Chapter Twenty-Three, Part Two

373 14 3
                                    

“Give me your hand,” basag ni Spice sa tensiyonadong katahimikan. Sakay na sila ng kotse ni Sanji at ihahatid na siya nito pauwi. May spare towel ang binata at pareho na silang nagpatuyo.

“What?” ani Sanji at sinulyapan siya. Inabot niya ang kamay nito at pareho pa silang natigilan. Lalong tumindi ang sexual tension sa sasakyan. She gently rubbed his knuckes. Pagkatapos ay hinipan iyon. Matalim itong napahugot ng hininga. “What do you think you’re doing?” asik nito.  Akmang babawiin ang kamay ngunit hindi niya iyon pinakawalan.

“You just punched someone. At kahit ikaw pa ang nanuntok, alam kong nasaktan ka rin.” Inosente naman ang intensiyon niya. Pero medyo hindi na ngayong hawak niya ang kamay nito at naalala ang mga bagay na pwede niyong gawin sa katawan niya.

“Damn it!” Sa pagkagulat niya, bigla nitong itinigil ang sasakyan sa tabi. Sumagitsit pa ang mga gulong niyon dahil mabilis ang pagpapatakbo nito kanina. Nabitiwan niya ang kamay nito. “Stop doing that,” he said huskily. Sumandal ito sa upuan at tumitig sa unahan. He looked like he was in pain.

“Doing what?” nalilitong tanong niya.

Gumalaw ang Adam’s apple nito. “What you did earlier. Muntik ka nang gawan ng masama ng taong iyon pero binigyan mo pa ng pera.”

“Dahil minsan, kailangan pa rin nating magpakita nang kabutihan sa taong nagtangka o may binabalak na gawing masama sa atin para makakita siya ng pag-asa at kagandahan dito sa mundo. Upang kahit paano ay maging daan iyon para magbago siya.”

“Just stop being kind, damn it.” Umiling si Sanji at ipinikit ang mga mata. “And now this. You. Taking care of my hand.”

“Ano’ng problema do’n?”

“Hindi ko alam, sabihin mo sa'kin.” Nagmulat ito ng mga mata at tumitig sa kanya. May malakas na puwersang tumama sa dibdib niya. His gaze was so intense. And she felt her heart and body reacting. Hindi na yata maluluma ang matinding epekto sa kanya ng lalaking ito. Physically and emotionally.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan. “Salamat nga pala dahil sinagot mo ang tawag ko,” ang mga katagang lumabas sa bibig niya. Pagkatapos ay natigilan din. “Bakit ang bilis mong--- Sinundan mo ako?”

He sighed. “I was.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. “B-bakit?” At nasaan ang babaeng kasama mo? Nanikip na naman ang dibdib niya nang maalala ang babaeng naka-abre-siete dito. Pero nawala din iyon sa isip nang marinig ang sunod nitong sinabi.

“Para siguruhing safe kang makauwi. And I’m glad I followed you.”

Hindi siya nakaimik. Masyadong mabilis ang tibok ng puso niya. Sobrang bilis. And the butterflies in her stomach had gone mad. Dahil hindi matagalan ang mga titig nito, bumaba ang mga mata niya sa dibdib nito kung saan ilang butones ng polo shirt ang nakabukas. She swallowed hard. Gusto niya itong hawakan at damhin.

Marahan itong nagmura. A heated look in his dark eyes. Nagpalipat-lipat ang titig nito sa kanyang mga mata at mga labi. “Stop looking at me like that, Spice," he warned huskily.

"I'm sorry." Namumulang umiwas siya ng tingin. Pero mukhang hindi rin nito napigilan ang sarili sa kung anong gustong gawin sa kanya.

“Shit,” he muttered under his breath. Pagkatapos ay kinabig siya nito at marahas na hinalikan sa mga labi. Automatikong umangat ang mga kamay niya sa batok nito patungo sa buhok nito.

The kiss was fierce. Hindi siya sigurado kung sino ang nagdadala ng halik---kung siya o ito. All she knew was that they desperately needed each other in that moment. She gave it all; ang pangangailangan at pangungulila niya dito sa nakalipas na ilang linggo. Her apology when she pushed him away, hurting him with her lies and for believing that what she did was selfless. Her love for him that she was deeply hoping she could say out loud.

Sugar, Spice and Everything Hush: SpiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon