mukhang close naman kayo ni Sanji kung gano’ng hinahatid-hatid ka niya. Puwedeng pahingi ng number niya?”
“Wala akong number niya. At hindi nakikipagrelasyon ang lalaking iyon.” Lumabas na ang mga salita sa bibig niya bago pa man niya mapigilan. She felt even worse sa katotohanang wala talaga siyang number nito. Tumayo siya. “Alas-siete na. ‘Di ba nagki-crave ka ng Korean foods? Sabay na tayong mag-dinner?” aniyang iniba ang usapan. Alas-nueve pa ang closing time ng coffee shop, but she needed air right now. Babalik na lang siya doon pagkatapos kumain.
“Heck, yeah. Let’s go,” wika ni Tara.
Magpapasalamat na sana siya dahil hindi na nito muling binanggit si Sanji nang nasa sasakyan sila. Pero may ibang plano ang tadhana. Nang pumasok sila sa restaurant, at natuon ang mga mata niya sa sulok, natigilan siya.
BINABASA MO ANG
Sugar, Spice and Everything Hush: Spice
Romance"You're a fast learner, love. You're driving me fuckin' crazy..." Because of a painful past and dark secret, hindi magawang maabot ni Spice ang pangarap niya kahit abot-kamay na niya iyon. Then there was Bass. Ang bagong kaibigang sumagip sa kanya m...