Chapter Twenty-Four, Part Three

512 15 0
                                    

Makalipas ang mahabang sandali, nang bumalik sa normal ang paghinga nilang dalawa, masuyong hinaplos ni Sanji ang mukha ni Spice habang mataman itong pinagmamasdan. The intense hunger they just shared a moment ago had slowly calmed down. Pero ang pangangailangan niya para dito ay lalong nadadagdagan sa bawat minuto.

Ngumiti sa kanya si Spice, kumikislap ang contentment, happiness at pag-ibig sa mga mata nito. It made his chest ache. These feelings that they shared seemed so pure, genuine and extraordinary. At dahil sa dalagang yakap niya ngayon, nagkaroon siya ng pagkakataong maranasan iyon.

Again, he took her lips into another earth-shattering kiss. Pagkatapos ay bahagyang lumayo dito. “Hey,” breathless na sabi niya.

"Hey," ani Spice at muling ngumiti. She was breathtaking.

"I love you," ma-emosyong deklara niya at masuyong ipinalikod ang ilang hibla ng ng buhok nito sa tainga nito.

"I love you, too," she whispered back.

At alam niyang iyon na ang pagkakataon para alukin ito ng kasal, na pinagsisihan niyang hindi na muna siya bumili ng singsing. He couldn't wait to bind her with him, ialok dito ang pangalan niya, at lalong bigyan ito ng assurance kung gaano siya walang kabalak-balak na pakawalan pa ito.

Pero ngayong nasa mga bisig na niya ang dalaga, habang nakatitig siya sa mga mata nitong puno ng pag-ibig at tiwala sa kanya, hindi niya magawang maging makasarili. Para kay Spice, dadahan-dahanin niya ang lahat. Bibigyan niya ito ng singsing sa tamang lugar. At bago iyon, he wanted her to experience the feeling of having a boyfriend first, bagaman patuloy niyang ipaparamdam dito na iisa lang ang patutunguhan nila. She deserved as much; lalo na at shortcut ang naging simula nila. Liligawan muna niya ito, at patutunayan ditong karapat-dapat siya sa pagmamahal at tiwalang ibinigay nito. Nagsisimula pa lang din ang career nito; at gusto niyang i-enjoy nito iyon habang dalaga pa ito. Dahil sa sandaling nag-propose siya at tinanggap nito iyon, he would marry her in a heartbeat.

A few months... ibibigay niya iyon dito.

He swallowed hard, his heart swelling with so much love for this woman, that it wasn't even funny not to marry her right here, right now. Hinayaan muna niya ang sariling muli itong pagmasdan, bago ito hinalikan sa noo. "Come on. Balik na tayo sa villa. Kailangan ko nang makausap si Sean na kasama ka bago pa ako uli masapak no'n." Siya na mismo ang nagbihis kay Spice, pagkatapos ay nagbihis din siya.

"Wait. Bakit ka nga uli sinuntok ni Sean?" kunot-noong tanong ni Spice.

He was amused at the memory. "Well, no'ng umagang nalaman ko kay Sean na nakaalis ka na dito sa hacienda, nagalit ako. I kind of questioned his role as your brother to keep you safe from assholes. Of course, nagalit din siya sa akin at tinanong ako kung ano'ng pakialam ko. Pinagbantaan uli ako na kung kung hindi daw ako seryoso sa'yo, layuan daw kita. Sinabi ko sa kanyang mahal kita. And knowing me, Sean was not stupid not to think that I didn't take advantage of you in some way. Sinuntok niya ako. Before he challenged me to try and take you away from Bass if I can. Then assured me na kapag ako ang pinili mo, walang problema iyon sa kanya."

"Wow," ani Spice sa pagitan ng amusement at disbelief. "No wonder s-in-end sa'kin ni Sean ang number mo. He was rooting for you."

"Of course. I'm his best friend," smug na sabi niya. But he was really humbled that Sean approved of him for his little sister.

"Hindi asshole si Bass by the way."

Umangat ang isang kilay niya. "Should I be worried about him still?" aniyang pilit na hindi pinapahalata ang nadaramang selos. Pero naramdaman din iyon ni Spice.

Binigyan siya nito ng masuyong ngiti at tinitigan. "No."

He believed her. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, pero nang malaman niyang mahal siya nito, alam niyang kanya na ito at wala nang competition. At nagseselos lang siya dahil ang lalaking iyon ang unang minahal nito. Siguro dapat siyang magpasalamat dito dahil ito ang dahilan kung bakit nagkalapit sila ni Spice. But no, he was asking for too much.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon